CHAPTER NINE

9 1 0
                                    

The Thruth (Ikasiyam)

Heart.

Akala ko siya na , akala ko kami na pang-habambuhay. Akala ko lang pala. Isang linggo na simula nung iwan niya ako. Sobrang sakit ng nararamdaman ko , feeling ko mababaliw na ako. Si Cross... hindi pala siya ang para sa akin.

Matapos niyang magpropose nung araw na iyon. Masaya ang lahat sa balitang magpapakasal kami pagkatapos naming grumaduate. Ready na ang lahat sa pag-iisang dibdib namin. Lahat masaya at walang halong takot. Kahit ako napaniwala niya na ako na yung babaeng mamahalin niya. Pero mali ako , pagkatapos kasi nun.

Nakita ko na naman yung babaeng kasama niya noon at magkasama ulit sila. Dinaanan ko sila i mean kami , Oo may kasama ako. Si Aeron , blockmate ko kasi sya at may nireresearch kami.
Nung dinaanan namin sila , binulungan ko si Aeron na huwag na huwag mag-rereact. Nagets niya naman yung sinabi ko.

Mataas yung expectation ko na hahabulin niya ako at iiwan yung babaeng kasama niya. Ang sakit lang dahil all this time napaniwala niya akong ako lang. Hindi ko na naman kailangan ng explanation niya eh , dahil kitang-kita ng dalawang mata ko na may relasyon sila. Maling mali ako at nag-expect pa ako. Hindi niya ako hinabol kahit alam niyang nakita ko sila. Ang sakit lang sa side ko na hindi pala ako yung babaeng nasa panaginip niya parati , sa mga pangarap niya at yung mga pangakong yun? Nabaliwala.

Pero dahil tanga nga ako , lubos- lubusin ko na. Yung akala kong hahabulin niya ako pagkatapos , yung akala kong pupuntahan niya ako sa bahay pagkatapos kong makita yun , yung akala kong hihingi siya ng tawad at yung akala kong hanggang dulo ako parin pero bigo na naman ako.

Isang araw , pinuntahan niya ako. Wala ako sa sarili at wala na ako sa katinuan. Pumunta pala siya para iwanan na ako ng tuluyan. Iniwan niya akong nagdurusa at umiiyak sa kasalanang ginawa niya. Talaga nga namang pinaglaruan kami ng tadhana , dahil sa pagkakamaling yun . Pinangatawanan niya na talaga yung pang-iiwan niya sa akin. Hindi ko naman masisi yung babae dahil una sa lahat wala rin siyang alam. I know revenge will never be a solution to my anger.

I'm trying to be okay. Pero masakit parin talaga...

Akala ko ako lang ...

Akala ko tayo na talaga para sa isa't isa...

Cross. Mahal na mahal na mahal kita pero bakit mo ako iniwan? Sabi mo ako lang , sabi mo ako lang ang aalagaan mo hanggang sa susunod na buhay at akala ko ikaw lang ang makakasama ko. Sorry kung napaniwala mo ako , okay sana kung iniwan mo ako na hindi ganun yung dahilan pero hindi.

Siguro dito nalang talaga tayo.. siguro hindi talaga tayo para sa isa't isa. Siguro dito na natatapos yung istorya natin. Thank you Cross , thank you for everything. Kung yan yung isa sa mga gusto mo , binibitawan na kita. To make sure na magiging masaya ka. I love you!

Minsan kung ano pa yung hindi natin inaasahan yun yung mga nangyayari. Minsan nagbubulag- bulagan nalang tayo sa katotohanan. Dahil ano? Kasi natatakot tayo sa pwedeng mangyari. Sa mga katulad kong may ganito ang pinagdadaanan.

Don't lose hope smile emoticon.
Its not the end .. siguro hindi pa ito yung tamang oras. Baka nga wala pa sa ending right? Marami pang pwedeng mangyari. Pwede ring hindi pa nagsisimula o kaya sinusulat palang Niya.



I Love You-Promise-Cross My Heart!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon