Maybe, Just Maybe (6)

25 2 0
                                    

Max's POV

Nagmamatayag ako rito sa puno, malapit kung saan nag uusap si Ashley at ang pinsan ko. Hindi ko sila naririnig pero kitang kita ko sila.

Tumayo si Ryle. Mukhang iiwan niya si Ashley doon. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya. Pero for petes sake. I let him to court Ashley. I let myself suffer  for her own happiness. Alam ko namang kay Ryle siya magiging masaya at ganun din si Ryle sa kanya.

Nakita ko kung pano niya hawakan ang kwintas sa oras na natatakot o naiirita siya. Nakita ko kung pano siya kumakalma. pag hawak hawak niya yun. Yung kwintas na inakala niyang bigay ni Ryle.

Nakita ko rin kung paano binuhos ni Ryle ang oras niya para bantayan lang si Ash nung oras na nawala ako. I know they love each other.

Pero ano tong ginagawa ni Ryle? Baliw na ba siya? Tumalikod na ako. Ang bobo ni Ryle. Susundan ko na sana ang pinsan ko ng marinig ko ang boses ni Ashley.

"Maxwell?" Nanlambot ako sa sinabi niya. Eto yung unang beses na tinawag niya ako ulit sa pangalang yun. Hindi ko na alam anong gagawin ko.

"Bakit?" Naguluhan ako sa tanong niya. Humarap ako sa kanya habang siya naman eh umiiyak. Umiiyak nanaman siya.

"Pina-iyak ka ba ng pinsan ko? Wag kang mag-alala. Akong bahala sa kanya" naka ngiti kong sabi sa kanya. Kahit nasasaktan ako dahil sa nakikita ko.

"Bakit mo ko iniwan? Bat ka umalis? Bat moko binilin kay Ryle? Bakit?" Sunod sunod niyang tanong sakin.

Lumapit siya sakin. Hinawakan niya ang kamay ko. Hanggang naramdaman ko ng hinahaplos niya na ang mukha ko. Napapikit ako sa ginawa niya. Pinunasan niya ang luha na tumutulo mula sa mga mata ko. Niyakap niya ako ng sobrang higpit.

"Di mo ba alam kung gano ko kagustong bawiin lahat ng sinabi ko sayo noon? I'm sorry. Sobrang sorry. pinagsisihan ko yun lahat Ash" iyak na lintanya ko sa kanya.

"Alam mo ba kung gano kita ka gustong yakapin ng ganito?" hindi ko alam kung totoo to. Pero oo, narinig ko to galing sa kanya.

"I'm sorry for everthing. I'm sorry to let you feel alone. I'm sorry for leaving you. Hindi ko sinasadya." Yakap ko parin siya hanggang ngayon. Ayokong matapos tong araw nato pero reality sucks. Kelangan.

"I just want you to know, that I love you. I really do, noon pa. Gusto ko lang maging masaya ka"
Seryoso kong sinabi sa kanya.

Naka tingin lang siya sa mga mata ko. Ngunit hindi ko siya kayang tignan ng diretso. Gusto ko lang manatili kaming ganito.

"That's all I want to hear Max. Whatever your reason is okay lang. Just please. Wag mo na ulit gawin yun. Wag mo na ulit akong iwan". Parang nadudurog ang puso ko. Niyakap ko nalang siya ng mas mahigpit. Ganun din siya.

Gusto kong sabihin sa kanya na hinding hindi ko na siya iiwan. Alam kong may mga posibilidad pa rin. I don't want to hurt her. Pero alam kong masasaktan ko talaga siya. I hate this! I hate having this illness. Yes, may sakit ako. It was after the day I started to join the basketball club nang malaman ko.

Nakita kong nag aaway ang mga magulang ko nun. Gusto akong kunin ni mommy nung araw na yun pero di pumayag si Dad. Hanggang sa inatake nanaman ako sa puso. Heart attack, We have this genes running in our family. Kaya nung nalaman kong aalis pala kami dun na ako nag simulang lumayo kay Ash, Gusto kong makalimutan niya ako agad, Gusto kong kamuhian niya na ako. Gusto kong maging masaya siya kahit wala ako sa tabi niya. All I want to do is to forget me in her life.

Nung araw ng kaarawan niya pinaghandaan ko yun. Dadalhin ko sana siya sa paboritong tambayan namin, Ang coffee shop. Nag handa ako nun. Gusto kong makita siyang maging masaya bago ako umalis. Kaso ang tadhana eh tutol talaga sa aming dalawa. Tumawag si mommy ng gabing yun. Yun yung araw na aalis kami papuntang US para sa pagpapagamot ko.

"Hinding hindi kita magugustohan!" Sigaw ko kay Ash. Pinagmasdan ko na lang siyang tumatakbo.

"Grabe ka kung makabasted ng babae pare. Tagos!" tawanan ng mga team mates ko.

"Una na kayo, may dadaanan pa ako" sambit ko habang kuyom kuyom ang mga kamao ko. Tsaka umalis na ako. Gusto ko silang gulpihin sa pang iinsulto kay Ash. Hindi lang sila pati na rin yung sarili ko.

Nang malayo na ako sa kanila. Agad kong pinuntahan si Ash. Nakita ko lang siya sa isang bakanteng upuan na nakaupo, umiiyak. Gusto ko siyang lapitan. Pero hindi puwede. Kailangan kong gawin to. Kailangan kong panindigan lahat ng sinabi ko.

"Max" narinig ko ang pamilyar na boses mula sa likod ko.

"Ryle"

"Kailangan mo na raw umuwi sabi ni tita. Mamaya na ang flight niyo para sa surgery mo" dagdag niya.

"Alam ko" sambit ko. "Can you do me a favor?" Agad ko namang kinuha yung hugis puso na kahon sa bag ko. At binigay to sa kanya. "Paki bigay naman to kay Ash. Just please don't tell her na ako ang nag bigay. Make her happy. Please"

Nginitian niya lang ako at agad nagtungo kay Ash. Ngunit bigla sinyang huminto.

"You don't need to beg. Ipangako mo lang sakin na uuwi ka dito at babalikan mo kami." at agad na siyang umalis.

Ngumiti lamang ako sa narinig ko, di ko kayang mangako sa ngayon.

Hindi pa ako umalis agad. Pinagmasdan ko pa silang dalawa habang pinapatahan ni Ryle si Ash. Parang naninikip ang puso ko. Gusto kong paalisin si Ryle. Gusto ko silang lapitan. Ako dapat yung nasa tabi niya. Ako dapat yung karamay niya. Ako dapat ang pumupunas ng luha niya. Pero ano ang karapatan ko? Ako yung nanakit. Ako yung dahilan ng pag iyak niya. Ansakit makitang iba yung kasama ng mahal mo. Ansakit pakawalan ng taong gusto mo lang makasama. Gusto mo lang mapasaya. Na ayaw mong mawala. Pero kailangan.

Alam ko ang mga posibilidad. Alam kong pwedeng mahulog si Ryle kay Ash. Pero alam ko namang hindi niya magagawang saktan si Ash. Kagaya ng ginawa ko sa kanya.

Nakita kong bahagyang ngumiti si Ash dahil kay Ryle. Hudyat na yun para umalis ako.

Tumalikod na ako sa kanila. At ngumiti. Hindi ko nalang namalayan na may mainit na likido na tumulo mula sa mga mata ko.

"Hindi lang kita gusto, Mahal na mahal kita Ashley Ann Santos. I'm sorry"

***

Ashley's POV

Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Max. Wala na akong pake. Ang gusto ko nalang ang yakapin siya ng ganito. At manatili siya sa tabi ko. Inilapit niya bigla yung bibig niya sa tenga ko.

"As long as I'm alive, I will never leave you" bulong niya.

Napangiti lang ako sa sinabi niya. "Pangako?" Tanong ko.

"Pangako" inalis niya yung pagkakayakap niya sakin. "I will do my best para pasayahin ka, Ash" hinaplos yung mukha ko. At pinisil yung pisngi ko. "Stop crying, Princess" sabi niya habang nakangiti.

"Pero ano talaga nangyari nung nawala ka?" Seryoso kong tanong.

"Akala ko ba wala ka ng pakealam tungkol dun?" Tsaka nag belat siya.

"Curious lang yung tao" Then I rolled my eyes.

"Ang cute mo talaga. You'll know it" Tapos bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan ito. Tsaka ngumiti siya.

"As for know, let's make the most of the time"

Maybe, Just MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon