Hindi ko na yata kaya, guys!
Seryoso, habang binaback-read ko 'tong rant chuchu na 'to, natatawa talaga ako sa sarili ko. Hindi ko kasi inakalang makakapagsulat ako ng mga gantong klaseng rant. Alam niyo na, hindi Filipino ang mother tongue ko pero sa mga previous posts ko, ang daming curse! Daig ko pa yata ang batang taga Manila eh. lol.
Pero eto talaga ang problema ko, makakaya ko pa kayang magsulat o makakaya ko pa kayang tapusin ang mga kwento kong halos isang taon nang naka-tengga? Pahingi naman ng konting push diyan mga dabarkads! Push niyo ko hanggang sa matapos ko na ang lahat na nandito para naman makahinga na ako ng maluwag.
Makailang ulit ko nang pinag-iisipan kung itutuloy ko pa ba ang pagsusulat pero enebe! Sayang yung mga nagawa ko dito, diba? Alam ng pamilya ko na nagsusulat ako sa Wattpad pero hindi nila alam kung anong mga kalokohan ang nandito kaya hindi ko shine-share sa kanila ang mga troubles ko dito, chos.
ANO BA NAIINIS TALAGA AKO SA SARILI KO. UGH.
Anyway, maliligo na ako, magsisimba pa ako sa Sto. Nino kasama ang ate ko. Ipagdadasal ko nalang ang mga problema ko at malay natin, may milagro!
Viva Senyor Santo Nino! Viva Pit Senyor!
PS
Sept. 13, 2014 ang last update ko nito haha. K bye!
mwah mwah tsup tsup