Blaise's POV
"What now?" I said as i walk around the campus.
Oh... Kailangan ko nga palang hanapin ang Noxier na iyon... But where do i start?
Naglakad lakad pa ako hanggang sa dalhin ako ng aking mga paa sa rooftop ng main building.
Mabuti nalang at walang tao kaya humanap na ako ng pwesto ko at naupo. Napakapeaceful at napaka calm ng lugar na ito.
Umihip ang malakas na hangin na nakapagpapikit sa akin. Ang sarap lang mapagisa. Ang sarap sa pakiramdam na wala kang iniisip, yung wala kang prinoproblema, walang panganib, walang istorbo...
Nahiga ako sa semento at inunan ang aking dalawang braso. Ang ganda ng langit... Para bang hinihila ako ng mga ito sa isang paraiso kung kaya't hindi ko na namalayan na unti unti na akong napapapikit at nilamon na ako ng dilim
--------------------Napamulat ako ng mata nang maramdaman kong may nakamasid sa akin. Mainit na ang simoy ng hangin. Malamang eh lunch time na.
Nagulat nalang ako nang mapatingin ako sa kaliwang banda sa tabi ko dahil...
May lalaking may malapad na frame na salamin ang nakatitig sa akin.
Ha? Anong problema neto? Teka pamilyar siya ha... Nakalaban ko na ba to dati? Napakunot ako ng noo nang mapansing wala ata siyang balak magsalita dahil titig na titig siya sa akin.
"A-aaah.... I-im... Uhm... S-sorry... I-i i didnt mean to interupt--"
"Teka? The nerd guy? Wait... Is that you Harina boy?" Amazed kong tanong. Kaya pala familiar ang lalaking ito. Hindi ko siya nakilala agad dahil hindi ko naman nakita masyado ang mukha niya kanina nang lapitan ko siya. May harina kasi siya sa mukha that time pero ngayon... Ang aliwalas ng mukha niya... Mukhang inosente. Napatingin ako sa kamay niya at napansin kong may hawak siyang lapis at sketch pad.
"I-i.... I...."
Huh?
"I... Uhm..." Napaikot ako ng mata dahil parang pinagttripan ako ng lalaking to. Ngayon lang ba to nagsalita?
"Ginagago mo ba ako?" Sabi ko sa kanya gamit ang cold tone ko. Para naman siyang nataranta bigla.
"A-ah! U-hm... I-I...."
"You know what? Im going." Sabi ko at tumayo na habang pinapagpagan ang aking suot.
Palabas na sana ako sa pinto ng rooftop nang tawagin niya ako.
"T-thankyou... Thankyou again.... for saving me... " sabi niya na ikinalingon ko. Nakayuko siya at pinaglalaruan ang lapis na kanyang hawak.
"Dont thank me... I didnt do anything"
"You did... Actually... You did a lot..." Sabi niya at nag-angat ng tingin. Nagkatinginan kami. I cant read his facial expression. What does he mean by that?
"Whatever" sabi ko at tumalikod na ulit.
"I-Im.... Z-zephyr" narinig kong sabi niya bago ko pa maisara ang pinto ng rooftop.
"Mamatay na nagtanong" sabi ko at napailing iling nalang habang pababa ng hagdan.
I decided na pumunta sa cafeteria dahil gutom na ang mga crocodile ko sa tyan. Mamaya ko nalang hahanapin ang Noxier na iyon.
Habang naglalakad... Bigla akong napaisip.
Teka...
"Where the fuck is the cafeteria?" Bulong ko sa sarili ko at inilibot ang aking paningin sa paligid. Shit. Im lost! Bat ba kasi ang laki ng school na ito?
Naglakad lakad pa ako at makailang lumiko sa mga corridor. Nang makita kong nasa tagong parte na ako ng academy ay saka ako huminto.
"Show yourself coward" sabi ko nang hindi gumagalaw sa aking kinatatayuan.
Kanina ko pa kasi napapansing may sumusunod sa akin. Napaka careless ng taong iyon dahil rinig na rinig ko ang mga yabag niya at ramdam na ramdam ko ang presensya niya.
Narinig kong may papalapit sa aking yabag kung kaya't hinanda ko na ang sarili ko sa anumang galaw na gagawin niya sa akin.
300 meters...
200 meters...
100...
50...
30.....
20....
10....
Hinanda ko na ang katana ko at marahang humarap. Sa bilis ng kilos ko ay tinutok ko sa leeg ng kung sino man na ito ang katana na hawak ko at isinandal siya sa pader kung kaya't hindi na siya nakagalaw.
Nag-angat ako ng tingin at nagulat nanaman ako sa pangalawang pagkakataon sa araw na ito.
"Really? What the fuck? Ikaw nanaman? Why are you following me huh?" Gigil na sabi ko at ibinaba ang hawak kong katana at kwinelyuhan siya
Mukhang hindi naman naka-rehistro agad sa utak ng lalaking to ang ginawa ko at halatang nanginginig na sa takot. Lalaki ba talaga to? I dont think so.
"Do you want me to repeat my question? I said..." Inilapit ko ang mukha ko sa tenga niya at bumulong.
"WHY.ARE.YOU.FOLLOWING.ME?" Malamig kong sabi at naramdaman kong marahang nanginginig ang kamay niya at pinagpapawisan ng husto ang itsura niya. Gusto kong matawa sa sitwasyong ito ngunit minabuti kong maging seryoso at walang emosyon ko siyang tinitigan sa mata.
Nagulat ako nang makita ang kanyang mga mata. Wala na itong bakas ng takot. Ngayon ko lang natitigan ng mabuti ang mukha ng lalaking ito. He have this jet black orbs that can pull you into another dimension, he has this perfect strong jaw and sharp bridge that supports his nose, he have this long eyelashes and on fleek eyebrows. Grabe, ang greek god ba itong nerd na ito?
Nagtagal kami sa ganoong position hanggang sa magsalita siya.
"I-I dont have any intention of hurting you... I.... Uhm... Can I... Come with you?" Sabi niya at yumuko. Lumayo na ako sa kanya at tinitigan siyang mabuti. Is he serious?
"And why is that?" Seryoso kong tanong
"B-Because... Ugh... Uhm... Because... Damn! Why is it so hard?" Sabi niya habang nakatingin sa ibang direksyon. Nagulat ako sa biglang pagmumura niya kahit pabulong lang ang huli niyang mga salita. Ayos din tong nerd na to ha.
"Nevermind... I-Im sorry again..." Sabi niya at napabuntong hininga habang dahan dahang tumalikod at nagsimulang maglakad.
Napaisip naman ako sa gusto niyang mangyari... Gusto daw niyang sumama sa akin? Bakit? What's his motive? Wala pang taong naglakas na loob na sabihing gusto niyang sumama sa akin, its either the people around me will stay away from me or be afraid of me. But this one is interesting.
"Okay okay. I'll let you come with me." Sabi ko bago pa siya makalayo sa akin.
Tumigil siya sa paglalakad at seryosong humarap sa akin. Ang pogi ng isang to pag seryoso ha. Lol What?
Habang papalapit siya ay nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"In one condition..." Sabi ko at nagsmirk.
Halata sa mukha niya ang pagtataka, gulat, kaba, at... Excitement?
Seriously? What's with this nerd guy? Mukha siyang thrilled na thrilled ah. Lets see...
"W-what is that c-condition?" Nauutal niyang sabi at nahihiyang tumingin sa akin.
"Be my slave, nerd guy" and then i gave him my devilish grin that made him become stiff and pale.