Missing
~~
I’m a nerd. I’m fat. I’m dark. For short I’m UGLY. I have no friends. Ayaw daw nila sa mga PANGIT na katulad ko. I’m still nice to them kahi lagi nila ako niloloko, inaaway at pinagtitripan. May magagawa pa ba ako? Tyaka hindi ako pumasok sa mamahaling eskwelahan na yun para mangolekta ng kaibigan at makipag-away. 2 years na lang at makaka-alis na ako sa paaralang toh.
Tuwing my spare time ako ang lagi kong tambayan ay sa likod ng school. May punong malago don. Tahimik, sariwa ang hangin at solo ko ang lugar. Kaysa sa canteen nandun ang mga mean girls. Lagi lang nila ako pinagdidiskitahan tuwing nakikita ako. Di ko alam kung bakit. Ayaw ko rin doon maingay at puro ang makikita mo ay mga PDA. Yun ang pinaka-ayaw ko sa lahat ng nakikita ko dito.
Isang hapon. Halos 2 hours kasi ang spare time ko kaya tumambay muna ako. Nagbabasa lang ako ng notes ko noon. May exam kasi mamaya. Napakatahimik ng paligid. Naririnig mo lang yung halamang sumasabay sa ihip ng hangin. Mga ibon na parang kumakanta.
“Hi!”
Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa gilid ko. Di ko kasi akalaing may iba pa palang tao na nagpupunta dito bukod sakin.
Nilingon ko sya. Nakita ko ang isang dalaga na ubod ng ganda. Maputi, balingkinitan, mahaba ang buhok for short isa siyang DIWATA. Peron naka-uniform siya. It means dito sya nag-aaral. Bakit ganon hindi sya familiar?
“Hi.” Alanganin kong sagot sa kanya.
“Leona Perez nga pala. Ikaw si Ela Asuncion diba?”
“Hah? Oo. Paano mo ako nakilala?”
“Naiwan mo kasi yung notebook sa may puno na yan eh.”
Sabay niyang abot sa may notebook ko. Eto yung notebook na hinahanap ko kagabi.
“Salamat ah. Hehe! Importante to saken eh.”
Tumabi sya sakin. “pwede bang makipagkaibigan?” Itong magandang nilalang na toh. Nakikipagkaibigan sa akin? Di naman pala lahat ng magaganda na katulad niya hindi katulad ng mga mean girls. Halos lahata kasi ng kasama sa grupong yun magaganda.
“Hah? Talagang gusto mong makipagkaibigan sa katulad ko.”
“Hehe. Oo naman. Bakit?” Ang hinhin nyang tumawa.
“Wa-wala naman. Hahaha. Sige friends na tayo.” Nag-shakehands kaming dalawa. Ang lambot naman ng kami nya.
May kaibigan na ako. Yehey! :D
Ang dami naming pinag-usapan. 4th year na siya. Graduating na siya. Pero pag tinatanong ko kung anung section siya. Iniiba niya agad yung usapan. Ayaw niya masyadong pinag-uusapan mga personal niya buhay. May nililihim kaya siya. Binalewala ko lang yung mga bagay na yun. Masarap siyang kausap. Hindi ka maboboring. Hindi ko na nga napansin na ilang oras na lang magsisimula na yung klase ko. Kaya nagpaalam na ako sa kanya.
Napansin ko yung kwintas niya. Kaka-iba at ang ganda. Pero parang pamilyar.
Habang naglalakad ako naririnig ko nag-uusap yung mga Mean girls. Hindi ko sinasadyang pakinggan ang usapan nila. Pero na-curios ako ng bigla ko narinig ko yung pangalan na Leona Perez. Eto ang narinig ko.
“Bakit nawawala si Leona? Ano kayang ginawa ni George. natatakot ako sa kanya” Girl 1
“Di kaya pinatay niya ito? Wag naman sana.” Girl 2
“Ohh Shattap. Hindi magagawa ni George yun. away nila yun. wala na tayong kinalaman dun. Tara na nga mukhang hindi na darating si George.” Yun ata yung leader nila.
BINABASA MO ANG
Horror Stories (One Shot)
رعبMula sa malikot na utak ko ngunit ang iba ay may halong kakatotohanan. Hindi man nakakatakot pero salamat pa rin sa pagbabasa.