Story # 8: Eyeball

1.8K 24 8
                                    

Tama bang suwayin natin ang magulang natin?

Hindi sila gagawa nang mga bagay na nakakasama satin.

Lahat ng yun ay para sa ikakabuti ng mga anak nila.

__

"Dre, sali ka sa clan namin. Masaya dito." Niyaya ni Aya ang kaibigan nyang si Winnie sa clan nila.

"Ha? Ano yung clan?" Wala syang alam sa clan-clan dahil hindi naman sya palagamit ng CP at ngayon lang sya binigyan ng mga magulang nyang ng CP.

Siya si Winnie Galvez. A highschool student. Candidate for HONORS. Maganda, mabait at masunuring anak.

"Hmm. Basta marami kang mahahanap na kaibigan dito. BF din. Haha!"

"Nyii. Di ako naghahanap ng BF. Sigih sali ako. Tutal summer naman naiinip ako." Reply niya sa kaibigan niya. Naisip nyang. "Wala naman sigurong masama don. Text lang naman eh. Para may maka-text ako. Konti lang kasi nasa contacts ko eh." 

"Osige. May papasa ako form. Fill-up mo lang yun ah. Tas pasa mo sa founder. Haha! Gwapo yung founder natin. Hihihi. "

"Ang landi mo talaga. Sigeh."

Finill-up nya agad yung form. At pinasa sa founder.

Nung una wala pa siyang masyadong close. Nahihiya kasi sya. Minsanan lang din sya mag-gm. Di katulad ng kaibigan nyang si Aya. Laging laman ng inbox niya.

Ang pangalan ng founder nila ay Jonathan Cruz. 18 years old sya. Gwapo at kahawig ni Xian Lim. Maraming nagkakagusto sa kanya sa clan nila.

Minsan piniem ni Nathan si Winnie. Napapansin nya kasing hindi sya masyadong active at Walang masyadong close.

"Hi Winnie ^_^"

"Hello po."

"Ok ka naman ba sa clan?"

"Ayus lang naman po."

"Marami ka na bang ka-close?"

"Eh meron po. Kaso kaunti lang. Pero ayus lang po. Medyo mahiyain lang po talaga ako."

"Ah. Sus. Hehehe. Nadagdagan na mga ka-close mo."

"Hah? Sino po?"

"Ako. Friends na tayo ah."

"Sure po. :)"

Simula ng araw na yun ay lagi na nagkaka-usap ang dalawa. Hanggang sa tawag. 

Nai-issue na nga na mayroong something sa kanila. Pero lagi nyang tintanggi yun. 

Lagi kasi nila minemention ni Nath si Winnie sa gm. At nagka-ft na rin sila.

Laging sweet sa kanya si Nath. Para bang nagbibigay ng motibo.

Pero binabalewala lang niya yun. Inisip nyang baka ganon lang sya makitungo sa mga kaibigan nya.

>> Guyss and Girlss Magkaka-GEB (Grand EyeBall) Everyone must be attend. Sana lahat makapunta. Minsanan lang toh mangyari eh. Gusto ko rin makita kayo sa personal.

Kaya sana makapunta kayong lahat. Lalo ka na Winnie. Sabi mo kasi eh hindi ka makakapunta. Sana magkaroon ka ng way.

Founder-Nathan <<

Nagulat si Winnie nang nakita nyang minention sya. Sa una pa lang kasi nagpaplano ang officers ng clan. Niyaya na siya ni Nath. Pero agad syang tumanggi. Alam niya kasing hindi sya papayagan. Tyaka naisip nyang hindi kaya delikado.

Horror Stories (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon