CHAPTER SIX

10 0 0
                                    

Who is she? (Ikaanim)

Heart.

Dinala na naman namin si Mama sa Hospital , matapos ang dalawang buwan niyang pananatili sa bahay . Ito na naman , ito na naman ang ikinakatakot ko. Dahil ngayon mas malala yung nangyari sa kaniya. Stress na stress na ako ngayon , at malapit na matapos ang second sem kaya ito ako ngayon , mukha na akong ewan. Hindi na ako nakakapag-stay sa bahay namin , ang maligo nalang ang nagagawa ko sa bahay.

Dalawang araw ng walang paramdam si Cross , hindi ko siya ma-contact at hindi ko pa siya pwedeng puntahan dahil hindi pa ako libre. Marami pa akong dapat gawin.

Pangarap kong maging doktor kaya dugo't pawis ang ilalaan ko para makapag-tapos. Hindi ako pwedeng tumigil , konting-konti nalang.

"Babe , where are you?"

"Babe , see you on Weekend. Pupuntahan mo ba ako? I love you."

"Uy. I love you!"

Nakakailang message na ako sa kaniya pero wala paring reply. Lumabas muna ako ng kwarto ni mama para bumili ng pagkain sa labas. Kasi naman , simula kaninang pagpasok ko sa school at pagpunta ko dito sa Hospital wala pa akong kain. Medyo nabawasan nga yung weight ko , hindi na katulad last month.

Pag-labas ko ng elevator , nakita ko siya. Si Greg. Ex-boyfriend ko. Kaso mga bata pa kami nun kaya hindi namin sineryoso. Friends parin naman kami.

"Uy." lang nasabi ko.



"Hi , kamusta na? Long time no see ah." sabi niya at ngumiti.


"Eto malapit na maging doktor. Sana.. btw , anong ginagawa mo rito?" tanong ko.



"Ah , yung mom ko kasi nandito. Binisita ko lang." sabi niya.



"Ah ganun ba? Sige." sabi ko nalang.



"Eh ikaw? Anong ginagawa mo rito? Tsaka saan ang punta mo?" tanong niya.


Sasabihin ko ba? "Hmm. Yung mama ko din kasi nandito. Wala , sa labas lang magpapahangin." sabi ko nalang.



"Samahan na kita gusto mo? Teka kayo parin ba ni Cross?"



"Uhm yeah. Kami padin bakit?" tanong ko. "Teka nga , upo muna tayo." sabi ko at tumawa. Nakaharang kasi kami sa daanan.


"Oh sure sige." tapos umupo kami dun malapit sa lobby. "Nakita ko kasi siya kanina."



"Talaga? Hindi ko pa siya nakikita eh. Saan mo sya nakita?" tanong ko.



"Dito din. Kaso may kasama eh." sabi niya.



Kumunot ang noo ko , "S-sino?"



"I don't know her. Pero baka cousin niya lang , nakakapit kasi sa braso eh."sabi pa niya.


No.no.no. "Ah baka si Natalie." sabi ko nalang. "Ah sige greg , una na ko. Lalabas kana ba?" tanong ko.


"Oo , sabay na ko." sabi niya kaya tumayo na kami.

Pag-labas namin , nakita ko si Cross kasama si? Hindi. Hindi sya si Natalie..

"Uy , ayos ka lang?" tanong ni greg na nasa tabi ko.


"Ah oo , ano ulit yun?" tanong ko at ngumiti ng pilit.


"Sabi ko uuwi na ko. Mag-iingat ka ah , Bye!" sabi niya.



"Okay , ingat ka din. Salamat!" sabi ko at umalis na siya.


Tumingin ulit ako sa direksyon kung nasaan sila Cross at yung babae pero di ko na sila nakita.


Who is she?

I Love You-Promise-Cross My Heart!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon