Ashley's POV
Pagkagamulat at pagkamulat palang ng mga mata ko. Nagulat na ako sa mga nakita ko.
Punong puno ng regalo ang buong kwarto ko.
"Kanino galing to?" Bulong ko sa sarili. Di ko maiwasang mag taka puro hugis puso yung mga regalo. Napailing nalang ako.
May nakita rin akong isa malaking Human size Teddy bear na may hawak na tsokolate. At may naka lagay na sulat na Happy Birthday :)
Napangiti ako sa nakita. Nang biglang tumunog ang cellphone ko sa tabi ng lampshade.
Ayoko ng araw na to. Pero di ko parin maiwasan maging masaya dahil sa mga taong malalapit sakin.
Napahawak naman ako sa kwintas na suot ko. Nakakagaan talaga sa pakiramdam. Nakita ko ang mensahe ni Dane, Ni nanay at ng iba pang mga kaibigan ko.
From: BEHtlog Dane.
"BEH! AY NAKO, HAPPY HAPPY BIRTHDAY, ALAM KONG MUGTO NANAMAN YANG MGA MATA MO KAKAIYAK. KAYA ETO CAPSLOCK KAMO PARA INTENSE, PARA MAKITA MO NAMAN NG MAAYOS YUNG GREETINGS KO. MAHAL NA MAHAL KITA BES. TANDAAN MO YAN. STAY STRONG. I'LL ALWAYS BE HERE. HAVE A GREAT DAY. SEE YOU LATER :*
Aba. May galit ata sa capslock tong babaeng to. Nakita ko rin ang birthday greetings na nanay ko. Wala sila ngayon kasi may inasikaso sila na business ni daddy. Pero babawi naman raw sila pag dating nila.
From: Nanay
Anak. Happy 18th birthday. Babawi kami ng daddy mo pagbalik namin okay? Mahal na mahal kanamin ng daddy mo. Mag ingat ka lagi. Enjoy!
Nakita ko rin ang mga text galing sa mga kaklase ko. Marami rin naman sila. Pero ni isa wala akong nakitang text ni max. Nakakapanibago lang.
Nag simula na akong maligo at mag ayos ng sarili ko. Ayokong mag mukhang ewan sa mukha ng mga kaklase ko. Nagpahatid na ako kay manong peter sa school.
Andito na ako sa harap ng school. Inaasahan na may lalaking sasalubong. Na may mangugulo sakin. Pero wala akong nakita kahit anino ni Max. Mabuti naman sinunod niya nga ang gusto ko.
Nag lakad na ako at kanya kanya namang bumabati sakin ang mga kaibigan tiyaka ng mga ibang naging kakilala ko sa ibang courses. Pati narin ng mga ka blockmates ko. Nagpasalamat naman ako sakanila. May mga natanggap din kasi akong regalo.
Masaya rin naman pala tong araw na to dahil walang Max. Alam ko naman talaga na di siya pupunta. Nung huling kaarawan ko kasi eh wala rin siya. Alam na alam niya na ayaw ko siyang makita sa ganitong okasyon.
"Beh? May ballpen ka?" Tanong ko kay Dane.
"Wala ka nanamang ballpen? Magpapatayo na talaga ako ng stall ng HBW sa harap ng room natin dahil diyan sa kawalan mo ng ballpen." Ang sunget talaga nitong bespren ko, pero mahal ko yan.
"Labyuu bes, mahal mo talaga ako."
"Tse. Tara na nga." Di niya talaga kayang iresist ang beauty ko.
Sinamahan na ako ni Dane papuntang canteen para bumili ng ballpen. Bumalik kami agad ng classroom pagkatapos kong bumili. Napataas naman ang kilay ko dahil wala ng tao sa room.
"Nasan na sila?" Takang tanong ko kay Dane. Bag na lang kasi namin yung naiwang gamit sa loob ng room.
"Bobita. Tingnan mo yung naka sulat sa white board. Nasa AVR sila. Kelangan ata ng projector kaya bilisan na natin malalate na tayo." Ay ang harsh naman neto.
"Ay sorry naman. Tara na. Baka isumpa mo pa ako. Masyado ka panamang GC." Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Kaya nga mag bestfriend tayo diba? Parehong pareho tayong Grade concious" magkaibigan nga kami. Parehong may saltik sa utak.
