CHAPTER 50 - Let go.

28.5K 379 133
                                    

=Kath’s POV=

Siyempre nagkabati na kami ng baby ko. Hindi naman namin matitiis ang isa’t isa eh. Pero umalis din siya kanina agad nung tinawagan siya ng Papa niya. I asked him kung ano bang pinag-usapan nila pero nagmadali siya paalis eh. Babalik na lang daw siya mamaya. Naligo na ko at nagbihis. Pababa na ko ngayon para kumain ng breakfast. Andito na ko sa dining kasama si Kuya at si Julia.

“Looks like okay na kayo ah?” Julia.

“Yep, naasar lang talaga ako sa mga sinabi niya.” Ako.

“At umepek naman ang pagpapaulan trick sayo ni DJ? Haha.” Kuya.

“Hahaha. Oo nga eh. Ewan ko ba bat ang hina ko sa mga ganyan. Mahal ko e kaya di ko matiis.”

“CHEEEEESYYYYY!” Sabay na sigaw nung dalawa. Kumain na lang kami, nagtawanan at nagkwentuhan.

=DJ’s POV=

Hi guys, you wondering kung anong napag-usapan naming ni Papa kanina? Alam kong hindi kayo matutuwa, ako kasi hindi rin natuwa eh. Tinanong din ako ni Kath kung ano yun pero di ko pa masabi. Aalamin ko muna kung seryoso si Papa sa sinabi niyang yon. Andito ako sa bahay, waiting for him. Umuwi rin dito si Mama, mukhang seryoso nga sila eh. Ayan finally, dumating na si Papa. Honestly, gusto ko siyang suntukin ngayon kahit alam kong mas malaki siya sakin. Pero ayokong gumawa ng gulo. Andito kami sa sala ngayon. Sinimulan ko na.

“Are you serious about what you said kanina sa phone?” Ako.

“Yes DJ. I’m very serious about that.” Papa. Tumingin ako kay Mama, yumango siya ibig sabihin pumayag siya.

“You really can’t do that to me!!”

“DJ!” Panunuway sakin ni Ate.

“Hindi ako papayag na bumalik na naman sa States at dun manirahan! Hindi ako papayag na iwan ko na naman si Kath!!” Ako. Oo, yun yung itinawag sakin sa phone ni Papa. Bakit? Eto ieexplain niya.

“Alam ko DJ. Pero alam mo din na napakalaki ng kasalanan ko sa inyo at gusto kong bumawi don. Alam kong maayos din ang buhay natin sa States. Pag naging normal na ulit ang lahat tsaka ka na bumalik dito. Aalis na tayo within 3 days.” Papa.

“Hindi ko magets.” Ako.

“Anak, ang gusto ng Daddy mo, magkakasama na ulit tayo as a whole family. Para makabawi sa mga time na wala kami sa tabi niyo. And he promised me na titigilan na niya ang pambababae.” Mama.

“Eh bakit hindi na lang dito sa Pinas? Tsaka isang sem na lang gagraduate na ko. Pano yun?” Ako.

“Bunso, kasi ang business natin nasa States hindi nila pwedeng iwan yon. Tayo na ang kelangan gumawa ng paraan para din sa pamilya natin to. At yung sa pag-aaral mo, hahanap tayo ng school na make-credit ang subjects mo para gagraduate ka pa rin on time.” Ate.

Another Chance just for Love? (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon