Chapter 5

0 0 0
                                    

Blaise's POV

Gulat na gulat pa rin ang ekspresyon ng mukha niya kaya napatawa ako ng malakas

"HAHAHAHAHAHA... I-I'm just k-kidding alright? Hahahaha gosh your reaction is priceless!" Matawa tawa kong sabi.

Nang makagetover na ko sa pagtawa ay bumalik naman ang tingin ko sa kanya.

Para siyang estatwang tuod na mannequin don na nakatitig ng mataman sa akin at amused na amused ang kanyang mga mata.

Sumeryoso na ang mukha ko bago pa siya may masabi. Baka isipin ng harina boy na to na close kami 😑 ano siya siniswerte?

"Lead the way to the cafeteria. I'm starving" malamig na sabi ko at mukha naman siyang binalikan ng ulirat at nagumpisa nang maglakad. Aba buti naman at napasunod ko ang nerd na to! At wala rin siyang choice kundi sumunod, i smirk at the thought

Nauunang maglakad sakin si nerd kasi siya ang nagl-lead ng daan, malamang 😑. Kaya nang makarating kami sa cafeteria at pumasok sa double doors nito...

May hudas na nagsaboy sa amin ng red paint at nagsaboy pa ng glitters at kung ano ano pang bullshit na nakapagpainit ng ulo ko.

What.

The.

Effing...

Fvck????

Sht! Paano na ko sasakay sa baby trev ko mamaya? Ayokong madungisan ang interior non! Gigil kong sigaw sa aking isip at pumikit ng mariin.

Rinig na rinig ko ang pagtawa ng mga talipandas na to at naririnig ko pa ang pag *click ng mga camera sa paligid.

"Serves her right!"

"No! Serves THEM right wahahahaha"

"Poor little thingyy haha"

"Pakialamera kasi!"

"Gosh look at their faces! Hahahaha "

"Shet dude laughtrip! HAHAHAHAHA"

Nang hindi ko na makayanan ang nararamdaman ko at any moment ay sasabog na ako, dumilat ako at malamig na may pagbabantang tinitigan ko ang mga bullshit na to. Ang mga iba ay nagsi-atrasan at ang iba naman ay naibaba bigla ang hawak nilang phone saka ito mabilis na isinuksok sa bulsa.

Napansin ko namang nakaestatwa pa rin ang katabi ko at wala atang balak gumalaw kaya ako na ang naginitiate.

"Tsk coward." Sabi ko at nagsimula nang sugudin ang mga taong sangkot sa kagaguhan na ito.

Dahil hindi nila inaasahan na susugod ako ay nakakuha ako ng tiyempo at agad sinipa sa mukha ang nasa unahan na lalaki at agad naman iyong natumba. 1 down...uhm... Teka ilan ba tong mga to?

One.... Two... Three... Four... Five... Six... Seven...

Sus pito nalang pala. Easy as fuck!

Susugod na sana ako sa pangalawa kong target nang biglang bumukas ang double doors ng cafeteria at iniluwa niyon ang isang batalyon na mga istupidyante. Fuck! San galing tong mga ito?

Tinignan ko ang kadarating lamang na grupo at nakita kong may hawak silang ibat ibang armas. May isang may hawak na baseball bat, tubo, martilyo, pala, kahoy etc. Sus ano sila magka-karpintero? Wow Blaise may gana ka pang magjoke?

"Tsk tsk tsk... Sayang ka miss, ang ganda mo pa naman, pero pwede naman nating pagusapan to. Wag nalang nating idaan sa hirap, idaan nalang nating dalawa ito sa sarap" sabi ng matabang mukhang kulugo na nasa unahan ng grupo at nagawa pang kumindat sa gawi ko. Kinilabutan naman ako sa ginawa niya at nandidiring tinignan siya mula ulo mukhang paa. Malamang ito ang "leader" kuno nila. So cheap ha? Pwe!

At anong sabi niya? Daanin nalang sa sarap? Sige ba! Dadaanin ko siya sa sarap pag lumapat na ang kamao ko sa parte ng katawan niya. Tignan ko lang kung di siya masarapan.

At dahil mas marami itong kakapasok lamang na grupo na sa tantya ko ay nasa 13 na katao este 13 na hayop, bale bente na silang nakapalibot sa akin at handang sumugod. Okay! Warm up na din ito ha. Namiss ko nang makipagsapakan at makipagrambulan.

Bago pa sila sumugod sa akin ay may naramdaman akong may humahatak ng laylayan ng hoodie ko.

Paglingon ko, ang mukha ni nerd na takot na takot ang bumungad sa paningin ko. Para namang naawa ako sa kanya at parang nalulusaw ang puso ko sa mga matang iyon.

"Just watch... And learn" nakasmirk kong sabi sa kanya at kinindatan siya.

Nakita ko pang namula ang tenga niya bago ako sugurin ng isang lalaki pero hindi ko ito binigyan ng pagkakataong bangasan ako at umilag lang ako ng umilag hanggang sa mapagod ito at tuluyan ko na siyang sinuntok sa panga na nakapagpatumba sa kanya. Sumugod pa ang marami sa akin at binigyan ko sila ng mag-asawang suntok kaya naman bumabagsak na sila sa sahig at mahimbing nang natutulog. Tsk, masyado nila akong minaliit.

Busy ako sa pagka-lempong sa ulo ng lalaking ito nang makita ko sa gilid nang mata ko na may lumalapit na tatlong lalaki kay nerd at handa na siyang paluin ng pala. Ang tangang nerd naman na ito nakatanga lang sa akin.

Agad na rumehistro ang takot sa aking mga mata kaya naman mabilis kong sinuntok ang lalaking hawak ko at mabilis na pinuntahan ang bobong nerd na ito. Bobong nerd? May ganon ba?

Bago pa mailapat ng lalaki ang hawak niyang pala sa ulo ni nerd ay agad ko iyong sinipa palayo at hinatak si nerd sa aking likod para proteksyonan saka ko hinarap ang tatlong lalaki at dahil sa galit na nararamdaman ko ay inilabas ko na ang kunai ko at inilaslas sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan. May halong lason ang kunai ko kung kaya't in no time, mawawalan na sila ng hininga. Serves them right! Konti nalang talaga at makakapatay na ako!

Humarap ako kay nerd nang masiguro kong tumba na ang tatlo at sinigurong hindi siya nasaktan. Tinitigan ko siya sa mata, ang kaninang takot sa mga mata niya ay napalitan ng kakaibang aura kaya naman natulala ako sa kanya at nagtaka nang biglang lumaki ang kanyang mga mata.

Sa sobrang bilis ng pangyayari, nakita ko nalang na hinila ako ni nerd at nagkapalit kami ng pwesto nang nakita kong hinampas na ng lalaking ito ang kanyang baseball bat at tumama ito sa likod ni nerd.

Nagulat ako sa nangyari... Why the fvck did he do that? Did he just catch that blow for me?

Napaluhod sa sakit si nerd kaya naman biglang dumilim ang mukha ko.

"DAMN YOU!" Malamig kong sabi at ilang sandali lang ay napatumba ko na lahat ng mga gagong ito kasama ang lider nila na putok ang labi at may black eye habang mahimbing na natutulog sa sahig.

Pinunasan ko ang pawis na lumandas sa aking noo at agad kong nilapitan si nerd nang mapansin kong nakatukod nalang ang kamay niya bilang suporta habang nakaluhod at nakayuko. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at napansin kong tumalsik din pala ang eyeglass niya kung saan kaya hindi ko na alam ang gagawin o sasabihin.

Umangat ang mukha niya makaraan ang ilang segundo at doon ko lang nakitang...

This nerd is... Gorgeous! I mean, he's freaking hot pag walang salamin. It really suites him. What???

Hindi ko namalayang napatulala ako nang magsalita siya.

"A-Are you .... O-Okay?" Nakangiwing sabi niya habang nakatingin pa rin sa akin.

"Of course I'm okay! Geez nerd! Dont do that again! Dont ever save me again!" Seryoso kong sabi at marahang inalalayan siya.

"I-I'm s-so sorry... Its my fault kaya ka--"

"Shut up and lead me to the clinic." Sabi ko nalang at lumabas na kami ng cafeteria.

My Gangster GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon