A Letter for Cross

17 1 0
                                    

"Hi Babe ,

I thought moving on was easy. Pero hindi pala , its been two years nung nawala ka sakin. Pero still , mahal na mahal parin kita. I love you , promise. Cross my Heart! Balita ko kasal kana pagkatapos nating grumaduate. Sino? Sa kaniya? Syempre. Masaya ako para sa inyo. Thank you for making me realize na hindi lahat ng bagay sa mundo ay permanente. May umaalis may dumarating. Pero sa tingin ko wala pang dumadating bilang kapalit mo. Ang sakit lang kasi. Alam kong sobrang sakit parin ng nangyari sa atin pero hindi naman kita masisisi.

Hindi mo man mabasa 'to. Dahil hindi ko naman talaga kailangan pang ibigay 'to. Siguro kailangan ko na talagang seryosohin ang pag-momove on. I deserved to be happy. I know you'll do great! At ganun din ako. Yes , I am now Dra. Apostol. Diba yun yung pangarap natin? Ang maging doctor ako at maging sikat na Engineer ka. Pero may nagsabi sa akin na hindi mo na itinuloy yung pagiging Engineer mo. Pero masaya parin ako kung ganun lang talaga. Hindi ko man ideny masakit parin talaga. Ako nga yung doktor ng asawa mo nung ipinanganak yung little angel niyo. Alam mo kamukhang kamukha mo siya. At alam kong magiging mabuti siyang bata. I know masyado na akong selfish. Pero ano pang magagawa ng galit ko sa'yo. Masyado na akong nasaktan at ayoko ng dagdagan pa yun. Pinalitan mo man ako sa puso mo , pero hinding-hindi kita papalitan dito sa puso ko. Siguro hanggang dito nalang. I love you babe until my last breathe."

- This is Heart Apostol .... signing off.

I Love You-Promise-Cross My Heart!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon