Long Distance Relationship

21 2 0
                                    

OLM-Long Distance Relationship

CRIS's POV

Ang ganda ng gising ko :) May date kasi kami ni Dave Boyfriend ko siya, Nine months na kami . O diba ? antibay.. hehe :) Sa aming apat, ako ang unang lumandi ! hehe Charoot lang. Siguro naiinis na kayo kasi palaging may hehe, kinikilig lang ako huwag na kayong umepal pagbigyan niyo na ako kahit ngayon lang. Nag group chat ako.
*Jhonna, Aleah, Lexie*

Cris: Goodmorning mga bff ! :D May date ako ngayon. Hindi ako nang iinggit, nag sishare lang ako. KAyo what lakad niyo ngayong weekend ?
*send*  Agad agad nagreply ang mga bruha. mga gising na pala .

Jhonna: Hey , hindi lang ikaw ang may date no ? :P Kami din ni Alex. HAHAH !

ALeah: ee, di kayo na ang may date. Di ako inggit ! Nag rereact lang.

Cris: Hahaha ! May date ka rin pala Jhonna gusto mo double date ? Para masaya ..

Jhonna: Okay , sige . Aleah, what lakad mo ngayon  ??  Himala ata at hindi pa nag rereact si Lex. HAHA!

Aleah: Wala akong lakad. Magmumokmok lang dito sa bahay.

Cris: Baka naman busy si Lex :) Hahaha !

Lexie: Hoy mga bruha kayo ! nananahimik na nga ako para wala akong masabi na di maganda sa inyo pero dahil diyan magrereact na ako.

Jhonna: Ayy! Ayan na siya :) I'm sure na kasimangot na naman yan . SMILE lang Lex :)

Lexie: CHE ! May date kayo ?? Ano naman ngayon, umagang umaga may date. Bakit nagawa niyo na ba mga assignments natin ??!!!

Cris: Atribida ka talaga. Bukas nalang yun, May Linggo pa naman ee.

Lexie: Ayan ! inuuna ang mga katatarayan. HAHAHA ! (sorry For the word bff's)

Aleah: Oo nga no Lexie ? Buti pa tayo goodgirl.

Lexie: Anong buti pa tayo goodgirl ? Ako lang no. May kasalanan ka samin Aleah , Kaya pumunta ka dito sa bahay at may pag uusapan tayo.

Jhonna: HAHAHA! Akala mo ligtas ka Aleah no ? :P

Cris: Pumunta ka nalang Aleah kina Lex tutal wala ka naman lakad.

Lexie: Talagang pupunta yan ! Dahil kung hindi sasabunutan ko yan.

Aleah: Nananakot ka pa ee, pupunta nga ako .

Lexie: Good. Mag heart-to-heart talk tayo . Kayo namang dalawa, mag ingat kayo no ? at umuwi kayo ng maaga dahil kung hindi mga boyfriend niyo ang lagot sakin !

Cris: OO NANAY. HAHAH !

Jhonna: Mas matindi ka pa kay mommy ee.

Lexie: Talaga. Kukurutin ko kayo sa singit :)

Cris: Sige guys. MAg aayos na ako. Text ka nalang Jhonna kung payag si Alex ng double date.

Jhonna: oo, papayag yun. Pag di siya pumayag mag date siyang mag isa. HAHAHHA !

Aleah: Ingat kayo, yung bilin ng nanay Lexie niyo ! HAHAHA.

Lexie: PAtatawa tawa ka Aleah, punta ka dito ha !

Aleah: Oo .

Napangiti nalang ako sa asal ni Lexie, napakaswerte namin at kaibigan namin siya. Kapag nasaktan kami siya ang unang susugod at makikipag away, naaalala ko nun nung nakipag break si Michael kay Aleah sinugod niya si Michael at pinahiya sa lahat ng tao kaya nga tinatakot namin ang mga boyfriend namin na kapag sinaktan nila kami huwag silang matakot samin kay Lexie sila matakot. Very protective siya sa mga kaibigan niya kahit na brutal at masungit siya samin, hinding hindi naman mapapantayan ng iba ang pagmamahal ni Lexie samin, kaya kapag dumating yong time na nagmahal na siya kami naman ang magpoprotekta sa kanya. Yan ang tunay na magkakaibigan :) Tama na ang drama at nagtext na si Dave :) kinakamusta ako at excited na daw siyang makita ako. Hahah !! Babush..

ONE LAST MINUTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon