Ashley's POV
Alam mo yong pakiramdam na para kang nakalipad ka sa alipaap? Yon yong pakiramdam ko nang maging kami na rin sa wakas ni Max. It's been 5 months now simula nung araw na nag aminan kami. Siguro nga kung naging tapat lang kami sa kung ano man yung nararamdaman namin, eh, di sana matagal na kaming nagkatuluyan.
"Ay, ang sweet ng stalker-slash-honey mo! Naks! Kaka-inggit!" Pagkokomento ni Dane ng makita niya ang hawak-hawak kong bulaklak at chocolate galing kay Max.
"Eh, di humanap ka na rin ng ka-poreber mo para quits tayo," natatawang sagot ko.
Nagkibit-balikat siya. "Wala namang mga erps dito. Kung meron man, sobrang yabang naman." pagmamaktol niya.
"Pogi lang naman pala ang hanap mo. Eh, ba't di na lang si Ryle?"
Ngumuso naman siya. "Hay naku! Ipasa ba naman sa akin ang ex-crush mo na may gusto din sa'yo? Nuh-uh-uh! Not gonna happen! Alam kong pogi siya. Pero hindi pang rebound ang beauty ni aketch. Besides..." Saka tinignan niya ako ng seryoso which is bihira lang mangyari. "Alam naman natin pareho na patay na patay pa rin yon sa'yo."
Natigilan naman ako. Saka napalingon sa kinaroroonan kung nasaan si Ryle habang kunakausap niya si Max, Nang nahuli kong itong nakatingin sa akin. Bumuntong-hininga naman ako. Tama rin naman ang bruha. Pero alam kong mabait si Ryle at hindi niya tatraydorin si Max. Pero, minsan di ko rin siya maintindihan. Katulad noong isang araw ay kinausap niya ako at sinabi na kahit anong mangyari nandiyan lang daw siya.
Maging si Max rin ay di ko maiwasang mapansin na medyo kakaiba rin ang ikinikilos. Sweet pa rin naman siya, maalaga. Pero parang may kung anong pumipigil pa rin sa kanya. Pakiramdam ko may malaking harang na nakapamagitan sa aming dalawa. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala.
"Max, okay ka lang ba?" tanong ko habang kumakain kami sa coffee shop. Ang lugar na naging espesyal na rin sa aming dalawa.
"Hmm? Wala naman. Ba't mo natanong?" sabi lang niya saka kinain na rin ang cake niya.
Yumuko ako. "Kasi, napansin kong nagiging matamlay ka na lately. Hindi na rin kita nakikitang nagba-basketball simula nung dumating ka. May sakit ka ba?"
Napahinto naman siya pero ngumiti din kaagad. "Wala. Pagod lang siguro ako dahil sa thesis natin. Di ba due date na yon ngayong friday? Kaya wag mo na akong pansinin. You worry too much." Saka hinawakan niya ang kamay ko kaya napangiti na rin ako. "Sorry. I guess, you're right."
Mayamaya ay lumabas na rin kami sa coffee shop habang magkawak pa rin ang kamay. Cross-fingers pa nga kaya di ko rin maiwasang kiligin.
"Alam mo bang itong araw na ito ang pinakamasayang araw ng buhay ko?" Bigla niyang natanong.
"Bakit naman?"
"Kasi kasama kita at hawak ko ang kamay mo."
Tumawa ako. "Eh, araw-araw mo naman akong nakikita."
Napaisip naman siya. "Hmm... Oo nga, no? Well, eh di, araw-araw din pala akong pinakamasaya." Nakatitig lang siya sa mga mata ko habang naka ngiti.
"Ang korni mo!" Nasabi ko na lang pero kinikilig na talaga ako.
Ngumiti ulit siya saka tinignan ang magkawak naming kamay.
"Sana hindi na matapos ang araw na ito." Naka ngiti kong sambit sa kanya.
"Sana nga." Bigla niyang hinigpitan ang paghawak sa kamay ko. "Ash, mahal kita. Lagi mong tatandaan yan, at kahit anong mangyari. Mahal kita!"
Humarap ako sa kanya at hinaplos ang mukha niya. "Masyado ka namang seryoso diyan. Mahal rin kita. Okay? Mahal na mahal kita."
![](https://img.wattpad.com/cover/74419097-288-k293012.jpg)