October 16
Nag-open lang si Tricia sa kanyang FB account. Tinignan niya kung may nag-message.
Hindi nga siya nagkakamali may nag-message sa kanya. Tinignan niya kung sino.
"Si Louie Hernandez. Hmm. Sounds familiar?" Sabi niya sa sarili.
Inopen niya yung message at tinignan kung ano ang nilalaman.
[ Hi Trish. Si Louie toh nong barkada mo nung highschool. Natatandaan mo pa ako? Musta ka na? Lalo kang gumaganda ah! Miss na kita. ]
Nag-reply siya agad dito.
[ Louie Mark Hernandez. Sabi na nga ba eh! Oo naman. Paano naman kita makakalimutan. Ang dami kaya natin pinagsamahan. Eto ayus lang naman. Nagtatrabaho na sa bangko. Sus nangbola ka pa! Ikaw nga yan. BOLERO ka pa rin. HAHA! ]
Sakto habang naka-online si Trish. Biglang online ni Louie. Kaya pinagpatuloy lang nila ang pag-uusap sa chat.
Napatagal at napasarap ang usapan nila. Kailangan na nila magpaalam sa isa't-isa.
[ Uhmm. Wait Trish! Lapit na ng birthday ko ah. Punta ka ah. ]
[ Ay! Oo nga pala. I almost forgot! Sa 18 nga pala yun. Saan ba exact address mo? ]
[ No. Mag-memeet na lang tayo sa SM North sa Strabucks. Doon na lang kita sunduin and others. Okay lang ba sayo yun Trish? ]
[ Sure! What time ba? Mga hapon lang ako pwede eh. Mga 4 uwe ko eh. ]
[ Uhmm. Osige mga 5 pm. Deal? ]
[ Oo naman! Sige. Gotta go Louie! ]
[ Ge Bye Trish! Take Care always :D ]
[ Same to you Louie. :) ]
[ Trish Fernandez is offline. ]
[ Louie Hernandez is offline. ]
~~
December 18. 5:10 pm
Nag-aalala si Trish na dumating sa Starbucks. 10 minutes late na kasi siya. American time kasing tao si Louie.
Hinanap niya sa paligid si Louie pero hindi niya ito makita. Siguro na-late din siya. Sabi niya sa sarili.
May nakabangga siyang lalaki. Pamilyar ang mukha nito. Parang nakita na niya ito somewhere pero hindi na niya maalala.
"Sorry Mi-"
"Borge?"
"Trish?"
Sabay nilang sabi.
Nagulat nilang sabi sa isa't-isa. Niyaya ni Borge si Trish umupo sa isang mga bakanteng table.
Nagkamustahan at nagka-kwentuhan na rin sila. Napunta sila sa usapang lubos na ikinagulat ni Trish.
"Ano nga pala pakay mo dito Trish at mukhang may hinahanap ka ata?"
"Hinahanap ko si Louie. Yung kabarkada din natin nung Highschool. Birthday niya kasi ngayon. Pupunta ka ba?"
Biglang nasamid si Borge at nanglaki ang mga mata nito.
"Trish, are you kidding me?"
"No. Naka-chat niya pa nga ako kagabe. Sinisiguradong pupunta ako sa birthday niya. Bakit parang nagulat ka?"
"What the. He died 3 days ago! Na-carnapped ang sasakyan at pinatay. Are you okay Trish? Nagbibiro ka ba?" Seryosong sabi nito.
Nanindig ang mga balihibo niya sa buong katawan. Nagulat at hindi siya makapaniwala sa mga naririnig nya.
"W-why would I? Bakit... ako mag-jjoke ng mga bagay na ganun. I'm... so serious Borge. No, baka ikaw ang nagbibiro." Nabubulol na sabi ni Trish.
"Want proof? Come with me."
Agad siyang sumama kay Borge. Kailangan niya ng kompirmasyon sa mga tanong sa isip niya.
Hanggang walang kompirmasyon. HINDI SIYA MANINIWALA!
~~
Sa labas pa lang ng bahay na pinuntahan nila ni Borge. May nakita siyang itim na tela.
Naiiyak at konting kaba nang nakita niya ang larawan ng kaibigang si Louie sa itim na tela.
Jerome Hernandez
1988-2011
May narinig siyang tinig na parang bumubulong kanang tenga niya.
"I love you Trish." Pamilyar ang tinig na iyon. Parang tinig ni Louie.
Tuluyan ng tumaas ang mga bilihibo nya sa mga batok. Lalo siyang kinalibutan.
"Ahm. Ikaw ba si Tricia Hernandez?" Tinig ng isang matanda. Kahawig ng matanda ang kaibigan niya.
"O-opo. Bakit ho?"
"Kamukha mo kasi yung picture na laging pinapakita sakin ni Louie. May ibibigay akong letter sayo."
May binigay siyang letter sa'kin. Agad niyang binasa ito.
Ang nakalagay sa sulat ay
.
.
.
.
.
Dear Tricia Fernandez,
Thank God I already found you.
Ang hirap mong hanapin ah? Hehe. Anyways, hindi yun ang punto ng sulat na toh. Read further please. ^_____^
Alam kong baka hindi mo magustuhan ang sasabihan ko.
Pero I wait almost 10 years para lang masabi toh.
Natatako kasi akong masira ang ating pagkakaibigan.
Mas lalong mahirap sakin yun.
Mas gusto ko pang itago ang nararamdaman ko kaysa mawala ang pagkakaibigan natin.
Pero sa tingin ko ito na ang tamang panahon para sabihin ito.
'I love you Trish. Since we were high school. I can't stop myself feelings anymore. The same feelings ten years ago. Nothing Change. I still love you. I still love you more. I love you so much Trish. Will you be my GIRL? And soon to be my bride. Please say yes!"
PS: Torpe pa rin ako. Sorry Trish. Pero I promise. Sasabihin ko ito. Personally and formally with feelings. Just smile! And I'll start.
Louie Hernandez :]
~~
Napangiti ng mapait at umiiyak ng tahimik si Trish.
Niyakap siya ng nanay nito.
Sinayang nila ang mahigit sampung taon.
Parehas lang pala nila mahal ang isa't-isa.
Takot ang namayani sa kanilang dalawa.
Sayang ang naudlot nilang pagmamahal.
BINABASA MO ANG
Horror Stories (One Shot)
KorkuMula sa malikot na utak ko ngunit ang iba ay may halong kakatotohanan. Hindi man nakakatakot pero salamat pa rin sa pagbabasa.