Chapter 1

22 1 0
                                    

Smoke and wild people welcome me as I enter the club.

Pinilit kong wag madikit sa mga taong nakakasalubong ko habang papunta ako sa bar counter.

Tinanguan ko ang bartender nang makaupo na ako sa high stool at agad naman niya akong pinagsilbihan.

"Any prob?" Tanong niya saakin habang sinasalin niya ang alak sa aking shot glass

Tinitigan ko lang siya ng blanko at agad hinablot ang shot glass at isang lagukan na nilunok.

Napatawa nalang siya at saka umalis dahil dumarami na rin ang mga customer dito sa club.

Ugh.

Frustrated, tinawagan ko ang grupo at makalipas ang labing limang minuto ay biglang bumukas ang double doors ng club at pumasok ang apat na lalaki.

Napahinto nang saglit ang mga tao sa dance floor dahil sa atensyon na nakukuha ng apat.

Pshhh di pa rin sila nagbabago.

"Yow!"

"Omg B!"

"Supp B!"

"What now Blaise?"

Sabay sabay na sabi nila nang makalapit sila saakin.

Agad silang umupo sa katabi kong stool at umorder din ng kanilang mga inumin.

Bigla namang nagsitawanan ang mga ito nang malakas kaya napatingin ako sa kanila.

""Pfft what the hell blue? Watermelon shake?" Natatawang sabi ni Blythe habang iniinom ang kanyang Scotch Whiskey

"The hell you care! Mind your own business blythe tss" sigaw na sabi ni Blue dahil nagiging maingay na ang mga tao at dumadagungdong na ang music.

"What is it now Blaise Raxeira Amaranthine Astrophile?" Iritang sabi saakin ni Blade habang nilalaro ang shot glass na wala nang laman sa counter.

"Old man just called... And this time it's a serious matter" simple kong sabi at bigla namang umakbay saakin si Blaine

"Hay nako baby b, So... What is it this time?" Excited na sabi niya kaya tumayo na ako sa stool at tuloy tuloy na naglakad sa labas.

Sumunod naman yung apat kaya sumakay nako sa aking Dodge Tomahawk pero bago pa ako umalis ay narinig ko ang padabog na pagsara ng sasakyan ni blue habang sinasabi na

"Tsk kainis naman di ko tuloy naubos ang watermelon shake ko" napairap nalang ako sa kanya at tuluyan nang pinaharurot ang baby ko.

Huminto ako sa isang abandoned warehouse at nakita ko namang nagsibabaan na din ang mga kasama ko sa kani-kanilang mga kotse.

"Where are they?" Takang tanong ni Blythe kaya pumasok na kami sa loob ng warehouse ngunit bago pa kami makapasok ay may bigla kaming narinig na ingay sa loob kaya't sinipa ko ang pinto at bumungad sa akin ang pitong uh....

"Woah!"

"Cool!"

Nasa harap namin ngayon ang pitong armadong lalaki at masasabi mong sa itsura palang nila ay may otoridad na. Okay anong pakulo naman ang gusto ng mga to?

"What now?" Bored kong sabi at biglang nahati ang pitong lalaki sa gitna at iniluwa nito ang isang Lalaking nakabusiness suit na nasa late 30's

"I want to have a deal with you..." maotoridad na sabi ng Lalaki habang pinapaikot nito ang baril sa kanyang daliri

"Just get straight to the point" seryoso kong sabi at naramdaman ko namang sumeryoso na din ang mga kasama ko

"I want you to... No, scratch that. I'm ordering all of you to be my sons protector on his stay here in the Philippines." Sabi ng lalaki at inilahad niya ang kanyang mga kamay sa isang lalaking katabi niya at inabutan naman siya nito ng isang black envelope.

Napanganga ang mga kasama ko except sa amin ni blade.

"What the?!"

"You're kidding right?"

"This is bullshit!"

Sabay sabay na reklamo ng tatlo pero bigla namang nagsalita sa gilid ko si blade

"And what is it for us?" Tanong ni Blade habang diretsong nakatingin sa lalaki.

"You know you cant back out this time" nakangising sabi ng lalaki na nakapagpatangis ng aking bagang.

Ang lalaking ito ay si Don Alexander Maximus Noxier. Isang business tycoon, maraming ari-arian mga hotels and restaurant chains na nakalocate sa ibat ibang panig ng mundo isa siya sa mga pinakamakapangyarihan na mafia sa buong Asia. Business partner siya ng mga parents namin kaya ngayon ay hawak niya kami sa leeg at walang sino man ang maaaring humindi sa kanya. Pinapadala niya kami sa ibat ibang missions at gang fights pero ang isang to ang hindi namin inaasahan.

Geez I hate this old man, wala bang thrill?

"Here" ibinigay niya sa akin ang isang itim na envelope at sa aking palagay ay doon na nakalagay lahat ng info ng babantayan namin.

"Lets go" utos ko sa aking mga kasama ngunit agad naman kaming napahinto ng magsalita pa ulit ang lalaki

"Oh and one more thing, I would like you to go to the same school kasama ang anak ko para naman mabantayan niyo siya ng maiigi. Ako na ang bahala sa mga papers niyo. Bukas na bukas ay papasok na kayo so be ready"

Pagkatapos niyang magsalita ay agad akong lumabas at napasabunot nalang sa aking bubok

"What the actual fvck?!" Di makapaniwalang bulong ni Blue habang nakasandal sa kanyang kotse.

"This... Is so bad" pailing iling na sabi ni Blaine

Halata ang frustration sa aming mukha kaya't napagdesisyonan namin na bumalik sa bar at doon muna magpalipas ng init ng ulo

"Whooo leggo parteeeeeh!!!!" Sigaw ni Blythe at pagewang gewang na pumunta sa dance floor.

Habang si Blue naman ay umiinom ng vanilla milkshake niya habang naglalaro sa kanyang cellphone. Si Blaine naman nakikipagflirt doon sa kabilang table at si Blade naman ay nasa Cr.

Iniisip ko palang na magbe-baby sit ako ay naiinis at naiirita nako kaya napagpasyahan ko munang lumabas ng club.

Pumunta ako sa parking lot at sumandal sa aking kotse habang nilalabas ang isang pack ng Insignia cigarette, kumuha ng isa habang kinukuha ang lighter sa aking bulsa.

Dont get me wrong, I only do this when I'm stressed or frustrated. Hell yeah, go judge me.

Ilalagay ko palang ang cigar sa pagitan ng aking labi ng may isang lapastangan na hinawi ito sa aking kamay kaya nahulog ito sa sahig.

Breathe in Blaise... Chill...

*BOOOOOOGSSSSHHHHHH

Yeah. I punched him.

Nagulat naman ako nang hindi manlang siya natinag sa pagkakasuntok ko sa kanya pero nakatagilid lang ang kanyang mukha habang hawak hawak ang dumudugo niyang labi. Bigla namang siyang yumuko at lumuhod na parang may kinakapa.

"What are you doing?" Takang tanong ko akala ko kukuhanin pa niya ang nahulog kong sigarilyo pero kinuha lang niya ang kanyang makapal na salamin at inilagay iyon sa kanyang mata.

Hindi ko masyadong makita ang kanyang mukha kaya lumapit ako sa kanya kayalang bigla namang siyang kumaripas ng takbo. What the? Ang bilis niya huh.

Nawalan na din ako ng gana kaya napagpasyahan ko nalang umuwi.

Tomorrow is going to be a great day! (Please note the sarcasm)



AN:// Hello po! I hope nagustuhan niyo po ang first chapter! And kung may grammatical error, wrong spelling, etc man po please let me know.

Vote po kayo para sa next chapter! Hihi love lots xoxo

My Gangster GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon