CHAPTER 17 - Lumalablayp lahat.

34.2K 393 25
                                    

=Julia’s POV=

Hi guys, ganda ng gising ko today. May hangover pa ko from our barkada celebration. Iba talaga pag sila kasama. Hinihintay ko lang si Diego babe, sabay kami papasok. Siyempre magkasabay ang nagkabalikang love birds eh. Ayan na may nagdoorbell na.

“Goodmorning babe! Flowers for you!” Ang sweet talaga ng boyfriend ko.

“Hi! Goodmorning. Thank you. Para san to?”

“Huh? Ah wala wala. For a beautiful morning lang.” Diego.

“Alis na tayo?”

“Sige.” Andito na kami sa kotse ngayon. Kanina ang ganda ng bati niya sakin tapos tumahimik bigla si Diego.

“Babe, ok ka lang?” tanong ko sa kanya.

“Ahh, oo naman. Lika na baba na tayo.” Ambilis noh? Nasa school na kami.

“Okay.”

“Sige Julia, una na ko ah. Text na lang kita pag sabay tayo uuwi. Bye!”

“Okay, love you babe.” Tumakbo siya bigla, hindi man lang sumagot sa labyu ko. Weird niya lang. Katamlay tuloy. Hayyy. Palapit na sakin sina Kath at DJ. Mukhang ang saya saya pa. Tawanan pa yung dalawa habang naglalakad eh.

“Goodmorning bes!” Bumeso sakin si Kath.

“Bat parang ang tamlay mo Julia?” DJ.

“Ah, wala lang.” sagot ko.

“C’mon bes, may mali eh. Anu problema? Di naman kami others eh.” Kath.

“Ahh kase, ang weird ng kilos ng kuya mo kanina. Pagsundo niya sakin kanina sa bahay ang ganda pa ng bati niya sakin tapos nung papunta na kami dito naging cold siya bigla. May problem aba siya bes?” tanong k okay Kath.

“Ha? Wala naman siyang nababanggit sakin, wag ka mag-alala kakausapin ko siya mamaya. Tara na sa classroom.” Aya niya. Naglakad na kami, pagdating naming sa classroom naupo na rin kami agad sa upuan at hinintay ang prof.

“Goodmorning class! O bat ang dilim naman.” Nakapatay kasi ilaw. Ganun kami ng mga blockmates ko, mga antukin kasi. E maaga class naming dito.

Anyway, pagbukas ng prof ng ilaw. Ganito mata ko o. O.O pagtingin sa white board. Pagkakita ko ng nakasulat. Inuumpog-umpg ko yung ulo ko sa desk ko. Pero mahina lang naman.

“AYYYIIIIIIEEEEEE!” blockmates.

Another Chance just for Love? (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon