CHAPTER X: The Monster's Meeting

3 0 0
                                    


 =×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=

CHAPTER X: The Monster's Meeting

=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=

JP POV

Nandito kami sa private resort ng mama ni princess. Hanep! Ang laki! Grabe! Kanina ko pa napapansin sa tuwing may dadaanan kami, maraming armadong lalaki sa paligid. Nakakatakot. Parang sasabak kami sa giyera

"Wag kang matakot. Ganito lang talaga kahigpit ang security dito lalo na pag may gagawing meeting dito. Masanay ka na. Basta wag ka lang hihiwalay sa amin para hindi ka mapahamak. Hindi ka nila kilala dito." Saad ni Jas. Kinakabahang tumango ako.

Inakbayan ako ni JJ sabay gulo sa buhok ko

"Wag kang makinig diyan. Tinatakot ka lang niyan" pag-aasure ni JJ

"ATTENTION!!!" sigaw ni JJ kaya tumingin ang mga armadong lalaki sa kanya

"May isesend si Jared sa inyo" saad ni JJ.

May kinalikot si Jared sa laptop niya.

Maya-maya.....

Woahh!! Ang galing. Ang astig. Pinindot ng mga armadong lalaki yung watch nila at may lumabas na parang hologram. Yung hologram na yun ay yung face ko. Astig! Ganyan na ganyan yung mga napapanood ko sa Spy Kids. Hindi ko alam ang tawag doon pero ang astig. Gusto ko magkaroon ng ganoon :3

"Pag ginalaw niyo ang taong iyan, lagot kayo sa amin. Kami ang makakalaban niyo. Nagkakaintindihan ba tayo?!" banta ni JJ kaya namutla ang armadong mga lalaki. Grabe! Ganoon ba sila katakot kina JJ? Kung ituring kasi nila ito parang mga diyos at diyosa.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"JJ pwede ba akong makahingi ng ganoon? Gusto kong i-try" saad ko

"Pfft. Wag kang manghingi sa akin kay computer genius ka maghingi" natatawang saad ni JJ

"Computer genius?" tanong ko

"Si Jared. Sa kanya ka manghingi. Ang family nya ang supplier pagdating sa gadgets namin" paliwanag ni JJ

"Uy Jared, penge ako nun" sabay kalbit ko. Aba ang loko, hindi ako pinansin. Naglagay agad ng earphone sa tenga niya saka iniwan ako.

"Damot! Suplado! Hmmf " bulong ko sabay pout.

Wala akong nagawa kundi sumunod nalang sa kanila. Mahirap na baka pagdiskitahan ako ng mga tao rito. May kasabihan ngang 'It's better to be sure than to take the risk'. Mahal ko pa kaya ang buhay ko kaya mas mabuti ng safe ako dito

Pagkapasok na pagkapasok naming sa hall, napanganga ako sa sobrang garbo. Combination of gold and black. Para akong nasa palasyo. Pakiramdam ko tuloy nasa Greece ako kasi napapaligiran yung hall ng Corrinthian Tower. Yung mga upuan at yung 2 malaking lamesa, may halong gold at different gems. Parang mga hari at mga reyna ang uupo doon. May golden chandelier pa sa gitna. Halatang-halata ang karangyaan dito. May mga nakapalibot pa na vine plants na flower sa wall

"Isara mo yang bibig mo baka magkalat dito yung laway mo.mahirap na kawawa ang maglilinis.hahaha" natatawang saad ni Ana. Hinawakan ko yung bibig ko wala naman e.

Binigyan ko nga siya ng death glare.ginagaya ko si Naj.grabe kasi yung death glare nya parang papatayin ka ng buhay. Tinatry ko lang kung effective panakot kay Ana kasi lagi nya akong niloloko tapos tatawa na parang baliw. -_-

CLARA POV

Sabay-sabay kaming pumunta sa venue. Hindi kami complete kasi yung iba nasa ibang bansa at yung iba may underground business. Kaya may mga representative sila.

The Death Game for the Imperial Throne: My Dragon Princess and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon