Story # 1: Knock knock!!! Who's there? No one? O____O

6K 34 15
                                    

STORY # 1: Knock knock!!! Who's there? No one? O____O

Sobrang busy sa pagkopya ng pointers ang buong klase. Ang klase ni Mr. Bautista. Nasa duli ng room ng building. Bale dead end na talaga. Nasa kabila kasi yung hagdanan.

"Class, huwag masyadong maingay ha? Kumopya ng tahimik." Tumahimik ang buong klase. Takot kasi sila kay Mr. Bautista. Medyo may pagka-terror kasi ito.

tok.. tok... tok.... tok..... tok...... Ang katok ay mula pahina hanggang palakas.

"Ako na class." 

Sino naman ang bastos na estudyante. Walang galang kung kumatok.

Binuksan agad ni Mr.Bautista ang pintuan. Ngunit.....

Wala naman tao.

Tinginan niya ang kaliwa't kanan ng hallway. Pero wala siyang nakitang tao. Wala. As in WALA. 

Isipin niyo na lang kung may nangtitrip na estudyante sa kanya. Ang bilis naman maglaho. Sampung room kada isang floor. Wala talaga siyang maisip kung saan pumunta ang taong kumatok sa kanya.

Pumunta siya sa katabing room. Nagtanong siya teacher don.

"Mrs. Guitterez mayroon bang lumabas na estudyante mo at kumatok sa room namin?"

"Ha? Sir, wait tanong ko lang."

"Class may lumabas ba dito at kumatok sa room nila Mr. Bautista?"

"Wala po."

"Sir wala daw po. Tyaka sir wala akong nakita kong estudyante na lumabas sa pintong yan. Nagpapa-alam sila kung lalabas sila."

"Ehh. Ma'am may bigla kasing kumatok sa kwarto namin ee." Pagkatapos ay kinuwento niya ang lahat ng pangyayari.

"Oh talaga sir! Kung meron mang estudyanteng nangtitrip sa inyo. Makikita niyo siya agad. Wala na syang ibang pwedeng labasan kundi sa kabilang hagdanan. Napaka layo para maabutan niya agad."

"Kaya nga eh. Sige Ma'am balik na ako sa room."

Pagkatpos ng yun. Hindi na inisip ulit ni Mr. Bautista. Baka guni-guni lang ang lahat ng iyon. Pero imposible buong klase ay nakarinig non. Sa totoo lang kinalibutan sya.

"Class basahin niyo ang pahina 99-100. Silent reading please."

Ungaaaa. Ungaaa..... Ungaaa........... Iyak na parang umuungol. 

"Sino yon?"

"Sir hindi po kami naririnig din po namin."

Ngunit, ang lahat ng libro ng estudyante ay nilipad ng hangin at napunta sa pahina 301.

May nakita silang larawan don ng isang babae mukhang pinahirapan. Pinahirapan hanggang mamatay.

Yun ang dahilan ng pagtili ng mga estudyante at sabay sabay silang lumabas ng room.

Inayos ni Sir Bautista ang mga estudyante upang makalabas ito ng maayos.

Ni-report agad ni Mr. Bautista sa principal ang nangyari sa room na iyon.

Kaya simula ng araw na iyon ay walang na nagsubok pang mag-room o pumasok doon.

~~

Note: Base on my classmate's story. Hope you enjoy. Kinakabahan pa nga ako habang kinukwento ko ito. Ako lang kasi mag-isa dito sa loob ng kwarto ee. First time.

xxoo,

SuperIcah

Horror Stories (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon