OLM-Second Plan
Pa, pwedi magtanung ?? Tanung ko kay kay Papa baka sakaling mas mabigyan ako ng magandang diskarte.
Oh? Ano yun? Baling nito sakin. Arman nga pala pangalan ng papa ko.
Pa, panu mo napasagot si mama ? Ano yung mga ginawa mong effort sa kanya nun ? Seryoso kung tanung.
Bakit may nililigawan ka ba ? Bata ka pa, pag aaral muna. Ayusin mo grades mo. Sagot sakin.
Pa, yung babae na gusto ko ngang ligawan yong inspirasyon ko. Pamimilit ko.
Sige, basta huwag mong pababayaan ang pag aaral ha ? Sabi ni papa at umupo sa tabi ko.
Andito kami sa terrace nagpapahangin. Hahaha !
Oo Pa. Magkwento ka sakin Pa. Sabi ko, gusto ko talagang makakuha ng ideya.
Nung panahon namin hindi pa uso ang cellphone nun kaya kapag may napupusuan ka talaga kailangang puntahan mo sa kanilang bahay. Sa pamamagitan ng sulat ko pinahayag ang damdamin ko sa mama mo.
Lahat ng babae gustong bibibigyan ng sulat kasi mas may effort yun kaysa sa mga text text lang sa cellphone ngayon. At saka usong uso nun ang harana pero ngayon wala ng gumagawa kasi makabago na ang panahon. Kaya ikaw kung gusto mong manligaw sa bahay mo puntahan hindi yong kung saan saan mo lang liligawan. Kwento ni Papa.
Pero Pa, yong nagugustuhan kung babae kakaiba. Sabi ko habang umiiling.
Anong ibig mong sabihing kakaiba ?? napatingin na tanung sakin ni papa.
Binigyan ko ng bulaklak nagalit Papa. Hindi daw siya mahilig sa bulaklak. Sagot ko. Napatawa si Papa.
"May mga babaeng ganyan, pero lahat ng babae may kiliti at kung talagang seryoso ka dun sa nagugustuhan mo alamin mo ang mga gusto niya" Sabi ni papa at tinapik ako sa balikat.
"Sige papasok na ako sa loob. Goodluck sayo!" Sabi ni Papa at pumasok na sa loob.
Napaisip tuloy ako, ano kayang second moves ko ? Nakakabaliw mag isip.
_______________________________________
Jhanna's POV
Hindi ko pa rin makalimutan yong nangyare kanina, weird talaga ni Lex ano ba ang gusto niyang effort ? Pero I am wondering kung sinong nangahas na gumawa nun kay Lex sa pagkakaalam ko wala ng nangahas manligaw kay Lex simula nung may ipahiya siyang manliligaw niya.
Excited na ako sa mga susunod na mangyayare :D hehe. Pero teka nalilibang ata ako kakikwento, bakit antagal magreply ni Alex ?????!! Matawagan nga.
calling Babe..
Bakit antagal mo magreply ha ? Alam mong naghihintay ako ng text mo ! Asan ka ba at parang maingay diyan ?!! Sunod sunod kung tanung pagkasagot nung tawag.
Babe. Sagot lang ni Alex.
Anong Babe, sagutin mo tanung ko! Galit kung sabi dito.
Andito kami sa bahay nina Drew niyaya nila ako sa birthday niya ee. Sagot nito.
Bakit ngayon mo lang sinabi ? Medyo mababa na ang boses ko, inaamin ko medyo maluwag ako kay Alex hindi ko siya sinasakal. Hindi ko siya pinagbabawalan kasi ayokong may masabi siya sakin. Ewan basta.
Pasensiya na Babe. Sige maya nalang ha ?? Sabi nito at pinatay na ang tawag.
Napabuntong hininga nalang ako at inagis ko cp ko sa kama ko.
Nakakaasar lang kasi madalas ng ganyan si Alex hindi naman sa nag iisip ako ng masama pero nakakapag isip talaga. Psh, kinuha ko ulit cp ko at nagmessage nalang ako sa mga bestties ko.

BINABASA MO ANG
ONE LAST MINUTE
Novela JuvenilLIFE IS FULL OF SURPRISES. You must be ready on might be happen. Sometimes the thing that you did'nt expect is the thing that came into your life, it can change your plan and ofcourse this happenings can change you into better or worse. Sabi nga ni...