CHAPTER 7 - Reminisce.

42K 541 34
                                    

=Kath’s POV=

Andito kami sa tambayan naming dati ni Daniel, nakaupo.

“Sorry Chachee ha.” Sambit niya sakin. At hinawakan niya yung kamay ko. Hindi ako bumitaw. Intertwined fingers. I missed this. I missed everything. Siguro nga, mahal ko pa sya. Pero ganun na lang ba yun? Parang wala lang nangyari? Dapat nga magalit ako sa kanya eh. Ang feelings nga naman. Bigla bigla ka na lang ttraydurin.

“Daniel…” yan lang ang nasabi ko sa kanya.

“Okay lang Kath kung ayaw mo pag-usapan. Hindi ko ipipilit. Smile na. Nakakunot yang noo mo eh. Haha.” Ganun pa rin siya, naiintindihan niya pa rin lahat ng nararamdaman ko. Marunong talaga siya makiramdam. Walang nagbago.

“Hmmmm. Thank you. Tayo ka jan dali.”

“Bakit??”

“Akyat tayo sa puno, just like old times sabi mo. Haha.” Aya ko sa kanya. Dati kasi lagi kami umaakyat dito tapos upo lang sa sanga. Maganda kasi view.

“Anu ka ba Kath, kaya pa ba tayo nyan?” 

“Oo naman. Hindi naman tayo tumaba eh. Kung ayaw mo wag mo. Ako na lang. Jan ka na.” At ayun nga, umakyat ako. Wag kayo mag-alala may lubid na hagdan naman to kaya madali lang umakyat at nakapants naman ako. Andito na ko sa taas. Si Daniel nakatingin lang sakin.

“Akyat ka na pleeasssseee?” pagmamakaawa ko sa kanya.

=DJ’s POV=

“Akyat ka na pleeasssseee?” hay nako. Eto ayoko sa kanya eh. Lagi na lang ako dinadaan sa pleading eyes nya. Woo.

“Sige na. Eto na, aakyat na, move ka ng onti para tabi ulit tayo.” Sabi ko sa kanya. At andito na rin ako sa taas.

“Thank you at pinagbigyan mo ko.” Killer smile pa siya.

“Wala yon, namiss ko din tong puno na to. Look Kath. Remember this??” sabay turo ko dun sa carvings sa puno. Kami gumawa nun eh.

.FLASHBACK.

“Happy First year anniversary DEEJ!” bati niya sakin. Same spot. Dito sa puno. Medyo malaki naman yung sanga kayang kaya kaming dalawa.

“Hindi ako makapaniwala Chachee, tumagal tayo ng ganito.” Yang mga panahon na yan eh, maraming beses na kong naipagtanggol ni Kath. Kaya hindi talaga ko makapaniwala.

“Hay, alam ko na naman yang sasabihin mo. Dahil nerd ka? At ako sikat. Na hindi naman talaga tayo bagay? Na hindi naman ako ikaw nararapat sakin?? Anu ba DEEJ. Tigilan mo na kasi. Tumagal tayo ng ganito kasi mahal kita. Mahal mo ko. Yun ang intindihin mo. Hindi yung iniisip ng iba. Hay..” Medyo naluluha na siya nung sinasabi niya yan.

Another Chance just for Love? (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon