GL 7:

22.1K 781 36
                                    

#UNEDITED

It will not be as long as TLL or TPS, baka magulat kayo Epilogue na...

...



GL 7:

Devon's been following his little girl, patingin tingin lamang sa malayo habang nasa school ito , naglalaro sa park, naggogrocery o namamasyal kasama ang mommy nito. Kinakain niya na ang mga sinabi niya noon kay Argon. Hindi niya na nga mapanindigan na hanggang tingin na lamang dito. His daughter is surrounded by American boys. Binubully ng mga ito ang kanyang anak, and he can't let that happen!

Kaya naman inilang hakbang niya ang distansya niya sa mga ito.

"What's up boys." He called with a deathglare. Lumingon naman ang mga ito at sabay na nagsipalunukan. He really had that effect, mapa bata man o matanda.

"What!" naglakas ng loob ang isa doon na sumagot sa kanya. Nilingon niya ang kanyang anak na nababakasan ng takot sa mukha.

Don't worry little girl, papa's here.

Lumapit siya sa batang nagtatapang tapangan, umatras naman ang mag ito. He just want to teach them a little lesson.

"You know what, touch this little girl again and I will break all your neck, got it?" hindi pa siya nakakabilang ng tatlo ay nag sialisan na ang mga ito. Hinarap naman ang kanyang anak, naupo siya para maglevel sila ng tingin.

Namamangha itong nakatingin sa kanya, ganoon din siya dito. Now he see her face clearly. His little girl is beautiful indeed, she has this cute little pink lips and rosy cheeks, maganda din ang alon alon nitong buhok. He only admired long haired women in bed, pero sa nakikita sa anak, iba na ang kanyang naging pananaw dito.

"Thank you Mr.? " she was asking him his name so that she can proper address him, sasabihin niya ba? Soon maybe, but not now.

"How can you be so pretty?" ngumiti naman ito sa kanyang papuri, hindi niya namalayan na lumabas din yun sa kanyang bibig. Argon will surely laugh so hard at this. Buti na lamang talaga wala ito.

"Thank you po, My mother is pretty too." Proud pa na sabi nito. He knows that, ngumiti na lamang siya sa sinabi nito. Mukha yatang naiilang na ito sa pagtitingin niya.

"Mr. Do I have a dirt on my face?" takang tanong nito, mabilis naman siyang umiling.

"Hindi. You just look like an angel."

"Ah!Filipino!You know Filipino." Tuwang tuwa naman ito na narinig na nagtagalog siya.

"Yes, Pinoy din ako." Masigla niyang sagot dito. May sasabihin sana ito kaya lamang may narinig silang tumawag dito. He knew that voice, yung kasama nito sa bahay na Marcy ang pangalan, mabilis na nagpaalam sa kanya ang kanyang anak.

Sayang napakaikli. Nakatalikod pa rin siya ng bigla itong bumalik. Nagulat siya ng may labi na dumampi sa kanyang pisngi.

Nilingon niya ang nakangiting si Henny sa kanyang gilid.

"Thanks for saving me again." Saka ito umalis.

And he was sure he just heard angels singing.

Hindi lang siya makukuntento sa patingin tingin at hawak lang. Ngayon at nakausap niya na ang anak, he wanted more.

Tama si Argon.

Tama ang gagong si Argon.

Now he's doomed.

...

"Eunice, sabihan mo yang anak mo, nakita ko siyang nakikipag usap sa isang lalaki kanina." Pangaral ni Marcy pagkapasok nito sa bahay. Ito kasi ang sumundo kay Henny sa school dahil meron siyang client call.

Bumaling naman sya sa kanyang anak.

"Mommy, mabait siya. He save me from the bullies." Pagtatanggol ng kanyang anak, now she's curious.

"Tell me more about it." Baling niya sa anak. Ayaw naman niya manghusga, gusto niya muna malaman ang side ng anak. Alam niyang nag-aalala lamang si Marcy sa kanila. She need not to worry, matalino naman ang kanyang anak.

"Pinaligiran ako ng bullies kanina, tapos dumating si Mr. Superman."

"Mr. Superman?" natatawa naman siya sa name na binigay ng anak.

"Yes, because he forgot to mention his name and he was my hero that's why i will call him superman."

"Okey."

"He told them, You know what, touch this little girl again and I will break all your neck, got it? " tumawa pa ang kanyang anak, napakunot naman ang kanyang noo.

"What he said was bad, he threaten those kids." Sagot niya sa anak na nginusuan nito.

"But they were bad."

"I know, promise me next time that don't go near those kids again"

"Promise!" tinaas pa nito ang kanang kamay. And she wanted her daughter to promise her one more thing.

"What is that."

"Don't go near that man again." Hindi niya maiwasan na mag-alala, may iba siyang nararamdaman doon. Ayaw niya nga lamang masyadong intindihin ang ideyang iyon.

Tumango lamang ang anak, hindi niya maiwasan na mabahala.

...

"How did you react?" curious na tanong ni Argon, wala naman syang ibang mapagsasabihan maliban dito.

"What else then? I was dumbfounded, out of words." Humagalpak naman ito sa kanyang sinabi. Binato niya ito ng hawak na beer in can, buti at maagap naman nito iyong nasalo.

"Si Demony0ng Devon ay natatameme sa harapan ng kanyang anak. Bro, you got infected by a father disease." Tinanggap niya na lamang ang lahat ng sasabihin nito. Alam niyang mayroong nagbago nang hinalikan siya ng kanyang anak sa pisngi. A part of him was born again...a good side of him maybe?

He really wants more time with his daughter. And that's a mission.

"So what your're plan now that you're not contented looking a far?"

Umupo siya ng maayos at pinagdaop ang kanyang kamay, kanina niya pa ito iniisip at wala ng makapag babago noon.

"I'll show up and pretend to be Dion."

"What the fuck!" laglag ang panga ni Argon sa narinig mula sa kanya. "You're crazy dude!" Nakatingin lamang sa kanya si Argon, siya naman ay ganoon din. He is reading what's on his mind, every single details of it, ganoon nila kakilala ang isa't-isa.

"Magpapanggap kang si Dion habang pinagkakanulo si Devon , tama ba?"

"Exactly." He said a matter of fact.

"Baliw ka na bro." Sabi nito habang inisang tungga ang alak na iniinom.

No one can stop him, maging ang kanyang inutil na kakambal o ang kanyang madilim na katauhan. Kayang kaya niyang sirain si Devon, ang kanyang sarili para maging anghel sa harapan ng anak.

He can do that.

He will surely do that.

...

Guilty Love (TLL Side Story ) / completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon