Teachers

125 14 6
                                    

Happy Teachers Day nga pala.

Tanong ko lang, bakit may bayad ang mga eskwelahan kahit public? Galing ako sa private school at nagshift sa public. Chos, nagshift? Haha. 'kay, so, eto nga.. BAKIT MAY TUITON FEE ang PUBLIC? EDI BA SABI, LIBRE? Dahil Government yun? Eh bakit? Para sa mga sweldo ng mga guro na minsan nananakit ng mga estudyante? Para sa mga activities ng school? Bakit? Bakit? Bakit?

--

Eto po problema ko sa ibang guro, yung iba na super kung makapagbigay ng projects? I hate projects pa naman! Nakakatamad gawin! Tapos, yung magpapass ka na, hindi tatanggapin dahil mali daw, at hindi ka sumusunod sa instructions? Cheeze on her butt! Demanding lang eh noh? Tapos, they'll say pa na, we know your hardships, sufferings, blahblahblah, dahil naging students din kami. So ganun? Parang revenge na nila yung pagbibigay ng sobrang gawain sa mga bata? Eh times two naman yung binibigay nila based on their experiences! So, times two yung nasasalo ng mga students! So kung isa ka sa mga students na ganun, tapos, magteteacher ka, times three na ibibigay mo? Galing ah! Habang umiikot ang mundo, lalong tumataas ang experience revenge to the highest power! So.. yeah, yun na lang.

--

Yung iba rin na, walang pakialam sa tinuturo nila? MAGTIGIL KA. Wag ka nalang magturo kung wala ka namang PASSION sa ginagawa mo. Sinasayang lang kase ang oras ng mga estudyanteng nagpapakahirap mag-aral. Ano? Pumapasok lang sa school, magpupunch in lang, magchecheck lang ng attendance para sa sweldo? Ang babaw naman. Ang (sorry) cheap naman.

--

Yung iba naman na, sobra pa sa lesson ang chinichika.. Hindi po THE RYZZA MAE SHOW!~ yung classroom. Oo. Minsan masaya silang teacher dahil inuubos nila oras sa pagtuturo thru chika at nakakapagrelax tayo sa mga gawain dahil sa kadaldalan ng guro. Pero nakakainis din kasi minsan eh! Yung pinagsasabi kase nung iba, tungkol na sa life nila, eh hindi naman tayo interesado. Tapos, yung iba (based on experience ng mga kaklase ko before) pinagmamalaki na merong ganto, may ganyan..blahblah. Echos pa ma'am! Wala namang interesado! Eat your words. Sana tinuruan niya nalang ang mga estudyante kesa sa pagmamalaki niya.

--

Eto rin eh, nakakabwiset na mga guro. Whether private o public. Pero mas nakakabwiset yung public teachers minsan eh. Shock na schock nga ako dahil sa easy lang mga lessons nila, SHEMAY! Kahit matataas scores mo, binabagsak ka nila! Tama ba yun? Eto pa, demanding sila! Tapos, kurakot pa! Eto pa rin, share ko sa inyo.. inutusan ako ni Mdm (tawagin nalang natin sa pangalang Dugong) okay so, inutusan ako ni Dugong na ipasok ang mga charts nya sa loob ng room namin at ipost yung huli niyang binigay sakin. Tapos, eto namang classmate kong epal, kinuha niya sakin yun at pinost sa board. Ayun, nakaupo na ako. Tapos, pumasok na si Dugong sa room namin. Akalain mo? Nasa pintuan palang siya, sinigawan niya ako? Eto sinigaw niya oh, "HOY! BOBO! HINDI YAN ANG SINABI KONG IDIKIT MO SA BOARD! YUNG ISA! TANGA! ALISIN NGA YAN! ANG BOBO NAMAN!" BWISET BWISET BWISET. Oo. Natatandaan ko parin yung sinabi niya sakin kahit 2nd year pa ako nun, 2 years ago yun. Pinilit ko pa ngang sabihin na, "hindi mam, si classmate yung nagdikit nyan hindi ako" tapos, hindi siya nakinig, sinabi niya lang na, "TSK, ANG BOBO TALAGA" Tae niya. Siya ang bobo. Hindi marunong makinig. Napakasakit kaya nun sakin! First time ko kayang sigawan at ipahiya sa loob ng classroom sa harap ng mga kaklase! Bwiset yun! Nailabas ko nga lang lahat ng galit at hinanakit ko nung natapos na klase niya. Mabuti naman at kampi sakin mga classmates ko. Ang GANDA ko kaya, tapos, transferee pa, tapos, MUKHANG DUGONG yung mukha at katawan nung guro na yun! Oh, san ka kaya kakampi? Bwiset  na bwiset talaga ako nun! Kahit isa ako sa apat na nakapasa sa first grading ng subject niya na AP, bahala siya, matalino naman talaga ako. Karma nalang bahala sa kanya. Bwiset.

--

Don't get me wrong. I respect TEACHERS. 'Cuz if they're not here, we wouldn't have some knowledge. It's just that, some of them are really annoying & they're hittin' my nerves! Dahil yung iba, porket mas matanda at porque teacher, sinasamantala nila yung titulo na yun. Minsan nga nawawala na respeto nila sa mga bata kaya nawawalan narin ng respeto ang mga bata sa KANILA. To earn respect is to give respect. Respeto din pag may time para respetuhin ka.

--

Kung may na offend man sa pinagsasabi..wait..pinagsusulat ko, basahin mo yung nasa 1st post ko. Yung BEWARE. Tapos, mag-comment ka nalang dyan sa baba ng opinyon mo. Dahil pawang opinyon ko lang naman ang sinusulat ko rito. Salamat. KEEP IT COOL cuz I LOVE ANIME.

KEEP IT COOLWhere stories live. Discover now