The Meeting

12 2 0
                                        

OLM-The Meeting

Araw-araw pagkakadating ko sa classroom laging may bulaklak sa desk ko! Ano ako patay at araw araw may bulaklak ! Nabwibwisit na ako sa nagpapadala nun, sayang lang ang pera niya kasi tinatapon ko lang naman sa basurahan.

Lex, lalim ng iniisip mo! Untag sakin ni Jhanna.

Nasa canteen kami break time namin, at kanina may nagpadala na naman ng bulaklak at tulad ng mga nauna tinapon ko lang sa basurahan.

Ha ? Bakit? Tanung ko. Out of the world ako ee. haha !

Nilalaro mo lang yang spaghetti oh! Panay lang ang ikot ng tinidor mo. Puna ni Jhanna

Iniisip ko lang kung sino yung nagpapadala ng bulaklak sakin. Sagot ko at uminum ng softdrinks.

Oo nga, nung Monday meron din. Sabi ni Aleah na nag iisip rin.

Tapos nung Tuesday sulat. Sabi naman ni Cris.

At nitong nakaraang mga araw flowers hanggang ngayon. Sabi naman ni Jhanna, nagpalipat lipat ang tingin ko dun sa tatlo.

Naiisip mo ba nag naiisip ko ? TAnung ni Cris kay Aleah. Tumango naman ito.

Ee ikaw naiisip mo ba nag naiisip ko ? Tanung naman ni Aleah kay Jhanna at tumango rin itong isa.

Tumingin sakin si Jhanna, "ee, ikaw Lex naiisip mo ba ang naiisip namin ? "Tanung sakin ito tumango naman ako. Parang mga baliw lang.

Talaga?! Sabay sabay na tanung nung tatlo at tumango ako.

"Alam mo ba na ang iniisip namin ay .. " Sabi ni Jhanna at nagtinginan pa yong tatlo at sabay sabAy na nagsalita. "SERYOSO TALAGA SAYO YONG ADMIRER MO!" Sigaw ng mga ito.

Mga gaga mahiya kayo hinaan niyo yang boses niyo! Saway ko sa mga ito.

Napatingin ang mga ito sa paligid namin at nakita nilang pinagtitinginan kami.

Nahihiyang yumuko sila at saka bumulong "Promise girl seryoso sayo yun"

Mga baliw hindi yun ang iniisip ko, pano ko kaya malalaman kung sino yun? Tanung ko sa mga ito.

Alam ko na, diba tumawag siya sayo nun nung unang beses siyang magbigay ng bulaklak sayo. Sabi ni Cris.

Oo nga no ? Sabi ko at kaagad kung kinuha ang cp ko at tiningnan ang call logs. "Gotcha! I found it" Sabi ko na nakaevil smile.

Anong gagawin mo ? Tanung ni Aleah sakin.

Basta, samahan niyo ako mamaya ha ? Sabi ko sa mga ito at napahimig tuloy ako ng walang sa oras.

Promise mo wala kang gagawing kalukuhan ha ? Naniniguradong tanung ni Jhanna. Tumango ako. Dali ka sakin ngayon, hahahaha ! Sa isip isip ko.

______________________________________

Nathan's POV

Pare , sandali ! Ano ba kasing gagawin natin dun ? Sigaw sakin ni Kevin.

Tumakbo kasi ako papunta ng Science Garden, pagdating ko dun walang tao. Binasa ko ulit yong text sakin ni Samantha " Kung talagang matapang ka then show your face ! Meet me in Science Garden at exactly 4:30pm. Don't be late or else.." Tiningnan ko ang oras 4:25 pa lang pala.

Pare ano bang gagawin natin dito ? Humihingal na tanung ni Harold.

Basta, hintay lang. Sagot ko. Naupo muna kami dun sa upuang semento dun para maghintay, maya maya lang biglang may nagsalitang babae.

Kumabog ang puso ko kasi familiar yong boses, napatayo kami para tingnan.

Hindi ko alam ang gagawin nung makita ko ng harapan si Samantha, wala siyang expression na nakatingin samin.

ONE LAST MINUTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon