Sinulog CHAOS 2015

38 1 0
                                    

Kahapon, ginunita ng Cebu City ang fiesta ng Senior Santo Nino.

May ikukwento na naman ako. Makinig kaㅡI mean, magbasa ka.

Tanghali na akong nakaalis nga bahay kasama ang ate tsaka pinsan kong bata. Yes, sanay na kami sa mahaba-habang lakaran t'wing Sinulog pero nakakapagod parin kaya. Ang layo kasi eh. Di ko matantsa kung ilang kilometro yun. Mahina ako dun hahaha fakk.

Napadpad kami sa Imus road yata yun or what basta maluwag kasi yung lugar na yun. Ang ganda na sana ng pwesto namin kasi kitang-kita at nasa harapan pa talaga namin yung mga contingents. Dun na kami kumuha ng mga litrato.

Mga bandang 3pm, nagtext ang uncle namin at pinapapunta niya kami sa may harapan ng simbahan ng Iglesia Ni Cristo. So ayun, naglakad na naman kami ng pagkalayo-layo. Nasa Ramos street na kami tapos dumaan kami sa Raintree Mall para mag-shortcut. Nakalabas na kami ng mall at ang bumungad samin ay ang di mabilang na mga tao.

Nakipag-siksikan kami para makadaan syempre. Nung halis di na umuusad ang crowd, nainis na talaga ako. Kasi naman may 8 y.o na bata kaming kasama tapos wala pa silang tigil sa pagtutulakan. Yung katabi pa namin, panay sigaw ng "prititiiit! pit senyor! whoooh!" sabay shot ng ewan ko kung anong liquor yun basta. Mga teenagers pa. College students galing sa mga magagandang school at syempre hindi mawawala ang mga social climbers.

Sobrang dikit na dikit na yung mga katawan naming lahat tapos nagawa pa nilang tumagay? Alam ko they were not in their right thinking kasi nga lasing na sila pero duh. Marami na rin ang nagrereklamo na tigilan na ang pagtutulakan tapos may mga sumisigaw na dahil di na sila makahinga mga ganun. Buti nalang yung dalawang kasama nung lalakeng uminom kanina ay nasa medyo mabuting pag-iisip pa. Pinadaan nila kami at pumasok sa Mango Times Square kung saan may napakaraming party na nagaganap while kumakain ang mga tao.

"Sana umiyak ka nun!" sabi ng ate ko sa batang babae na pinsan naming si Carter.

"Hindi ako naiiyak eh. Mamaya nalang" sagot naman niya.

Humanap kami ng iba pang escape routes, chos pero wala kaming madadaanan. Kaya naman lumabas nalang kami sa kabilang side at nakipagsapalaran na naman sa mga tao. Mabuti nalang at nakatawid kami papuntang left side ng main road kung saan sumasayaw ang mga contingents.

Dumaan naman kami sa may Fooda tapos akala namin na maluwag yung daanan na iyon, yun pala hindi. Sa gitna kasi ng daan, may sasakyan na sobrang lakas ng tugtog at pibapalibutan iyon ng mga kabataan na nagpa-parteyyy habang inuulan ng mga colored powder at tubig. Sana nga dinala ko yung watergun ko para tinira ko sila sa kanilang mga mata, kainis. Party pooper na kung ganun basta naiinis ako.

Nagulat ako ng sobra-sobra nung narinig kong umiyak ng pagkalakas-lakas itong pinsan kong si Carter. Grabe lang talaga, sobrang lakas! Kaya kinabahan na ako tsaka yung ate ko kasi akala namin nahihirapan na siyang huminga or whatever kaya nataranta kami at dun na sumiklab ang pagiging calm na warfreak ko. Ano daw? Basta.

Hinawakan ko sa dibdib ang pinsan ko at naglakad ako ng patagilid. Gets mo ba? Imbes na nakaharap kami at magpadala sa flow ng mga tao, tumagilid kami. Ganun. Yung ate ko naman nasa likuran namin at pinagsasabihan ang mga tao na tigil-tigilan na ang pagtutulakan. Syempre, naging officer yun nung Criminology yung course niya, nagshift nga lang to Animation.

Okay so, patuloy lang na umiiyak si Carter at sumisigaw narin ako. Hindi iisa ang flow ng crowd kasi nga may nakikibangga. Galing sa ibang lane, ganun. lol. "Yung bata naiipit na! Pisti!" sigaw ko sa kung sino man yung nakikita ko. Kahit na mga gwapo yung mga sinisigawan ko, wapakels me kasi nga nabubwiset na talaga ako.

Oo, yung konsensiya ko nakikipag-usap sakin. Sabi niya, syet andaming gwapo, sayang lang kasi walang laman yung mga utak. Nagagawa ko pa yun in the middle of chaos. Grabe diba?

Nung may mga malalaking lalake na sa harapan ko, grabe bumilib ako sa sarili ko! Nagawa ko silang banggain at lagpasan? Mula nun, dire-diretso ko nang binabangga ang mga taong humaharang sakin. Nakatagilid parin syempre kaya nga we went out smoothly with my cousin eh. Yung ate ko naman nakasunod lang samin.

Nung nakalabas na kami at nasa harapan na kami ng isang simbahan na hindi namin alam, napanga-nga ako. Yung mga tao in this generation, grabe! Nagtatagay, naghaharutan at kung ano pa sa harap ng simbahan!

"Okay yung acting ko noh?" sabi ni Carter habanh pinapahid yung luha niya.

I know naman na kahit dinaan niya yun sa joke, alam kong totoo yung hiyaw niya. Sobra kasi yung iyak niya eh. Yung nakaka-kaba talaga, ganun. Habang naglalakad kami, may lalakeng nakabitbit ng FREE HUG na sign. Natawa ako sa kanya pero nagulat nalang ako nung bigla siyang humarap sakin at akmang yayakapin ako pero buti nalang at nakailag ako kundi.. mamamatay ako! Ambabaho na kaya ng mga tao tapos lasing pa ang mga lecheng yun na puno ng pintura ang mga mukha hanggang katawan!

Mga 6pm na kaming nakaalis at naglakad na naman ng pagkalayo-layo. Tapos nainis pa kami dahil nagtext na naman yung uncle namin at sa ibang lugar nalang daw magkikita. Yung kung saan din kami nagpark ng sasakyan nung Sinulog last year. Buti at natandaan ko pa kung san yun. Sa may Ayala pa naman, yung Cebu Business Park, andami pa namang tao dahil sa fireworks na inaabangan ng lahat.

So mga tatlong oras kami nagtagal sa daan. Kaya ayoko sa crowd e. Ang dami talagang kabulastugan!

Really, this year's Sinulog Festival is so different than before. Calm lang naman kasi kami eh pero kapag sobrang napupuno na, sumasabog na ng bongga. Kaya ikaw na nagbabasa, wag mo akong gina-gago, kasi sobra pa sa pangga-gago mo ang isusukli ko. Okay? Okay.

May pahabol pa pala. Yung lesson na natutunan ko that day? Wag maging loser. Okay lang naman maging party pooper eh basta tama ka. Fight for your right! Fight to the left! Okay bye na talaga, lol.

01.19.15

KEEP IT COOLOnde histórias criam vida. Descubra agora