CHAPTER FOUR

13 1 0
                                    

Cross my Heart (Ikaapat)

Heart.

Nag-paalam si Cross na may hang out sila ng mga kaibigan niya. Nung una ayaw kong pumayag dahil may pasok pa siya bukas. Pero napilit niya parin ako. Ang sabi niya naman behave siya , ayoko namang maging under siya dahil baka iniisip niya hinihigpitan ko siya.

Dahil stressed na ako sa school , ayoko namang lumaki pa yung away namin kaya pumayag nalang ako at dahil rin malaki ang trust ko sa kaniya. Dadanaan pa ako kay mama sa Hospital. Its been a month since sinugod namin sya sa Hospital at anytime pwede na siyang idis-charge. Since ganun na nga yung situation , bumalik na sa work si Papa kaya ako nalang ang madalas na pumunta kay mama.

--

"Babe , nakauwi kana ba?"

"Saan ka? :)"

"Ingat ka ah. I love you!"

Dahil wala akong pasok bukas , dito na ako nag-stay sa Hospital kasama si mama. Kakatulog niya palang kaya may time na ako para itext si Cross pero wala siyang reply ni kahit isa. Kaya medyo nag-isip isip na ako.

Hanggang nakatulog na ako , wala paring reply. Nakita kong umaga na sa labas kaya kinamusta ko si mama kung ayos lang ba siya.

"Ikaw , ikaw ba ayos ka lang?" balik na tanong sakin ni mama.

"Oo naman mama , lalo na malapit ka nang umuwi." nakangiting sabi ko.

"May problema ba?" kilala talaga ako ni mama.

"Wala po talaga , pagod at puyat lang dahil sa school pero wag kayong mag-alala. Ayos lang talaga ako." sabi ko at yumakap sa kaniya.

I Love You-Promise-Cross My Heart!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon