Na-promote sa isang mataas na posisyon ang ama ni Haydie. Kaya napagpasyahan nang mag-asawa na lumipat sa isang malaking bahay. Kaysa sa buwanang pagbabayad ng apartment.
Mura at malaki pa ang bahay na nakita ni Julio sa isang dyaryo. Kaya hindi na sya nagdalawang isip na bilhin yun. Sayang at baka makuha pa ng iba.
Pagkatapos ng isang linggo ay lumipat na sila. Medyo may pagkaluma ang style na nakakadagdag sa kagandahan ng bahay.
Isang gabi tahimik na natutulog ang pamilyang Perez. Nagising bigla ang kanilang katulong upang kunin ang mga labadang damit sa labas ng kanilang bahay. Sayang din yun. Baka mamasa-masa na lang yun kaya nagpasya na isilong na lang nya.
Napagpasyahan nyang tignan ang kanyang alaga sa kwarto niya. Baka kasi nakalimutan nyang isarado ang bintana sa kwarto ng alaga.
Papalapit pa lang sya sa kwarto ng alaga ay may narinig na syang mahinang tawanang at usapan ng dalawang bata. Bigla syang tinaasan ng balahibo sa batok. Sino naman ang magiging katawanan at kausap nang kanyang alaga na si Haydie.. Nag-iisa lamang siya. At nang iwan niya ang alaga ay tulog na tulog na ito. Papalapit na papalapit sya sa kawarto ay papalakas ng papalakas ang tawanan ng usapan. Sobrang pangkikilabot ang nararamdaman nya. Nasa harapan na sya ng pintuan pero biglang nawala ang mga tawanan at usapan. Pero imposibleng guni-guni niya lang yun IMPOSIBLE! Mas malinaw pa sa tubig ng batis ang narinig nyang mga tawanan at usapan nang dalawang bata. Inipon nya ang lahat ng lakas na loob meron sya para buksan ang pintuan sa kwarto ng alaga. Pagkabukas niya ng kwarto. Payapang payapa ang buong paligid ng kwarto. Nang lapatin nya ang alaga mahimbing itong natutulog. Kinumutan nya ang alaga dahil medyo nakababa ang kumot nito.
May napansin syang MANIKA sa gilid ng alaga. Hindi ito pamilyar sa kanya. Ngayon nya lang ito nakita. Saan nanggaling ang manikang iyon?
Binalewala na lang niya ito. Naisip nya na lang na baka kabibigay lang ng Mommy o kaya ng Daddy niya.
Pero hindi mawala sa isipan nya ang mga nakakahinala at nakakapangkilabot na narinig nya kanina? Guni-guni lang kaya ang mga narinig nya o MAY IBANG BATANG NAKATIRA SA KWARTONG YUN?
Kinaumagahan ay naikwento ng kanilang katulong sa kanyang amo na si Celina ina ni Haydie ang mga nangyari kagabi. Nung una ayaw niyang maniwala pero nang itanong niya ito sa anak niya nagulat siya sagot nito.
"Anak, may new friend ka ba?"
"Opo si Julia. Nakatira po sya sa kwarto ko. Mabait po siya. Lagi nya nga po ako pinapahiram ng manika nya eh." Pinakita nang bata ang hawak niyang manika.
Nagulat siya sagot ng anak. Di maaring nagsisinunangaling ang kanyang anak. Dahil anim na taon pa lang siya at walang kamuang-muang. Ni minsan hindi pa nagagawa ng bata magsinungaling.
"Anak diba sabi ko wag makikipag-usap sa mga taong hindi mo kilala? Hmmm. Diba?"
"Mommy bata rin naman po sya. Naglalaro lang po kami. Tyaka mabait po sya. Gusto niyo po sya makilala?" Hindi nya alam kung bakit ganon magsalita ang anak niya. Kinikilabutan sya sa mga naririnig ng mga anak niya.
Naisip na lamang nya na bata ito at baka nagiging malawak lamang ang imahinasyon ng anak niya.
"Anak, umiwas ka muna sa kanya ha? Dahil hindi pa natin sya lubos na kilala ha?" Pinagsabihan lamang niya ang anak niya.
Nag-isip muna ang anak niya bago sumagot. "Opo Mommy."
Umalis na ang anak niya sa harap nila.
"Mam, nababagabag na po ako."
"Wag kang mag-alala."
Pagkadating ng asawa ay agad nyang ikinuwento ang mga nangyari sa kanilang anak.
