CHAPTER TWO

13 1 0
                                    

Tayo Lang ( Ikalawa)

Heart

Sabi niya baka atakihin na daw siya sa puso , dahil sa sobrang pagmamahal niya sakin iisa lang naman daw kasi ang pangalang isinisigaw nito. Kundi ang pangalan ko. Heart. Sabi ko naman , isa lang din ang sinisigaw ng puso ko. Kundi ang pangalan niya. Cross. Diba ang bongga? Ang lakas maka- Cross My Heart.

"Babe itext mo ko kung naka-uwi ka na ah?" sabi niya sa akin na nasa kabilang linya.

Nasa school pa kasi ako at marami pa akong kailangan tapusin. Hindi kami magkatulad ng school dahil malayo ang lugar nila sa lugar namin. At kailangan ko pang bisitahin ang mama kong nasa Hospital. Walang nakakaalam kundi ako lang at si Papa. May sakit kasi siya sa puso , at walang nagbabantay sa kaniya. Si Papa kasi magli-live palang sa company namin. At inaasikaso niya pa yung trabaho bago niya iwanan ito para mabantayan niya na si mama.

Kapag bibisatahin ko si mama ng hapon , hindi ko na maabutan si Papa dahil umaga't tanghali siya nadalaw kaya hindi rin kami nagkikita. Kapag nasa bahay naman ako , maliligo lang ako at papasok na uli sa school.

Gusto ko sanang ipaalam kay Cross kaso pinili kong huwag nalang dahil alam kong poproblemahin niya pati iyun. May sarili rin naman siyang problema , pero alam kong unfair ako dahil siya sinasabi niya sa akin lahat. Well , wala akong magagawa , si papa rin ang may sabi na kami nalang muna dapat ang maka-alam.

"Sure babe , sige ingat sa pag-uwi! I love you!" sabi ko at binaba yung tawag.

Kung siya pauwi palang galing sa school nila , ako naman papasok na ulit. Lunch break kasi namin kanina kaya may time pa ako makipag-usap sa kaniya.

Sa weekend naman , parati kaming magkasama kaya walang problema dun. At isa pa hindi kami mahihirapang magkita dahil may kotse na naman siya at ganun din ako. Nauna nga lang ako sa kaniya kaya dati ako na ang nagpupunta sa kanila. Pero nung last year his mom gave him a car kaya minsan nag-uusap pa kami kung sino ang pupunta. Nakakatawa nga eh , kasi minsan isa yun sa dahilan kung bakit kami nag-aaway.





I Love You-Promise-Cross My Heart!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon