Maybe, Just Maybe (4)

28 2 0
                                    

Ashley's POV

Umalis ako at nag simulang mag lakad uli. Iniwan ko siyang umiiyak sa harap ko.

Hindi ko naman akalain na hahantong dito. Na babalik siya. Na susundan niya ako sa Hayton. Inakala kong di ko na siya makikita pa. Pero nagkamali ako. Unang araw ko palang ng pagpasok nung 1st year summer ako, eh nagulat ako dahil sa pagbagong anyo niya.

Kahit matagal kaming di nagkita kilang kilala ko parin si Max mula ulo hanggang paa. Kahit binago niya man yung pagmumukha niya. Hinding hindi mawawala kung pano siya kumilos at mag salita.

May dala dala siyang bulaklak at chocolates at tinatapon ko lang rin to araw-araw. Pero hindi parin siya humihinto. Hindi parin siya sumusuko. Nakikita ko yung sarili ko sa kanya noon.

Yung dating Ashley na patpatin at walang ginawa kundi mahalin siya na walang bukas , na ginagawa lahat ng inuutos niya, na andiyan tuwing kelangan niya ng kaibigan at magmamahal sa kanya. Pero simula nung umamin ako sa kanya ng nararamdaman ko eh parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa.

"Maxwell sandali!" Hindi siya lumingon. Patuloy parin siyang naglalakad na parang walang naririnig.

"Teka lang naman. Antayin mo naman ako oh. Kaloka ka."

"Maxwell, please. Pakiusap. Kausapin mo ako. Sorry na." Lakad parin siya ng lakad.

"Maxwell naman oh. Hindi na ako magtatagal sa practice nyo. Ilalagay ko nalang yung mga gamit mo sa tamang lagayan. Di na ako manunuod." Pangungumbinsi ko sa kanya.

"Maxwell? Sa bahay nyo nalang ako pupunta kapag gusto kitang kausapin. Please ngayon lang naman oh. Gusto kitang makasama." Naiiyak na ako.

"Maxwell. Please. Ngayong kaarawan ko lang." Huminto siya.

"Di mo naalala no?" Di ko na mapigilan ang luha na kanina ko pang gustong pakawalan.

"Umasa panaman akong naalala mo. Sinabi mo kasing sabay tayong uuwi"

"Ashley pwede ba? Pagod na ako sa practice. Pati ba naman ngayon gusto mo paring umalis? Gabi na oh. Di mo ba nakikita?" Mahinang sambit niya sakin.

"Gusto ko lang naman na makasama ka. Na marinig sayo na babatiin mo ako ngayong araw."

"Yun lang ba ang gusto mo? Happy Birthday Ashley! Langya!" Nagulat ako sa ginawa niya.

"Yan nasabi ko na. Masaya kana? Yan lang naman ang gusto mong marinig diba? umalis ka na. Pinapahiya mo lang ako. Tara na tol alis na tayo." Naiyak ako lalo sa sinabi niya. Pa alis na sana sila ng mga kasamahan niya ng mag salita ako ulit.

"Hindi na ikaw si Maxwell na nakilala ko. Na bestfriend ko. Na Gusto ko."

"Pare! Gusto ka raw! Ibang klase talaga ang kamandag mo." Sabi nung lalaking ka team mate ni Max.

"Gusto? Anong gusto? Niloloko ma ba ako?" Pasigaw niyang sinabi sakin.

"Gusto kita Max. Noon pa. Hindi ko alam. Basta gumising nalang ako na ayoko ng mawala ka pa sa buhay ko"

"Alam mo ba anong sinasabi mo? Ha? Nakikita mo ba yung mukha mo sa salamin? Ang panget mo, ang gulo ng buhok mo, ang manang mo manamit samahan mo pa ng braces na di ko alam kung maayos pa ba yang ngipin mo. Sa tingin mo ba magugustuhan kita? Uulitin ko ulit to para matatak diyan sa kokote mo."

"Hinding hindi kita magugustuhan." Tumakbo ako. Hindi ko na kaya yung naririnig ko.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung oras na yun. Umupo ako sa upuan kasi parang mahihilo na ako. Ilang oras din akong nakatulala kung saan ako naka upo ng may biglang lalaking lumapit sakin.

Maybe, Just MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon