Max's POV
Di ko talagang mapigilang mapangiti kapag nakikita ko siya. Ang ganda ganda nya sobrang ganda. Nakaka buo talaga ng umaga tong picture ni Ash.
Nag text ako sa kanya. Syempre tanyag ako na stalker ni Ash. pati number niya kinuha ko na. Madali lang naman kunin yun. Kinuha ko lang naman yun sa file niya sa registrar's office. Ang galing ko diba?
To: Honey ko ♥
Good Morning :) See you in a bit honey. Miss na kita agad :*
*message sent*
Hindi ko na inantay na mag reply pa sya. Di naman yun nag rereply. Bwiset para akong tanga. Nakangiti nanaman ako. Naalala ko kasi yung tinawag niya akong honey kahapon. Nung una tukmol lang nakaka kilig na, para na akong namatay. Pero nung tinawag niya na akong honey, gusto ko na ulit mabuhay. Ay letche. Nakaka bading.
Ginawa ko na ang mga dapat gawin. Nag pa ayos kasi ako kahapon. Wala na yung dating magulo kong buhok. Wala na rin yung makapal kong salamin. Naka contact lens na ako ngayon, bumili na rin ako ng mga bagong damit at sapatos. Pina tanggal ko na rin yung braces, Okay na raw yun sabi ng dentist ko.
Napatingin ako sa salamin.
"Grabe, Ako ba to?" mahinang sambit ko habang tinitingnan ang kabuuan ng pagbabago ko. Napabuntong hininga ako.
Sana magustuhan to ni Ashley. Sana magustuhan niya na ako.
***
Bumaba na ako ng sasakyan. At agad nag tungo papunta sa hallway bitbit ang breakfast niya ngayon. Minsan kasi dumadaan muna ako sa mga fastfood chain bago pumasok ng school. Alam ko kasing minsan di kumakain si Ashley. Kinuha ko kasi yung numero ng katulong nila. Dun ko tinatanong kung kumain na ba siya o wala.
Tama nga ako, andun na ngayon si Ashley. Nagbabasa ng libro. May quiz kasi kami mamaya. Ang ganda niya talaga. Nag bulung bulungan ang mga studyanteng naka paligid samin.
"Girl, tingnan mo may pogi."
"Baka transferee. Shet! Ang pogi!"
"Sana ka blockmate natin siya."
Nag tilian naman ang mga babae. Umupo kasi ako sa bakanteng upuan na nasa harapan ni Ash. Napatigil naman si Ashley sa pagbabasa ng naka kunot ang noo. Ang cute talaga netong babaeng to.
"Good morning" ngiting ngiti kong sinabi sa kanya. Nabigla ata siya.
"Max?" Nagdadalawang isip na tanong niya. Nag umpisa nanamang nag bulung bulungan ang nasa paligid.
"Galing talaga ng honey ko, akalain mo yun. Nakilala mo parin ako? Ako nga di ko nakilala yung sariling kong pagmumukha. Ayos ba yung looks ko? Pogi na ba?" Naka ngisi na ako ngayon. Pero nakatitig parin siya sakin.
"Leave me alone Max." Nabigla ako sa sinabi niya. Apat na salita. Pero sobrang sakit. Tumayo na si Ashley at nag simulang maglakad. Sinundan ko siya.
"Hey! Kumain ka muna, nag dala ako ng breakfast mo." Naka ngiti parin ako.
"Masarap to, pancake tska hot choco. Alam ko kasing hindi ka ganun kadami kumain kapag breakfast. Tska chocolate to, Paborito mo." Nagsi tinginan naman ang mga tao. Di tulad ng dati, naka ngiti na yung mga tao sakin. Ngumiti rin ako pabalik. Pero naka focus parin ako kay Ashley na ngayo'y parang galit na.
"Hey honey? May nagawa ba akong kasalanan? Sorry na oh".
"Uy, honey naman. Eto nanaman tayo eh."
"Kausapin mo naman ako."
Sa wakas tumigil na rin. Mahilig talaga tong dumaan sa di masyadong ma-tao. Nawala ang pagmuni muni ko ng bigla siyang magsalita.
