I've been thinking.. okay lang naman magrally about sa 'scrap the pork barell' pero, wag naman sana sunod sunod. Oo, sabi nila ika-lima na na rally tungkol dun and that just means na hindi raw nakikinig ang administration sa kanila. Oo. Sabi ni Pnoy na "KAYO ANG BOSS KO." alam naman natin yun. Pero sana naman, nagka-crisis lang sa Zamboanga oh, dadagdagan pa ba ang problema ni Pnoy? I admit. I am so not a fan of Noynoy. Ewan ko pero hindi ko lang feel. Pero kung tayo man ang nasa posisyon niya, hindi rin ba sasabog ulo niyo sa dinami-daming problema ng ating bansa? Sure naman ako na napapansin ni Pnoy yung mga rally, kaso may mas importante pang dapat asikasuhin. Pero ako nga rin, sinasabi sa sarili ko na "nakakabwisit tong Pilipinas. Sana hindi nalang ako Pinoy. Ang bo-bobo!" eto pa nga, "ang feeling ni Pnoy! Ba't hindi siya nagpapakita sa public? O.a din siya ha, dahil walang asawa, mga sikat or nasa industriya naman type niya. Ano, inuuna niya rin sasakyan nya? Epal. Ibigay niya nalang kaya sakin posisyon niya" Oo. Sinasabi ko yan. Pero hindi ibig sabihin lahat bobo. Pinoy ako. Oo. Minsan inaunderestimate ko ang mga kababayan ko. Pero alam ko namang magagaling tayo eh. Kaso minsan kasi, ang iba, hindi ginagamit ng maayos ang kanilang mga utak. Ewan ko. Pinapairal rin nila ang katangahan. Ahh basta. Yun na. Baka awayin niyo ako tungkol dito. Opinion ko lang naman po ito. No hard feelings dahil I LOVE KOBE PARAS.
--
Eto pa, yung mga nagpapaalis sa mga skwater. Where will they live naman? Kung nagkaron lang sana ng lugar na exclusive for homeless tapos, may mga bahay o kwarto kwarto dun para naman may matitirhan sila, edi walang skwater! Parang imposible ano? Pero pwede naman yun.. pakonti-konti lang..gamit sana yung 10 BILLION na ninakaw ni JANET NAPOLES. Oh, di ba? Pwede naman? No hard feelings ulit. KEEP IT COOL cuz I LOVE ZAC EFRON (naman)
--
Bwiset yung CRUSH VIDEOS na yun! Sipasipain ba ang mga aso o hayop? Bwiset! Hampasin ko kaya mga mukha nila! Nakakainis! Wala na akong masabi. Nabubwiset na ako.
--
Baliw. Gawin ba namang ANTING-ANTING ANG MGA BUTO NG PATAY NA TAO? Sige, try ko ngang bumili, hindi ba ako mumultuhin ng nagmamay-ari ng buto. Nakakadiri yun! Oo, minsan sinasabi nila na yun lang magagawa nilang kabuhayan para makakain ang pamilya nila. Lahat naman tayo naghihirap eh. Kaso, pati ba naman patay pagtitripan mong ikabuhayan? Laslas dre, laslas.
--
Okay, so.. ang COOL lang nung nagresign using a video. Tapos, nag respond naman yung co-workers nya at boss niya thru video din. Pero feeling ko..ewan, feeling ko lang..parang na-offend yung babaeng nag-resign. EWAN. FEELING KO LANG NAMAN YUN.
--
Kung may na offend man sa pinagsasabi..wait..pinagsusulat ko, basahin mo yung nasa 1st post ko. Tapos, mag-comment ka nalang dyan sa baba ng opinyon mo. Dahil pawang opinyon ko lang naman ang sinusulat ko rito. Salamat. KEEP IT COOL cuz I'M AWESOME.