PROLOGUE
"Lahat ng mga lalaki pare-pareho. Puro sila mga manloloko. Hindi dapat sila pinagkakatiwalaan. Mukha, yaman, at kapangyarihan lang ang mga habol nila. Pag nakuha na ang mga iyan saka ka nila iiwan. Dapat sa kanila tinuturuan ng leksyon. Dapat sa kanila sinasaktan physically and emotionally"
----> Jaina Clara Mae Lee
"Mahal na mahal ko siya at gagawin ko ang lahat para bumalik siya sa dati. Gagawin ko ang lahat para sumaya na siya ng lubusan. Ililigtas ko siya sa bangungot ng kanyang nakaraan. Ililigtas ko rin siya sa panganib kahit buhay ko pa ang maging kapalit. Mamahalin ko siya ng higit pa sa buhay ko."
----> Joziah Princeton Quirante
"Mahal na kita simula pa lang mga bata pa tayo. Natotorpe lang ako kapag ikaw na ang kaharap ko. Totoo ang kasabihang 'Nawawala ang pagiging Cassanova ng isang tao kapag kaharap mo na ang minamahal mo' . Sana katulad ka nalang ng ibang mga babaeng nagkakandarapa sa akin para hindi na ako nahihirapang ipagtapat sa iyo ang tunay kong nararamdaman. Sana nga ganun ka kaso hindi. Masakit ma-friendzone kaya gagawa ako ng paraan para malaman mo na mahal kita kahit na torpe ako"
----> Jhoxiffer Jantzel Fiori
"Hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin kita. Napakatanga ko nung niloko kita noon pero hinding-hindi na mauulit yun sa pagbabalik ko sa buhay mo. Gagawin ko ang lahat para mahalin mo ulit ako."
----> Ezekiel Kuchiki
"Sa aking pagbabalik sa buhay mo, sisiguraduhin kong hinding-hindi ka na maagaw pa sa akin ng iba kahit na ang first love mo. Kung kinakailangang lipulin ko lahat ng aagaw sa iyo mula sa akin, gagawin ko dahil akin ka lang. Hindi ako papayag na makuha ka pa ng iba. Pagmamay-ari na kita"
----> Cross Jerson Parayno
BINABASA MO ANG
The Death Game for the Imperial Throne: My Dragon Princess and I
ActionThis is a story about a gangster princess known as Dragon Princess and a mischievous guy. Anong mangyayari kung ang landas nila ay nagtagpo? Mababago ba ng mischievous guy ang pananaw ni dragon princess about love? Destined ba sila sa isa't isa? Ala...