CHAPTER 5 - Missed.

43K 563 50
                                    

=Kath’s POV=

Andito na ko sa harap ng pinto ng kapitbahay namen. Ngayon lang ako nagkatime makipagkilala eh. Sorry naman. Haha.

DOORBELL!!!


Pagkapindot ko niyan, may naririnig akong tawang palapit sa pinto. At pagbukas niya isang lalaki ang humarap sakin. Ang lalaking panigurado kilala niyo na.

“Chachee??”  Ngayon ko na lang ulit narinig yan. Hindi ko alam kung kikiligin ako eh. What is air???? Gosh. Ganito ba talaga kaliit ang mundo?

“Daniel??”

“Anung ginagawa mo dito?” Tanong niya sakin.

“Ikaw? Bat ka andito??“ Magtatanungan na lang ba tayo. Haha.

“Wow naman, wag mong sabihing sinundan mo ko dito from our taping. Para lang makausap ako?? Dito kaya kami nakatira.” Tsss. Pero oo nga noh, hindi ko pala talaga siya kinausap after ng guesting. Nagmamadali ako eh. Bat ba.

“Tsss. Medyo lumakas ata hangin. Nafeel mo ba?” sabi ko sa kanya, yabang eh.

=DJ’s POV=

“Tsss. Medyo lumakas ata hangin. Nafeel mo ba?” Nako wrong move ata ako. Mali ata nasabi ko, hindi ko rin kasi alam una kong sasabihin sa kanya eh. Yun una kong naisip.

“Seryoso mo naman masyado. Joke lang noh. Halika pasok ka muna.” Pag-aya ko sa kanya. Buti pumayag siya.

“Ngayon na lang ulit ako nakapasok dito sa bahay na to. Balita ko may multo daw dito eh.” Huwaaaat!!! Kung hindi niyo lang po alam eh, sobrang matatakutin ako. Naphobia nung highschool.

.FLASHBACK. (Highschool prank)

“Natatakot na ko, sino ba anjan? Palabasin niyo na ko dito!!” Pano, kinulong nila ko sa isang room dito sa school. E gabi na.

“Awwooooooo.” Naririnig ko sa labas ng kwarto. Kinakabahan ako.

“Tulong!! Buksan niyo na tong pintooo!!” pagmamakaawa ko sa kanila.

“Jan ka lang nerd!! Mamaya lalabas na ang mga kaluluwa. Pakisabi na lang hi.” Sabi ng isang bully, tapos narinig ko silang nagtakbuhan palayo.

“Huy!! Maawa kayo! Palabasin niyo na ko dito!!” Sigaw ko. Pero wala ng sumasagot sakin. Lumalamig na ang paligid. May naririnig akong footsteps. Nakakatakot. Dahan dahan mukhang palapit sa dito sa kwarto. Naririnig kong parang ginagalaw ang doorknob. Bumukas ang pinto may sinag ng babae. Natakot ako kaya tumungo na lang ako at umiyak. Lumalapit siya sakin.

“Please po. Takot po talaga ko sa multo. Alis na po kayo.” Kinakausap ko habang nakatungo baka sakaling umalis.

Another Chance just for Love? (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon