=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=
CHAPTER XVI: The Vacation Part4: Dream Vs Reality:One Step Closer
=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=
JP POV
Dinala ako ni Clara dito sa kitchen nila.grabe ang laki talaga.mas malaki pa ito kaysa doon sa HQ nila sa school.
"Ano gusto inumin at kainin?"tanong ni Clara sa akin habang nakatingin sa may ref
"Ate Emily!"tawag nya
"Bakit po señiorita?"
"Handa na ba yung sa may seafoods?may curry na rin ba sa ibang dishes"
"Opo.señiorita.nakahanda na po ang lahat maliban sa dessert"
"Ako nalang ang bahala sa dessert"
"Pero señiorita.di po maaari yun.ayaw po namin marumihan o masaktan ang iyong kamay"
"I can handle this by myself so back up!or else you'll die"sabay tutok ni Clara ng baril kay ate Emily
"Si-sige po señiorita.ku-kung iyon po ang inyong nais"saka nag-bow si ate at umalis
"Buti nalang wala ng istorbo.so halika na"sabay hila nya sa akin
"Te-teka.saan tayo pupunta?"pigil ko sa kanya.. kasi pansin ko lang kanina pa nya ako hinihila na parang kabayo
"Sa room ko.halika na.wag ka ng umangal"saka hinila nya ulit ako
"Sa ro-room mo?a-anong ga-gawin natin dun?"kinakabahan ako habang hinihila nya ako papuntang kwarto nya.
Ako at si Clara sa isang kwarto?pakiramdam ko tuloy umakyat lahat ng dugo ko papuntang mukha ko.
"Secret.basta magugustuhan mo yun"sabi nya habang nakangiting lumingon sa akin..pakiramdam ko tuloy paulit-ulit na nag-eecho yung salita nyang iyon..
Secret.... basta magugustuhan mo yun
Secret.... basta magugustuhan mo yun
Secret.... basta magugustuhan mo yun
Secret.... basta magugustuhan mo yun
Parang isang lullaby sa tenga ko..
Secret.... basta magugustuhan mo yun
Secret.... basta magugustuhan mo yun
Secret.... basta magugustuhan mo yun
Secr----
"Aray!bakit mo ko sinampal?"angal ko habang hawak-hawak yung mukha ko.grabe ito makasampal parang hindi babae
"Kanina pa kita tinatanong.parang ewan naman ang mukha mo"
"Ca-Clara wag nalang kaya tayo pumunta sa room mo"
"Wag ka ngang maarte.kalalaki mong tao.ang arte-arte mo para kang bakla.bakit bakla ka noh?bakla!bakla!bakla!"tukso nya sa akin.nagpanting ang pandinig ko sa sinabi nya.ako?bakla?tss -_-
"Di ako maarte at di ako bakla.pasalamat ka concern ako sa kalagayan mo kaya pinipigilan kita sa gusto mong mangyari."
"Oo nga noh.bakit di ko naisip yung bagay na yun nung una palang.kaya ka pala weak dahil bakla ka..hahahaha..bakla!bakla!hahaha..bakla!"kaasar ito ah.di man lang pinansin yung paliwanag ko
"Tumigil ka sabi eh.kung hindi ka titigil kakasabi na bakla ako.humanda ka sa akin"banta ko
"Ano?ano gagawin mo?huh?"hamon nya
"Hahalikan kita"
"Weh?di ako maniwala dahil bak---"di nya natapos ang sasabihin nya dahil hinalikan ko na sya
(Sound effects ng tubig)
*plok*
*plok*
*plok*
"Hmm.ano ba yan."angal ko habang pinupunasan yung tubig sa mukha ko..wait!tubig?
Minulat ko yung mata ko at nakita kong nakahiga ako sa black leathered sofa sa loob ng kwarto ni Clara.
Teka?anong nangyare?
Naglibot-libot ako sa loob hanggang sa may makita akong hidden door.di ko sinasadyang mabuksan iyon.dala na rin ng curiousity,maingat akong pumasok sa loob.
Isang mini kitchen?
"Pa-paano ka nakapasok dito?"tanong ni Clara sa may likod ko
"A-ano.wa-wala akong ginagawang masama.maniwala ka.di ko naman gustong pumasok dito.sorry kung pumasok ako ng hindi nagpapaalam sayo sorry talaga.sorry"
"Ano ka ba ok lang yun.halika tulungan mo ko.panigurado may alam ka naman siguro dito?"nag-aalanganing tanong nya
"Tungkol saan?"
"Sa paggawa ng dessert"
"Medyo"
"Good.magpapatulong sana ako sayo kanina kaso bigla ka namang hinimatay nung nasa may tapat na tayo ng room ko.btw.musta na pala pakiramdam mo?nahihilo ka pa ba?"
"Ah ok na ako.wait!ano ba ang nangyare kanina?"kinakabahan ako.totoo kaya yung halik o panaginip lang?
"Nung nasa tapat na tayo ng room ko.tanong ako ng tanong sa iyo pero di ka sumasagot kaya sinampal kita kasi parang wala ka kasi sa sarili mo.pagkatapos nun,tinawag mo ang pangalan ko at unti-unti ka ng bumagsak.muntik ka nga mahulog kung hindi lang kita sinalo.alam mo bang nakakainis ka.nahirapan pa akong buhatin ka kasi kahit na lampayatot ka,ang bigat-bigat mo pala.sa susunod dapat pag hihimatayin ka,dapat sa sofa para hindi kawawa ang magbubuhat sa iyo.nakakainis ka talaga.nakakainis ka"angal nya kaya yinakap ko sya
"Bakit ba mahilig kang mangyakap?"rinig ko pa rin yun kahit pabulong
"Wala lang.kasi gusto ko"
"Unli-hug.pfft.haha"
"Bakit gusto mo ba?feel na feel mo eh"tukso ko sa kanya kaya sinikmuraan nya ako
"Ta-tama na nga itong kalokohang ito.marami pa tayong lulutuing dessert dahil di mo ko tinulungan kanina para lang mapadali ang lahat.kasalanan mo ito.hmpf!"
Nakakatuwa talaga sya lalo na pag nagagalit.ang cute nya kasi
"Sige"
"Dapat lang dahil kanina pa nila hinihintay yung sa dessert.wag kang pabigat kung ayaw mo mapunta ang mukha mo sa paa mo"banta nya
"Yes ma'am"sabay salute ko at tumulong na rin sa kanya sa pagbabake
"Pero aminin mo gumagawa ka lang ng palusot.gusto mo naman talaga yung yakap ko eh.sabihin mo lang"
"Libre lang mag-day dream.dream on boy"
"Eh paano kung nagda-day dream ako at ikaw ang kasama ko.anong gagawin mo?"
Namula sya!ayun oh.namula sya.ayieee..ang cute nya talaga pag nagba-blush
"Ano namang paki ko dyan?as if I care"
"Alam mo bang nagba-blush ka?"tukso ko
"Hi-hindi ah"pfft!hindi daw eh kanina pa nagba-blush
"Ang cute mo talaga"sabay pinch ko sa pisngi nya
"Ah ganun ah"sabay blow nya sa akin nung flour
Naglaro lang kami ng naglaro ng flour hanggang sa magmukha na kaming espasol.natatawa kami sa hitsura namin para kaming mga bata.di na kami nakagawa ng dessert kasi naubusan na kami ng ingredients,naubos dahil sa kakalaro namin.pero wala na akong paki dun.ang mahalaga para sa akin ay ang makita ang mga ngiti nya sa labi na matagal ko ng hindi nakikita.nakakamiss talaga ang tawa nya.para kaming bumalik sa pagkabata namin.mas maganda pa ang nangyayari ngayon kaysa sa panaginip ko.sana magtuluy-tuloy na ang pagiging close namin sa isa't isa parang dati lang.
BINABASA MO ANG
The Death Game for the Imperial Throne: My Dragon Princess and I
ActionThis is a story about a gangster princess known as Dragon Princess and a mischievous guy. Anong mangyayari kung ang landas nila ay nagtagpo? Mababago ba ng mischievous guy ang pananaw ni dragon princess about love? Destined ba sila sa isa't isa? Ala...