"Hindi kaya...
May sakit ang anak natin?"
"Meo naman eh. Walang sakit ang anak natin. Wag ka ngang magsalita ng ganyan. S-sadyang malawak lang imahinasyon ng anak natin."
"Di ko alam maaring NAGMANA SIYA sayo sa sobrang kalikutan ng imahinasyon. Hahahahaha." Sabay yakap at kiliti sa asawa.
Nagkulitan at naglambingan lang sila na parang mga teengagers.
Bago matulog pinagpasyahan ng mag-asawa tignan ang kanilang ang anak sa kanyang kwarto.
Imbis na batang mahimbig na natutulog ang nadatnan nila. Isang kagimbal-gimbal at kaharasan ang nakita nila.
Halos himatayin si Celina sa nakita sa kwarto ng anak. Napasigaw siya at agad naman napapunta ang yaya sa kawarto ni Haydie.
Naglawa ang dugo sa kwarto ng anak niya.
At ang kanyang anak ay duguan ang buong kamay hanggang braso habang hawak-hawak ang isang kutsilyo.
Halos masusuka ang yaya nang makita ang alagang aso ni Haydie na halos labas ang buong bituka at iba pang lamang loob nito.
Ang ama lamang ni Haydie ang naglakas loob na pumasok sa kwarto at lapitan ang anak.
Seryoso ang mukha ng kanyang anak at halata sa mukha niya ang pagkagulat.
"Baby! What have you done?"
"Julia command me to do this. Daddy I'm scared." Sabay turo sa manikang nasa tabi niya.
Kahit maraming dugo ang bumabalot sa anak ay niyakap pa rin niya ito para ma-comfort ang anak kahit papa-ano.
"Why you follow her baby. You know it's wrong."
"I know Daddy. But he might kill us. He might kill you and mommy and yaya. I dont wanna lose someone" Nagsimula ng umiyak ang kaawang-awang bata.
Dinala niya ang anak sa cr para paliguan. Sumunod naman si Celina sa cr. Habang si Yaya naman ay pinipit linisin ang patay na aso kahit nasusuka na sya.
Nag-decide ang mag-asawa patingnan ang anak sa spesyalista sa pag-iisip. Ayon sa pagsusuri ang kanila anak naman ay NORMAL. Normal ang pag-iisip at ang kilos.
"Doc, sa tingin niyo bakit nagawa ng anak ko yun?"
"Alam kong napalaki niyo ng mabuti ang anak niyo at wala na ako maisip na iba pang rason para gawin yun. Kundi sa isa, maaring may nag-uutos sa kanya. Baka ginawa lang nya yun dahil sa takot na pag hindi nya ginawa yun ay baka may mangyaring masama. Blockmail for short."
Hindi na nya kinuwento ang mga nangyari sa kanyang anak kagabi. Alam naman nyang hindi maniniwala ito sa kanya.
Kaya napilitan silang umalis sa nakakatakot na bahay na yun kahit wala pa silang isang linggo.
Nang papa-alis na sila may lumapit sa kanyang isang matanda.
"Buti na lang umalis na kayo sa bahay na yan."
"Hah? Ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong ni Romeo sa matanda.
"May namatay kasing pamilya dyan 15 years ago. Ang pamilyang Cruz minasaccre ang buong pamilya dahil sa alitan ng pera." Nagulat siya sa mga rebelasyong narinig.
"M-may bata po bang namatay dyan?"
"Oo. Kaiisang anak na babae nila Mr. and Mrs.Cruz isa rin sya sa walang awang pinatay."
"P-po? Pati bata. Tsk. Eh, alam niyo po ba toh?" Nilabas nya ang manikang laging dala ni Haydie. Ang manikang yun ang sinasabing bigay sa kanya ng di umano'y kaibigan nya.
Nanglaki ang mata ng matanda na ilabas nya ang isang manika sa blackbag dapat ay itatapon na nya yun.
"Y-yan yung manikang laging dala ni Julia. B-bakit niyo dala? B-bakit na sa inyo?" Gulat na sabi ng matanda.
"May nagbigay daw po sa anak ko."
"Ano? Hindi maari dahil SINAMA YAN SA LIBINGAN NI JULIA. Kaya IMPOSIBLENG NANDITO YAN."
BINABASA MO ANG
Horror Stories (One Shot)
HorrorMula sa malikot na utak ko ngunit ang iba ay may halong kakatotohanan. Hindi man nakakatakot pero salamat pa rin sa pagbabasa.