=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=
CHAPTER XIV: The Vacation Part2=I Promise
=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=
JP POV
Kakalakad ko dito sa mansion..dito ako dinala ng paa ko sa garden..nakakamiss din pala balikan ang memories namin nung mga bata kami..
Teka.si Clara ba yun?
Lumapit ako para i-confirm kung sya ngayon..sya nga..umupo ako sa tabi nya sa swing..no reaction..problema nito?hindi namamansin..nasanay kasi ako na tuwing lalapit ako sa kanya.laging nagsusuplada..
"Ang lalim ata ng iniisip mo ah" saad ko..no reaction..nakatingin pa rin sya sa kawalan..
"Uhm.EHEM!EHEM!" sinadya kong lakasan at sa wakas pinansin nya na ako..yehey! pero parang wala lang..tumingin lang sya sa akin saka bumalik ulit sa kawalan..
"Ipapakain ko ang lupa sayo pag nag-ingay ka pa" banta nya sa akin nung akmang magsasalita ako..
"Bakit ba nandito?!" sabay glare nya sa akin..no comment..
"Hoy..tinatanong kita..ano ba!" reklamo nya..no comment..
"Hindi ka ba magsasalita?!isa!" no comment pa rin ako
"Dalawa!" no comment pa rin ako
"Tatlo!" no comment pa rin ako
"Ano ba! sumagot ka nga kung ayaw mong barilin kita" sabay kasa nya ng bala.. no comment..
Wait! Ano ba ang mahalaga ang kumain ng lupa or ang baril..para akong namimili sa parehas na ayaw ko..
"Ayaw mo talagang sumagot ah"
"WAIT!" pigil ko sa pagkalabit ng baril
"Magsasalita ka rin pala eh..pinagsasatsat mo pa ako..so ano nga..anong ginagawa mo rito?"
"Kaya lang naman ako hindi nagsasalita kasi ipapakain mo sa akin yung lupa pag nag-ingay ako..tapos pag hindi naman ako nagsalita.babarilin mo ako..ang gulo mo rin noh.." reklamo ko
"Psh! Engot ka rin noh?! Ang sabi ko 'wag mag-ingay' di ko sinabing 'wag magsalita' So ano nga ginagawa mo rito?"
"Di ba parehas na rin yun?"
"Ewan ko sayo.so.bakit nga?"
"Wala lang..bakit?bawal ba ditong pumunta?"
"Pinipilosopo mo ba ako?" sabay tutok nya ng baril
"Ano ka ba..hindi ah..nagtatanong lang..hehe" saad ko kaya binaba nya yung baril nya..nakakatakot talaga sya pag may hawak na baril..
Nakatunganga lang kami dun..tingin-tingin lang sa paligid..napakapeaceful ng lugar except dito sa tabi ko na may dalang baril..pakiramdam ko nga na pag tumingin lang ako sa gawi nya.siguradong todas na ako eh..
Maya-maya pa'y naramdaman kong sinandal nya ang ulo nya sa balikat ko..ewan ko ba..para akong kinikilig na natatakot..
"Ca-Clara?" tawag ko..no response..
"Clara?" tawag ko ulit..no response..
Sinilip ko sya..para syang anghel pag tulog..mas maganda nga pag tulog sya eh..wag lang magigising kasi nagiging demonyo..
Binuhat ko na sya papunta sa kwarto nya..hindi rin ako nahirapan sa paghahanap kasi may mga name ang pinto kung kaninong kwarto ito..ang problema lang.di ko alam ang password ng kwarto nya kaya di ko mabuksan..halos 20 minutes na ako dito sa tapat ng kwarto nya at di alam ang gagawin..
"Hoy!"
"Ay.putakte kang pusang may ulo ng kabute na may pakpak.bwisit!ano ba!wag kang manggugulat dyan" reklamo ko..nakakainis eh..muntik ko ng mahulog si Clara
"Pfft..kailan pa naging ganun ang gwapo kong mukha?" natatawang saad ni Vince
"Psh..tumigil ka nga"
"Anyway.it is not my fault kung magugulatin ka talaga..saka isa pa.para kang timang dyan..paano mo mabubuksan yang kwarto nya kung hindi mo alam ang password at buhat-buhat mo sya?"
"Tumigil ka na nga sa kakasatsat mo..Tutulungan mo ba ako o hindi?"
"Ok.fine"
Pinindot nya yung password ng kwarto..saka pumasok kami..pagkahiga ko kay Clara sa kama nya tinanong ko agad sya..
"Vince.magkaliwanagan nga tayo.isang tanong.isang sagot.kanina ka pa ba nandun sa likuran ko kanina?"
"Oo..simula pa nung nasa garden ka"
"Ano?!tapos hindi mo man lang ako tinulungan?!grabe ka naman..akala ko ba ok na tayo?"
"Tinitignan ko lang kung kabisado mo pa yung daan kaya binantayan kita..pasalamat ka at ginawa ko pa yun lalo na alam kong may problema ka sa direksyon..pfft..hahaha..saka isa pa hindi ko na kasalanan kung hindi ka humingi ng tulong..haha"
"Ang sama mo talaga..:3 hindi ka kaya nagparamdam kaya paano ako hihingi ng tulong?"
"Tinulungan naman kita eh..yun nga lang mas gusto ko talagang makakita ng naghihirap bago ako tumulong"
"Grabe ka talaga Vince..ang sama mo >.< "
Tawa lang sya ng tawa na parang timang..di ko nalang pinansin..ang lakas kasi ng trip eh..
Nagpunta ako sa 1st floor..Mezanin Style kasi ang kwarto ni Clara..dun ako dumiretso sa sofa ng kwarto ni Clara at nagmuni-muni..naramdaman kong sumunod din si Vince sa akin..ang angas talaga ng mokong na ito pati ba naman yung paa nya pinatong sa glass table..lagot ito panigurado kay Clara..sensitive pa naman si Clara pagdating sa mga gamit nya..
Nagbutingting ako ng magazines ni Clara..sya ang cover nito..international model kasi si Clara..kaya marami ang nagkakagusto at nakakakilala sa kanya..ibig sabihin nun.marami akong karibal sa puso nya -_-
Ang ganda-ganda nya talaga kahit kailan..kahit sa magazines ko lang sya nakikita nung nasa California ako.buo na ang araw ko..isa sa mga nagustuhan kong features nya.yung blue eyes nya..parang ice..nakakamesmerize..nakuha nya ang mga mata nya kay Uncle Christof (british-korean) at yung height naman nya kay ninang Corrine (Japanese-Filipino)..
Sa loob ng 3 years puro private watcher namin ang taga-alam at tagakuha ng infos at picture nya ang inatasan ko para mag-update ng mga nangyayari sa kanya..nahirapan nga akong mapapayag sina mom & dad sa pag-hire ng watcher para lang kay Clara eh..
"Mahal mo talaga ang kapatid ko noh?"
Pakiramdam ko tuloy umakyat lahat ng dugo ko sa mukha
"Pfft..napaghahalataan ka masyado.haha" sabay gulo nya sa buhok ko..
"Masyado ba talagang obvious?" nahihiyang tanong ko sabay hawak sa batok
"Oo..haha..pagpasensyahan mo na ang kambal ko kung masyadong manhid yan..kailangan pang iuntog sa pader para lang makahalata..haha"
Sinamaan ko nga ng tingin..loko talaga ito..pati ba naman kambal nya gusto nyang saktan..
"Pero pwera biro JP..advice lang ah..wag na wag mong sasaktan ang kambal ko..dahil sa oras na paiyakin at saktan mo sya..lintik lang ang walang ganti..ako ang makakatapat mo" seryosong saad nya
"Kahit kailan hinding-hindi ko sya papaiyakin at sasaktan dahil sobra ko syang mahal..pangako Vince na aalagaan ko sya at ilalayo sa kapahamakan kahit buhay ko pa ang kapalit..pupunan ko ang kulang sa puso nya..mamahalin ko sya ng buong-buo..ganun ko sya kamahal Vince..sya ang buhay ko" saad ko.
Tinapik nya lang ako at iniwan mag-isa.lumapit ako kay Clara at pinagmasdan ang maamo nyang mukha.
"Kung narinig mo lang sana ang sinabi ko kay Vince at ang tinitibok ng puso ko,mamahalin mo rin kaya ako?kung hindi man,maghihintay pa rin ako sa iyo hanggang sa mahalin mo rin ako kahit na ipagtabuyan mo pa ako.martyr na kung martyr pero ganun talaga ako magmahal kahit na ang pumapatay man sa puso ko ay ang sya ring nagpapatibok nito.maghihintay ako sa iyo Clara.pangako"
BINABASA MO ANG
The Death Game for the Imperial Throne: My Dragon Princess and I
ActionThis is a story about a gangster princess known as Dragon Princess and a mischievous guy. Anong mangyayari kung ang landas nila ay nagtagpo? Mababago ba ng mischievous guy ang pananaw ni dragon princess about love? Destined ba sila sa isa't isa? Ala...