A/N: last two....
***
GL 21:
"Pasensya ka na kay Henny." hinging paumanhin ni Eunice para sa anak. Kinuha muna ito ni Morena para makapag –usap sila ng maayos ni Dion.
"Wala yun. Nakasama niya na si Devon kaya siguro nasabi niya na hindi kami magkamukha." Pinipilit ngumiti ni Dion, pero alam ni Eunice na disappointed ito sa malamig na turing ng kanyang anak.
"Yung mga panahon na naaksidente ako, bakit hindi ka agad nagpakita sa akin? Sana noon pa nalaman ko na." Mahirap alalahanin ang nakaraan, pero sa pag-uusap nila ng kaibigan ay hindi maiwasang hindi iyon mabuksan.
"Mahigpit ang seguridad mo noon, isa pa nag-away kami ni Devon, isang malalang away.Wala siyang pakealam sa ginawa niya, ni hindi ko siya nakitaan ng pag-alala ng maaksidente ka. I hate him even more, pero kasi si Devon may malalim siyang galit sa amin ni mommy, iniwan namin siya noon ni mommy sa piling ni daddy. Ako lamang ang isinama, magkasundo kami noong mga bata pero binalot siya ng galit dahil doon. Kung pwede lang na isama siya ni mommy , ginawa namin, kaya lang, ako nga hirap na hirap niya ng buhayin, kami pa kayang dalawa? Doon nanggagaling ang galit niya saka sinasaktan siya ni daddy mula pagkabata." Biglang naalala ni Eunice ang bakat ng mga peklat sa katawan ni Devon lalo na sa likod nito. "kaya lumaki siyang masamang tao. Our dad was so hard on him." Nakatingin lamang siya kay Dion, hindi pa rin talaga ito nagbabago, mabait pa rin at maunawain, habang tinitignan niya ay nagsisisi siya. Nawala ang mata nito para maibigay sa kanya.
"Sorry Dion, ako ang dahilan kung bakit nawalan ka ng paningin. Hindi mo dapat ginawa yun, hindi mo dapat binigay ang mga mata mo sa akin? Paano ka na? Nahihirapan ka ng ganito dahil sa akin." Ginagap niya ang kamay nito, nakaupo ito sa rocking chair, habang siya naman ay nakaluhod paharap dito.
"Don't be sorry Eunice, ginawa ko yun dahil mahal na mahal kita. Kahit nasa malayo ka noon, patuloy akong nakabantay sa inyong mag-ina. " Hinawakan ng kamay nito ang kanyang mukha. This is really Dion, the sweet and caring Dion. Seeing him in this state makes her heart aches. Wala itong ginawa kung hindi ang mahalin siya, pero hindi niya magawang suklian ang pag-ibig nito sa paraang gusto nito, magpa hanggang ngayon.
"Dion."
"Hindi mo kailangan suklian, kahit kailan hindi kita pinilit na suklian, ginawa ko ang bagay na ito dahil gusto kong mapasaya kayong mag-ina. Mahalaga kayong parehas sa akin." He smile sweetly, reasssuring her that everything's alright.
"Pasensya na po sa abala, Ms. Eunice, hinahanap po kayo ng anak nyo, hindi ko na po kasi siya mapatahan." Nag-alalalang boses ni Morena ang nagpahinto sa kanila. Nagpaalam sya kay Dion para puntahan si Henny na nasa cabilang cabin. Nilingon niya naman si Morena na agad dinaluhan si Dion. Maalaga ito at mabuti, kung pahihintulutan, mas magiging masaya si Dion kung bibigyan niya ng pagkakataon na makita ang mga bagay bagay sa ibang paraaan, kahit na hindi gumamit ng paningin.
Pagpasok niya sa kwarto ay iyak agad ni Henny ang bumungad sa kanya, nandoon ito sa sulok habang mahigpit na yakap ang teddybear nito.
"Sweetie?" malambing na tawag niya dito. Pinahid nito ang luha at humarap sa kanya. "Anong problema?"
"Malayo na ba ito sa America? Hindi na ba talaga tayo babalik doon?" sunod sunod na tanong nito.
"Mas mabuti kung nandito tayo, saka maganda dito, magugustuhan mo, saka dito marami kang magiging kalaro." Pag eencourage niya sa anak. Wala pa man ay na hohomesick na ito. Hindi naman ito sumagot pero tumigil na sa pag –iyak. Gusto niya na dito muna sila manatili na mag-ina, gusto niya na maging close si Henny at Dion, mabait ang huli kaya hindi malabo na hindi ito magustuhan ni Henny. Yun nga lamang napapansin niya na may hinahanap na iba ang kanyang anak.
"He is plotting againts your brother." Sabi ni Argon sa kanya matapos nilang pasundan ang kanyang tito Frank. "Frank's men are after your brother, Hindi na ikaw dahil tinalikuran mo ang negosyo,hindi niya ito mahawakan until het get rid of your brother."
Devon should not worry about that, tinulikuran niya ang ilegal na negosyo ng kanyang ama, binigay kay Dion sa araw at sa gusto nito. May malubhang sakit ang kanilang ama, marahil kapalit ng mga maling nagawa nito. Ito ang dahilan kung bakit isinalin na sa pangalan ni Dion ang mga pag-aari. Wala siyang pakealam doon, hindi siya naghahabol.
Hindi na sana siya makikialam kung hindi lamang kasama nito ang kanyang mag-ina. Mapahamak ang kanyang mag-ina dahil plano ng kanilang kalaban na patayin si Dion, kapag nawala nga ito , mapapunta sa kanyang Tito Frank ang pangangalaga sa kanilang mga negosyo.
"He is still your brother, forget your hate Devon, hindi niya kasalanan na siya ang isinama." Patuloy ni Argon habang nalulunod siya sa malalim na pag-iisip. Kung hindi dahil dito, hindi niya makikilala si Eunice, hindi mangyayari si Henny at hindi siya magnanais na magbabago.
"What will you do?" tanong sa kanya ni Argon. Umiwas siya kina Eunice dahil na rin sa pakiusap nito, pero ngayong kasama ito ni Dion na siyang target ng kalaban ay magkukrus muli ang landas nila. Kuntento na sana siyang magmahal sa malayo, pero ang pagkakataon talaga ay pilit silang inilalapit.
***
"Papa?" hindi alam ni Devon kung maiiyak siya o ano, hindi niya ibig magpakita sa anak, gusto niya lamang panoorin ito habang natutulog,gaya ng nakasanayan kaya lamang ay nagising ito. He still can't forget that hate in her face. Nakaupo siya sa kama nito, dito sa cabin na binigay ni Dion. Hiwalay ang tuluyan ng kanyang mag-ina.
"Don't worry, aalis din ako. I just want to see you." Patayo na siya ng pinigilan ng kamay nito, pag lingon niya ay umiiyak na ito.
"Papa, wag ka munang umalis." Nagmamakaawa ito. Tumayo ito mabilis na yumakap sa kanya, umiiyak ito sa kanyang leeg pero tahimik lang. Siya din ay napaluha sa naging salubong nito sa kanya. He really misses his daughter and he is eager to protect her more. Ito rin ang dahil kung bakit pumunta sila ni Argon dito sa resort ni Dion. Frank is just around the corner at mapapahamak ang kanyang mag-ina at kapatid. Si Dion ay walang kaalam alam sa ganitong bagay dahil sa kondisyon nito, kahit pa may mga body guard pa ito.
"Angel stop crying." He hush her to stop, kahit siya din ay may bara sa kanyang lalamunan. He too is crying. Mabilis naman pinahid ng anak ang luha, nakaupo ito sa kanyang lap.
"I should stop crying right, baka magising si mommy, tapos paalisin ka niya ulit. Hindi na ulit kita makikita." Mugto pa rin ang mata nito na nakatingala sa kanya.
"I won't leave , I"m just around." Sabi niya dito.
"Papa, Hindi mo naman sasaktan ulit sa mommy ko? You should say sorry to her para hindi na siya masyadong magalit." Nagsusumamo ang boses nito. Henny's just an ordinary girl who wants a perfect family. Pero malabo niyang maibigan yun, he can love her unconditionally that's all that he can give.
"No baby. Nagisisi na ako. I am willing to do everything for your mommy to forgive me. Can you forgive me too?" muli siyang niyakap nito sa leeg ng napakahigpit.
Hindi na nito kailangan magsalita.
He can feel it.
Tagos.
Now he is fully determine to be on the right track and he will protect this family at all cost.
...

BINABASA MO ANG
Guilty Love (TLL Side Story ) / completed
General FictionThe Law Of Love Side Story "What you did was unforgivable, but what you gave made my life meaningful..." Cover by :black_PhoenixXD