Naiinis ako

116 7 10
                                    

So yeah, basically, generally, actually, NAIINIS NGA AKO. Ewan ko lang kung bakit pero naiinis talaga ako.

Sa sarili ko? Hmm.. parang. Eh kasi andami kong ginagawang story tapos 'pag napublish ko na, 'di ko na kayang tapusin! Kung pwede pa ngang humingi ng writing spirit kay Jonaxx, matagal ko nang ginawa! Ang sipag mag-update kaya nga isa siya sa iniidolo ko eh.

Alam mo yung feeling na kapag may nakita ka lang bagay tapos may nag-pop na plot or idea sa utak mo tapos gusto mong gawan ng storya? Urgh! Nakakainis lang kasi eh! Wala na yata akong kontrol sa sarili kong utak! Nabubwisit nadin ako sa sarili ko!

Sino magaling mag-advice diyan? O kaya buksan niyo ang utak ko at lagyan ito ng kasipagan? Feeling ko na kasi ang proud ko sa sarili ko dahil madaming nagawang story. Pero yung totoo? Nakakahiya. Nakakahiya kasi hindi ko matapos-tapos.

Naiinis ako sa sarili ko dahil ang tamad ko! Kapag may connection, ayun, 24 hours nakatunganga sa tablet. Kapag wala naman, nakatunganga parin sa tab at tinititigan ang Wattpad Library.

Tamad akong magbasa ng tagalog stories na hindi pa tapos kaya nga minsan hindi ko nababasa yung mga gawa ng ka-RT ko eh. Sa RT din pala, pasensya talaga ha, medyo gaga lang talaga ako and I accept it.

Isa pa, nainis din ako sa isang english story kasi akala ko completed na pero hindi pa pala. Bwisit. Ayan, napamura talaga ako. Yung ayaw ko pa naman sa lahat ay yung nabibitin ako kaya nga go na go ako sa mga completed works eh.

Pero sa katunayan, nagbabasa din ako ng ongoing tagalog works. Tulad nalang nung mga gawa ni Hanjhanjbeybe na MCFSR at MIL and owwSIC's Bayaran. Dahil narin sa nahook ako at nagandahan ako sa mga gawa nila kaya nga napagtiyagaan ko ang matagalang updates.

Unfair man ako pero ganyan ako eh. Hindi na yun magbabago pwera nalang kung mabundol ako ng taxi sabay untog ng ulo at magkakaroon ng amnesia.

Minsan nga rin parang ayoko nang mag-Wattpad. Nakakabagot narin kasi pero napag-isipan ko ang mga ginawa kong kalokohan dito. Ayaw ko pa silang pakawalan. Gusto ko pang magsulat pero kailangan na kailangan ko talagang imanage ang time ko.

Sa mga authors diyan na ayaw ng mga SILENT READERS, pasensya na dahil isa ako sa kanila. Wala masyadong signal at connection eh, masisisi niyo ba ako? Pasalamat na nga lang kayo at may nagbabasa pa sa stories niyo. Wala akong pinatatamaan dahil nadadala lang ako sa inis ng sarili. Ipagpaumanhin. Chos.

KEEP IT COOLWhere stories live. Discover now