Xian's Point of View
"Pero dad, eto yung gusto ko itanong kay Xian eh. What does it mean now? Kung pagpapanggap lang iyon, ako yung mali. Pero kung tama yung iniisip ko, na baka may nararamdaman pa siya for me after all those years, bakit hindi siya sumulat sa akin nung nasa Europe ako? Ba't hindi niya ko hinabol? Talaga bang balewala yung effort na ginawa ko para talagang malaman kung mahal niya ko? Kase dad, kahit matagal na iyon, masakit pa rin tuwing iniisip ko na yung taong minahal ko, hindi naman pala talaga ako mahal. Ang sakit noon, dad.", sabi nung babae na nasa libingan ni Tito Derek. From the sound of her voice, I knew she was crying. From the sound of her voice, I knew it was Kim.
Ano yung pinagsasabi niya? Anong sulat? Anong habol? Ano iyon? I was going to interupt, pero nagpatuloy siya sa pagsasalita, mukha ngang hindi pa niya alam na nandito ako.
"I loved him, dad. Pero siyempre, nagbago na iyon, dad. Kaso, gusto ko pa rin malaman yung mga sagot doon. Gusto kong malaman kung minahal niya talaga ako, dad. Para matihimik na ako sa mga tanong na iyon. Matagal na silang unanswered.", she said disappointedly.
It hurts. Masakit pakinggan yung sinabi niya. Minahal ko naman talaga siya ah. Siya lang naman tong umiwan sa akin at tumakas na hindi man lang nagsabi kung saan siya pupunta. I mean, unfair naman iyon, diba? I need to speak for myself here. Hindi ako pinakinggan ni Kim. Never niya akong kinausap about our break up and our problem. Siguro naman ngayon, papakinggan na niya ako.
"Kim?!", sabi ko sa babaeng umiiyak. Mukhang ayaw niyang tumalikod, pero napilitan siya.
Tumalikod siya. At ang mga mata ay lumaki. I know she didn't want to see me here. Pero nandito ako. At dahil nga nilabas niya itong topic na to, siguro it's time for us to talk, para sa closure na din.
"Xian?", gulat na gulat siya. She wasn't expecting to see me here.
"Kim, anong sabi mo?", tanong ko sa kanya. Pero sa tono ng boses ko, medyo may halong galit at lungkot.
"Xian?", tanong niya ulit sa akin. Pula na ang mga mata niya, hindi pa rin tumitigil sa kakaiyak.
"Kim, ano tong mga sulat na pinagsasabi mo? Yung habulin kita? Yung effort mo? Ano iyon?!", I slightly shouted. Medyo nadadala na ako ng emosyon ko. Naalala ko kase lahit nung sakit nung iniwan niya ako.
Tiningnan niya ako na galit din. Mukhang handa siyang harapin ako, pero hinahanap niya lang ang mga tamang salita na sasabihin. Nakita ko yung mga kamay niya. Clenched fists na ang mga iyon. Mukhang susuntukin niya ko, pero pinipilitan niya lang ang sarili niya. Then she shook her head.
Kim's Point of View
Soonor or later, we had to face it. Hindi ako handa, pero mukhang kailangan na to eh. Para na din sa closure. Para na matahimik ako. Para na din sa amin.
"Xian, bago ako umalis, sinulatan kita. I left you a letter saying I was going to Europe.", sabi ko.
"Nakonsensya ako nung iniwan lang kita na hindi man lang nagpapaliwanag. Sabi ko sa sarili ko, baka naman nag-assume lang ako. Kaya gumawa ako ng sulat para malaman kung gaano mo talaga ako kamahal o gaano mo talaga ako pinapahalagahan.", simula ko.
*FLASHBACK*
Umuulan nung araw na iyon. Alam kong may basketball practice si Xian nung oras na iyon, at alam kong wala siya sa bahay. Kaya sadya akong pumunta sa oras na iyon. Hindi kase ako handa sa pag-uusap namin.
Pumunta ako doon na may dala-dalang sulat para kay Xian. Oo, nag-break kami, pero totoo talaga sa akin lahat ng nangyari sa amin ni Xian, kaya ganoon nalang kahirap para sa akin ang pag-break ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love is Intricate (KimXi)
Fiksi PenggemarKim and Xian, two people who believed in a "perfect", now only believe in an "almost". But almost is never enough. No one and nothing will ever be enough. Or so they thought. The truth is, he isn't perfect. And she's isn't perfect either. But can ou...