Max's POV
Naka upo na siya at naghihintay sakin.
"Tatayo ka lang diyan? Di ka uupo?" Naka ngiting tanong niya. Napalunok ako, parang may mali.
"Oorder lang ako saglit." Tumango siya. At nag simula akong mag lakad. Hindi ko alam pero parang may mangyayaring di ko gusto.
Pagkatapos kung makuha yung frappe na paborito nya at yung cappucino ko. Parang dati lang. Bumalik na ako kung saan siya naka upo.
Tiniklop niya ang librong binasa niya.
"Hinintay mo pa? Sana dito mo nalang inantay."
"Ayoko ng distorbo" naka ngiting tugon ko sa kanya.
Tahimik lang siyang umiinom ng frappe niya.
"Thank you sa libre. Alam kong di ka magpapabayad kahit pilitin kita."
"Spill it. Alam kong may gusto kang sabihin." Naka tingin lang ako sa mga magaganda niyang mata.
Ngumiti siya bago nag salita.
"Tantanan mo na ako" madiin niyang tugon.
"Why would I?"
"Aalis ako ng Hayton kung di mo ako tatantanan." Nanghahamon niyang sinabi sakin.
"Just like the Old times ha? Tatakasan mo ko ulit?"
"At ano ngayon kung Oo?"
"Wala naman ulit akong ginawang masama ah?"
"Aantayin ko pa bang may gawin kang masama bago mo ako tantanan?" Nakikita ko ng naluluha na siya.
"Yan parin ba ang iniisip mo hanggang ngayon? Na sasaktan kita? pat hindi."
"Bakit? Ano ba sa tingin mo Max?" Wag kang umiyak please wag. Nasasaktan ako.
"Pinaranas ko na ang sarili kong maging isang katulad mo dati Pat."
"Ano? Maging isang panget? B*llsh*t Max."
"Hindi. Hindi ganun Pat. Maging isang taong anjan parin sa tabi mo kahit na ipagtulakan mo. Na handa kang saluin sa oras na kelangan mo ng karamay. Kasi yun yung pinakita't ginawa mo sakin noon pat." Nagiging basag na din yung boses ko. Pakshet naiiyak na din ako.
"Pero anong ginawa mo? Di mo ko sinalo? Pinagtabuyan mo pa ako. Ano max? Bakit? Dahil ba sa mukha kong panget noon? Dahil ba sa magulo kong buhok? Sa pagiging manang ko? Ano? Sabihin mo!"
"Hindi nagkakamali ka. Mahal nakita noon pa. Takot lang akong sumugal."
"Takot ka dahil sa sasabihin ng iba? Na yung hearthrob ng campus eh nag kagusto sa walang kwentang studyante na nerd?" Napayuko ako dahil totoo. Totoo ang mga sinabi niya.
"Sawa na akong masaktan Max. Sawa na akong ipagsiksikan ang sarili ko sayo. Tama na yung naging tanga ako sayo noon. Tama na yung pina asa mo ako sa wala." Nakikita ko yung sakit na nararamdaman niya. Sakit na dinulot ko.
"I'm sorry. Okay? Pinagsisihan ko na yung ginawa ko dati. Please. Just please give me one last chance. I'll promise, I make it up to you."
"Ginawa mo akong tanga Max. Tantanan mo na ako. Pagod na pagod na ako."
"Alam ko. Napaka gago ko, alam ko ang tanga tanga ko. Kasi ginago kita noon. Pero maniwala ka naman sakin ngayon oh. Please, di ko na uulitin yung pagkakamaling ginawa ko. Pinagsisihan ko na yun pat."
"Pinagsisihan ko ring nakilala kita Max. Pinagsisihan ko." Tumayo siya at pinunasan ang mukha niyang puno ng luha.
Gustong gusto kong punasan ang mga luhang tumutulo sa mukha niya.
