Epilogue : Guilty in love

42.7K 1.2K 200
                                    


A/N: stories end because it is destined to end...it will not extend because of reads and request...hanggang dito lang po talaga ang Guilty Love. My project sa aking tambay month, well it's time to seriously look for a job. Nakakasawa na din ang tambay.

Maraming salamat sa sumuporta kay EunDev.

Hate me or Love me that's your choice.

***

EPILOGUE : GUILTY  IN LOVE

...

"Bagong buhay na." Tinguan ni Devon ang police officer na nag-abot sa kanya ng release papers. Kinuha niya iyon at nagpasalamat dito, muli niyang nilingon ang lugar na tinuring niyang tahanan sa loob ng kulang sa sampung taon.

"Kosa, wag mo kaming kakalimutan!" pahabol sa kanya ng mga nagiging kasama niya, kinawayan niya ang mga ito.

"Tayo na." Yakag sa kanya ng kanyang police escort, sumunod na siya dito. Ngayong lalabas siya ay nakakaramdam siya ng ibang kasiyan. Ang itim na bag ay nakapasan sa kanyang kanng balikat, suot niya ang maong na kupas na, saka puting tee shirt na hapit sa kanyang katawan. Hindi niya na kailangang mag ehersisyo dahil banat ang kanilang katawan sa loob. Marami silang mga aktibidades na nagpapawala ng kanilang inip at pangungulila sa pamilya.

Pamilya.

"Attorney Romualdez." Kinamayan niya ang abogado na tumulong sa kanyang paglaya. Isa ito sa mga anak ng mga Romualdez na tumulong kay Eunice, hindi naman siya umasa na tutulungan siya ng mga ito. Pero magaling nga ito, nagawa nitong ipababa sa sampung taon ang kanyang hatol. Kung tutuusin handa na nga siyang magpakabulok sa loob. Bayad niya ito sa mga kasamaan na nagawa nya, lalong lalo na ang kay Eunice. Noong gabi na nakidnap ito at si Dion, wala siyang nasa isip kung hindi ang mailigtas ito, di bale na siya ang mamatay, basta makaalis lamang ito dahil may anak sila na naghihintay, sandali pa lang naman siya na nakasama ni Henny, kaya magiging madali para sa anak kung siya ang mawawala, mahirap kung si Eunice ang mawawala. Kaya naman, ginawa niya ang lahat para makakuha ng oras para makarating si Argon. Pinrotektahan niya si Eunice hanggang sa kanyang huling hininga.

"You're finally free." Bati nito sa kanya at tinapik siya sa balikat, hindi man halata ay malaki ang pasasalamat niya dito. Sabay na silang lumabas ng bilangguan. "What's your plan?" tanong nito. Ang totoo,wala pa siyang konkretong plano, basta ang gusto niya lang gawin ay surpresahin ang kanyang anak, Henny's is sixteen. Time flies so fast.

"I'll be good." Galing yun sa puso. Hindi na siya muli babalik sa loob ngayon at may pagkakataon na siyang magbago. Ang mga negosyo nila ay wala na, pati ang mga ari arian nila. Pati ang mga na ipundar niya sa malinis na paraan ay nawala na rin. Mag-uumpisa talaga siya sa wala, pero hindi naman nya kailangang maging mayaman para maging masaya, iyon ang bagay na natutunan niya sa loob. Iyon ang mahalagang bagay na nawlaa sa kanya kaya siya naligaw sa madilim na landas.

"I guess we will part from here, got a date with my wife. " nakangiting paalam ng kanyang abogado. He is stiff and arrogant, pero kapag nababanggit ang tungkol sa asawa ay parang atomatiko na nangingiti ito. He wants a love like that, pero imposible na.

"Okay , salamat Attorney."

"Just Ron, hindi ka na rin iba." Tumango naman siya dito, sumakay na ito sa sasakyan leaving him alone. Ngayon saan siya pupunta? He forgot to ask a little casd from him, nakuha na ng kanyang mga kakosa ang pera niya at ibang gamit.

Papalakad na sana siya ng marinig sa kanyang likuran.

"At saan mo naman balak pumunta?" lumingon siya agad sa mayabang na nagtanong na iyon. There stand Argon in his three piece suit, mukhang tao at kagalang galang!

Guilty Love (TLL Side Story ) / completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon