Chapter 5: Promises

1.3K 35 6
                                    

Kim's Point of View

"Kim...", sabi nung lalaki.

At hinawakan ko ang kamay niya na nasa balikat ko.

"Insan, medyo late na kase. Alam mo namang ayaw kong sirain ang moment mo, kaso gabi na. Delikado dito. Tiyaka baka hinahanap na tayo nila Sarah, may dinner pa tayo, diba?", sabi ni Joshua.

"Oo, insan. Sige.", sabi ko na tumatayo na.

"Eto nga pala yung flowers.", sabi ni Joshua sabay abot sa akin ng basket of white lilies.

"Salamat.", sagot ko.

Ibinaba ko ang flowers.

"I love you, dad. Babalik ako soon. Promise ko iyan.", sabi ko.

At pumunta na kami ni Joshua sa kotse at tumungo sa bahay nila para makapag-dinner with the family.

Xian's Point of View

Natraffic ako. Dinaanan ko pa kase yung flower boutique para may maiwan ako para kay Tito Derek. Halos isang oras yata ako nadelay. Pero atleast nakarating na din ako sa Heritage Park.

Tumungo ako sa libingan ni Tito Derek. Nabigla ako nang makita ko na may basket of white lilies. May bumisita siguro kay Tito. Ininspect ko ang mga bulaklak. Mukhang fresh na fresh pa. Ibig sabihin, kaaalis lang nung tao na bumisita sa kanya. Tumingin ako sa paligid, wala namang tao. Sino kaya ang bumisita sa kanya? Si Kim kaya? Siguro. Pero, pwede din namang kamag-anak niya. Marami naman kasing dumadalaw kay Tito Derek. Madami kasing nagmamahal sa kanya, at isa na ako doon.

Ibinaba ko malapit sa tombstone ni tito ang basket of white peace lilies na dala ko. Nagdala ako ng peace lily dahil ito ang peace offering ko sa kanya. Kung nasaan man siya, sana nahanap niya yung kapayapaan na hinahanap niya.

Umupo ako sa damo.

"Hi, Tito D.", simula ko.

"Mukhang may bumisita sayo ah. Nahuli yata ako at hindi ko siya nakita.", sabi ko.

"Tito, sorry ah. Ang tagal bago ako nakabisita ulit, halos six months na yata kitang hindi nabibisita. Busy kase ako sa trabaho. Kaya sorry.", dagdag ko.

"Tito, naaalala mo pa ba nung huling dalaw ko dito kasama si Kim?", medyo napangiti ako.

"Second anniversary namin noon. Two years na kaming together noon. Dinala ko siya dito kase alam kong papasayahin mo siya higit pa sa pagpapasaya ko sa kanya. Naalala mo pa iyon?", I paused.

"Kaso, tito, hindi din kami nagtagal. Diba nga nakuwento ko sayo na nagbreak kami nung malapit na kaming mag-third year college? Sa totoo lang, Tito D, hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit. I mean, alam ko naman na marami akong pagkukulang sa kanya as a boyfriend, marami akong mali, pero inaaamin ko naman iyon sa kanya, tapos nagso-sorry din ako, at pinagbibigyan naman niya ko. Then pagkatapos niyang samahan yung mom niya for one week, bumalik siya sa school na galit sa akin, tapos sinabi nalang niya na aalis na siya at dapat daw masaya na ko. Wala na kami. Ano yung ibig niyang sabihin? Ni hindi man lang siya nag-explain sa akin kung bakit niya ako hiniwalayan o kung bakit niya ako iiwan. Bakit ganoon?", tanong ko na medyo galit.

"Pero tito, for whatever reason she left, okay na sa akin. Atleast alam ko na okay naman na siya."

"Alam mo, tito, bumalik na siya para habulin ang mga pangarap niyong dalawa, just like she promised. Diba nga, sabi ko sayo, Kim never breaks a promise?", napatigil ako. I calmed myself.

"I mean, Kim doesn't break promises she makes to you. Sa akin kase, marami siyang nabali eh. Marami siyang broken promises sa akin. Pero okay na iyon, wala na iyon. Tapos na iyon. Atleast okay na kami.", tuloy ko.

Love is Intricate (KimXi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon