CHAPTER 11 - False Alarm.

38.7K 451 32
                                    

=Still DJ’s POV=


“Nako DJ, hindi na ko magpapaliguy-ligoy pa. Ayoko…” Oh sheeez. What do I say? Parang may tumusok sa dibdib ko, hindi ko na pinatapos yung sinabi ni Tito.

“Tito, I’m sorry po sa nagawa ko kay Kath dati. Pinagsisihan ko na po yun, kaya inayos ko po buhay ko para pagbalik ko, deserving na po ako sa pagmamahal niya. Tito wag ka na po magalit sakin. I promise na gagawin ko po talaga lahat para sa kanya.” Then I looked at Kath, tanaw naman kasi. Tumatawa sila ng mom niya. Habang ako eto. Seryoso.

“Pinrepare mo ba yang speech mo? Haha. Huh? Anong galit? Sino may sabi sayo niyan?” sabi ng Dad ni Kath.

“Sila Papa po, galit daw po kayo sakin.”

“Hahaha. Nakisali din pala sila sa plano. Hahaha. DJ, relax, hindi mo kasi ako pinatapos sa sasabihin ko eh. Ang sasabihin ko lang naman eh, Ayoko sanang gabihin kayo masyado ng anak ko para makapgbonding din kami.” Paliwanag ng dad niya. Ohmyyy, yun lang naman pala sasabihin. That was close.

“Huh? Meaning hindi ka po galit sakin at hindi mo po ko pipigilan manligaw ulit kay Kath?”

“Hindi noh. Alam ko namang hanggang ngayon eh may pagmamahal pa sayo anak ko.” Kinilig ako dun ah. Totoo kaya sinasabi ni tito. Pagtingin ko nga sa kanya, he winked at me eh. Biglang lapit ni Tita at Kath samin.

“HAHAHAHA. Dad! Wag mo ngang sabihin yan, baka maniwala yan at hindi na mag-effort yan sa panliligaw saken. DEEJ, you should see your face nung nag-eexplain ka kay Dad. HAHAHA. Priceless!! ^____^v” pang-aasar pa ni Kath. Mukhang pinlano pa nila yung pananakot sakin.

“Daniel, hindi galit sayo ang tito mo. We planned that. Haha.” Mom ni Kath. Grabe. Lakas lang ng trip nila. Pero kumagat naman ako. Haha. Muntik na kong mamatay sa kaba nun ah.

=Kath’s POV=

.FLASHBACK. (last chapter lang)

“Sige na nga. But first papuntahin mo muna ng maaga dito yan si DJ. Kakausapin ko.” Uh-oh. Seryoso boses ni Dad. Natatakot naman ako. Baka pigilan niya manligaw si DJ ah.

“Ha? Bakit dad?”

“Wag ka mag-alala nak, hindi ko naman siya pipigilan sa panliligaw sayo. I’m just planning to scare him a little bit.” Mga trip nito ni Dad ee.

“Eh dad, baka seryosohin nun at umatras yun. Lagot ka sakin.” Ako pa talaga nanakot kay Daddy eh. Haha.

“Hahaha. Ayaw mo nun para malaman natin kung sincere talaga siya sayo. Tinext ko na din sila Tita Karla mo na loko-lokohin si DJ na kunwari galit ako eh. Sana gawin nila.” Lakas trip talaga.

“Hahaha. Sige sige. I’m with you dad. I’ll text him na. Dad ha!! Wag mo masyado takutin!”

Another Chance just for Love? (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon