CHAPTER SEVEN

10 1 0
                                    

Reminisce the Past. (Ikapito)

Heart.

Naalala ko yung mga panahong magkasama kami , masaya. Sobrang saya ... yung tipong perfect. Lahat ng iyun ang sarap balikan. Naalala ko pa nung imbis na lalabas kami ni Cross , pinili nalang namin maligo sa ulan. Siya nakaporma pa at ako naman naka-dress. Kung meron mang makakita sa amin , aakalain na mga baliw kami. Nakakatuwa lang isipin na madami na kaming pinagdaanan.

"Heart ? Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Joseph. Nandito kami sa bahay ng isang naming kaibigan.

Pumayag ako na sumama sa kanila dahil gusto ko naman ng goodvibes. Si papa naman ang nagbabantay ka mama at wala akong pasok ngayon.

"Oo ayos lang ako , ano ka ba. Oh kamusta na pala kayo ni Zenia?" tanong ko sa kaniya at uminom ng juice.


"Ayun , war kami ngayon. Ewan ko ba dun , ang taas taas ng pride." sabi niya at tumawa.


"Nako ikaw , humingi ka nalang sorry , suyuin mo. Kahit papaano babae padin yun no." natatawang sabi ko.


"No way."


"Alam mo ikaw , mataas din pride mo eh no? Sus." sabi ko.


Hindi na siya nagsalita dahil mukhang nainis siya sakin , sanay na naman ako diyan no.


"Uy joyce nasaan sila kara?" tanong ni joseph kay joyce na kakarating lang.


"Grabe ka naman joseph , sila kara agad? Ako yung nandito oh!" inis na sabi niya pero tinawanan lang namin siya.


"Sorry na. Nasaan nga ba sila?" tanong ulit niya.



"Parating nadin may dinaanan lang. Uy Heart andiyan ka pala?" tanong niya nung binaling niya yung tingin niya sakin.



"Ah Oo , namiss ko kayo eh." sabi ko.

Nasa bahay kami ni Aeron ngayon , barkada ko sila since highschool. Sila yung madalas kong sinasabihan ng problema ko lalong lalo na si Kara. Anim kaming lahat , Ako , si Joseph , si Joyce , si Kara , si Aeron at si Zenia.


Pagkatapos naming magkwentuhan , hinatid ako nila Aeron at Joyce sa bahay. Hindi ko na kasi nadala yung sasakyan ko kaya sila na yung naghatid sa akin. Si Joseph at Zenia naman , ayun sa condo na dumiretso. Si Kara naman sinundo ng boyfriend niya.

"Thanks Aeron!" sabi ko ng makababa ako ng sasakyan niya.


"Sa akin wala?" maktol ni Joyce na nasa shotgun seat.


"Bakit nag-drive ka din ba? Sayo ba yan?" natatawang sabi ko . Narinig ko ring tumawa si Aeron.


"Hmp! Tse! Sige na gorabells na kami. Bye Heart!" Paalam ni joyce.


"Bye Heart!" Sabi ni Aeron at umalis na sila.


Hinintay ko munang mawala sa paningin ko yung kotse ni Aeron bago ako pumasok sa loob. Pero paglingon ko...


"Saan ka galing?"

I Love You-Promise-Cross My Heart!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon