Chapter 3: We Meet Again

1.6K 34 5
                                    

Kim's Point of View

I decided that settling here in Manila would be best. Bumili ako ng bagong condo to live in. Masyado na kasing maraming memories yung luma kong condo. Memories that I don't want to remember any more. Because if I do, they will haunt me for the rest of my life and I will not survive. But I did not let go of my dad's house. There's too much sentimental value for me to sell it. So I decided I would keep it. Tutal, sa akin naman pinamana ni dad iyon. Ang bahay at ang kumpanya ang iniwan niya para sa akin.

I was fixing all my things into the right places. This will be my new home. Here, I will build new memories. Even better ones than I did before. This whole place is actually furnished already, meron na siyang appliances and furniture. Humingi kase ako ng tulong sa isa kong pinsan, si Sarah, para mas lalong mapadali ang pag-momove in ko dito.

Dumating ang mga packages na pinadala ko. And doon ko narealize na ang dami ko palang mga gamit. And I couldn't do fixing up alone.

Maya maya, nagring ang telepono. I ran to the living room to pick it up.

"Good afternoon, po.", I answered the telephone.

"Good afternoon po! May I speak to Kim Chiu?", tanong nung babae sa linya.

"She's on the line. May I know who this is?", tanong ko naman sa babae.

"Oh my God, Kim?! Ikaw na ba iyan?! Hindi kita nabosesan ah!", sabi nung babae sa telepono. Only then did I realize na kausap ko pala ang all-time bestfriend kong si Maja.

"Maj?! Ikaw ba iyan?", tanong ko sa kanya with all excitement in my voice.

"Ako nga! Oh my God, girl! Nandito ka na talaga! Namiss kita, bes!", sabi ni Maja na walang tigil sa kakausap.

"Namiss din kita, bes!", sabi ko na medyo nabubulol.

"Kita mo nga! Dahil sa pagkawala mo sa Pilipinas, medyo nauutal ka na sa pagbigkas mo ng Tagalog words ha! So ano, nasaan ka ba?", tanong niya sa akin.

"Dito sa condo ko. Sa Essensa East Forbes.", tugon ko sa tanong niya.

"Wow, girl! Big time ka talaga! Kailangan diyan pa sa sobrang mahal ha!", bilib siya sa akin.

"Ikaw naman, siyempre nag-ipon ipon din naman ako para medyo maganda naman yung titirhan ko.", paliwanag ko.

"So ano, pupuntahan mo ba ako dito?", tanong ko sa kanya. Gusto ko na din kase siyang makita.

"Sige, sige. I'll be there in while. Teka, meron ka bang ipabibili? Para mabili ko na bago ako pumunta diyan.", sabi ni Maja.

"Alam mo kung ano talaga ang na-miss kong kainin dito sa Pilipinas, bes?", sabi ko.

"Hmmm. Ano naman iyon?", tanong niya.

"Kare-kare.", sabi ko na natatawa. I missed eating Filipino food, pero mas namiss ko ang kare-kare dahil iyon ang laging niluluto ni dad noon. And I grew fond of it. Pero never kong natutunan magluto noon. Hindi man lang iniwan ni dad yung recipe.

"Okay, sige. Dadaanan ko naman ang Max's. Ano pa, girl? May sisig din sila, sinigang, lahat na yata.", dagdag pa ni Maja.

"Ikaw na bahala doon, girl. Basta yung kare-kare, pwede? Miss ko na iyon eh.", sabi ko.

Napatawa siya.

"Alam ko kung ano pa yung isang namiss mo, girl.", pahayag ng makulit kong bestfriend.

"Ede yung all-time favorite mong siomai. Wahahahaha!", tuwang-tuwa na siya sa akin.

"Oo! Alam mo sa Italy, ibang lasa yung mga siomai sa Chinese restaurants. Samantalang dito, benta na sa akin yung siomai ng Chowking.", sagot ko. Because truth be told, iba talaga yung lasa ng pagkain doon sa Europe. Pero winner ang pasta nila doon. Pero other than that, mas special pa rin para sa akin ang Filipino food.

Love is Intricate (KimXi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon