CHAPTER 37 - Debut!

29.2K 332 35
                                    


=Mommy Min’s POV=

Hello mga anak, saglit lang POV ni mommy dito. Share ko lang ang thoughts ko about Kath. She’s been a very good daughter ever since we had her. Parehas silang mabait ng kuya niya. Wala kaming reklamo about them. Kath knows how to be a good person. Hindi lang samin pati sa iba. Alam yun ng mga kaibigan niya pati ng mga taong natutulungan niya. Saming magulang niya, she’s very thoughtful. She never missed any of our birthdays at lagging may gift para samin. Wala akong masasabing masama sa kanya. I cant believe she’s already turning 18. Our lovely daughter. Dalaga na.

"Gandang tanghali anak! Happy 18th birthday to our beautiful princess!" Sabay kiss sa cheeks niya.



"Mom and dad! Thanks po. Aga po ah?"



"Anak talaga, kahit kailan ka. Kung hindi ka pa gigisingin eh baka hapon ka pa magising. 12 pm na po." Dad.



=Kath's POV=

"Whatttt!? Eh bakit hindi niyo po ako ginising agad?? Mag-aayos pa po ako." 



"No worries anak, anjan na lahat ng kakailanganin mo sa closet walk in mo. All you have to do is take a bath and relax." Mom.



"Thank you po sa inyo ha. I love you po." I kissed them on the cheeks.



"Gandang tanghali mahal kong mantikang matulog na magandang kapatid!! This is for you!" Si kuya, napakagandang bati sakin ng kuya ko at inabutan ako ng boquet of flowers. Assorted.



"Sweet naman ng kuya ko. Thank you." Ako.



"Of course! Kelangan special ang araw ng kapatid ko. Happy 18th birthday! Dalaga na siya. Weeee!" 


"LOL. Haha. Pero salamat kapatid." 



"Maligo ka na oy, ambaho mo na baka wala pumuntang bisita mo. Haha."



"Ulul. Sige na, mag-ayos na din kayo. I'll take a bath na. Thanks y'all. Lab na lab ko kayo!"

Lumabas na sila at naligo na rin ako. Nakatapos na ko pagligo pero napansin ko hindi pa ko binabati ni DJ. Hayyy. Imposible namang tulog pa yun. Inaayusan na ko ng mga stylists, make-up artist and everyone. While inaayusan, siyempre may videographer for the documentary. I feel so special talaga. Slamat sa kanila. Natapos na akong ayusan, inabot na din ng 5pm. wala pa rin text ang boyfriend ko. Hinayaan ko na lang kesa mabadtrip ako.



"Anak!! Baba na. Baka maghintay ang mga bisita!" Dad.



"Opo anjan na!! Aga pa naman eh." Pero sa totoo lang, binabagalan ko talaga kasi hinihintay kong magtext si DJ, sumilip na nga ako dun sa may kwarto niya, wala pa rin.



"Chandriaaaa!!" Hahaha. Ngayon na lang ulit ako tinawag ni kuya na ganun. Tinatawag niya kong ganun pag inaasar ako.



"Hahaha! Oo anjan na talaga." Ako.



Huling tingin ko sa salamin. I’m wearing a cream gown. Whew! I'm so pretty. Lol! Joke lang po. But I really do feel pretty dahil sa kanila. Bumaba na ko at ang ganda ng sumalubong sakin. I saw the barkada holding a tarpaulin saying happy 18th birthday with my pictures simula nung bata ako. Checking the faces of my barkada. Kumpleto, as in, kasi ang hinihintay ko, andun na pala. Ang gwapo niya syet! Buti na lang akin siya. Hahaha. Lumapit siya sakin at inalalayan ako. He handed another boquet of flowers sakin.

Another Chance just for Love? (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon