Ashley's POV
"Ashley?"
Napapikit ako at nag dasal bago nilingon ang taong tumawag ng pangalan ko.
"Wooh. Thank you Lord" bulong ko sa sarili at napabuntong hininga dahil sa mukha ng bestfriend ko. Kahit na nakaka bagot ng tingnan dahil sa araw-araw kaming mag kasama. Okay lang. Basta ba't wala siya.
"Oh Dane? Andito ka na pala?" Tanong ko sa kanya na ngayo'y naka kunot noong nakatitig sakin at umupo sa bakanteng upuan na nasa harap ko.
Nasa isang coffee shop kami ngayon na parati niyang tinatambayan. Kaya di ko maiwasan maging paranoid minsan. No choice kami dahil dito pinili ng leader namin gawin ang research. 3rd yr. College na ako ngayon sa kursong BS-Psychology.
"Alam mo beh, praning ka na. Kaloka ka. Linggo ngayon, Siguro naman wala siya dito." Sambit ng bestfriend ko at sabay kuha ng cake na kanina lang ay kinakain ko.
"Masisi mo ba ako kung araw-araw naririnig ko yung pangalan ko kung saan-saan at bigla na lang siyang sumusulpot na parang kabute." Sarkastikong tugon kay Dane at inagaw rin sa kanya ang cake. At bago ko pa makalimutan. "Bumili ka ng iyo."
"Damot mo talaga. Eh binibili kanaman ng kahit ano nung stalker mo. Kaya akin na yan." Sabay hablot nung cake.
"Yuck!" Nakaka nganga kong tinignan si Dane na ngayo'y nilalamon na ang Red velvet cake ko. "Your so Gross and Unlady like Dane. Ang dami dami mo namang pera nang hahablot kapa ng cake na di iyo." Naka ngising niya akong tiningnan.
"Alam mo hipokrita ka talaga. Kaya nga naging mag bestfriend tayo, dahil pareho tayong kuripot sa pera." Aba't, Oo nga noh. Ay kaloka tong babaeng to.
"Eh ang wrong timing mo naman kasi. Bilhan mo ko ulit ng cake dun. Nagugutom na ako kakahin..." napatigil ako kakatalak dahil sa waiter na ngayo'y nasa harap namin at bingyan ako ng paborito kong red velvet cake.
"Ma'am, 2 red velvet cakes and 2 chocolate frappes po para sa inyong dalawa pinapabigay ni Sir dun sa kabilang table. At tiyaka po pala Ma'am Ashley right? Pinapasabi po ni sir na mas maganda pa raw po kayo sa umaga". Naka ngiting sambit ng waiter sabay turo sa lalaking nasa kabilang table. Napangiwi naman ako dahil sa sinabi niya. Habang yung dakila kong bestfriend eh. Tawa lang ng tawa. Walanghiya talaga.
"Sige po ma'am. Enjoy your meal." Sabay alis nung waiter. Napalunok ako. "Hoy Dane! Sabihin mo ngang hindi siya yan." Tiningnan ako ng bestfriend ko na parang natatawa ulit sabay silip sa kabilang table na nasa likod ko.
Aba't walang hiya, ngumiti at kumaway pa tong bruhildang to sabay sambit ng thank you na walang boses at inumpisahan ng lamunin ang nasa mesa.
"Pati ba naman linggo wala parin akong kawala." Sinadya ko talagang iparanig yun sa kanya. Nakaka-inis na talaga.
"Beh, sorry. Hihi" napa tingin ako ng masama kay Dane na ngayo'y nabilaukan na. Natakot ata sa tingin ko. Alam kong may nagawa to kaya nag sosorry.
"Anong ginawa mo?" Pabulong kong tanong sa kanya sabay tingin sa likod ng konti upang makita ng peripheral vision ko kung anong ginagawa ni Max.
"Hihi. Sorry na beh. Nakalimutan ko kasing fina-follow ako ni Max sa instagram. Eh nag post ako ng picture mong naka talikod before ako umupo kanina. Tska infairness jan kay Max constant ang pag lilike ng post ko. Hehe" napa iling nalang ako.
Fina-follow at ina-add kasi ni Max sa lahat ng social media ang mga kaibigan ko o mga taong malalapit sakin para malaman niya kung saan at anong ginagawa ko.
"Hi Ash!" Sabay abot ng flowers at Chocolate sakin. Tinignan ko siya ng masama sabay irap.
"Dane, Pakisabi naman kay Mae na mauuna muna akong umuwi. Biglang sumakit yung ulo ko eh. Tutulong ako bukas. Promise. Sige bye." Alam kong Maiintindihan naman nila ako eh. Ayaw rin kasi nilang nang didistorbo si Max.
