PAST AND PRESENT
CHAPTER 25KIAN MATTIEU POV:
"A-Aalis na k-kayo?" tanong ko sakanila. Nakita ko pagkalabas ko ng kwarto ko sina Adam and Yssa na bitbit ang kanilang maleta.
"Yes—aalis na kami, Kian." Sabi sa akin ni Adam, tumingin naman ako kay Yssa na nakayuko lang ang kanyang ulo. Does she have a problem?
"P-Pero hindi pa t-tapos yung photoshoot" sabi ko sakanila, pero hindi si Yssa ang sumagot kundi si Adam.
"She's not feeling well—at kailangan na talaga namin umuwi ng manila today. I am very sorry kung hindi pa tapos—pero aalis na talaga kami ngayon" at naglakad na sila papalayo hanggang sa mawala sila sa paningin ko. Napapikit nalang ako,darn—I am frustrated. Kagabi si Miley—then ngayon si Yssa. Ano ba ang nangyayari sa buhay ko ngayon?
"Anong ginagawa mo dito, Sir Kian?" napatigil ako sa pag-iisip nang may nagsalita sa harapan ko. Sophie.
"S-Sophie..." ngumiti siya sa akin, " mukhang aalis na si Yssa, anong binabalak mo ngayon?" napakunot ang nuo ko. What the—anong sinasabi niya?
"Alam kong naguguluhan ka ngayon. I saw what happened between you and Miss Miley last night—at alam ko rin na si Yssa ang tinutukoy mo na Elyssa." Napanganga ako, "I-Ibig sabihin..." tumango siya
"Yeah—alam ko. Her mother hired me being her personal assistant at alam ko rin ang relasyon niyo noon, noong nakaalala pa si Yssa."
"Yssa also heard what happened last night, and I am sure—some memories triggered her mind—kaya aalis sila ngayon ni Adam. Knowing Yssa, palaging tumatakbo 'yun pag may problema siya" She's right. Ganoon din ang nangyari noong nagtapat ako kay Yssa ng pagmamahal ko sakanya 2 years ago—tumakbo siya papalayo sa akin—at ang resulta, naaksidente siya at nawala ang alaala niya.
"Kaya kung ako sayo Sir Kian—hahabulin ko siya at sasabihin ko na ang totoong nararamdaman ko bago pa mahuli ang lahat" and she left me standing alone in the hallway.
Napaisip ako ng mabuti—she's also right—kailangan ko ng sabihin kay Yssa ang lahat, bago pa siya mawala sa akin ulit. Ayoko ng maulit ang nakaraan. Gusto ko ng makasama si Yssa. I love Yssa.
Bago pa ako maglakad para habulin sina Yssa, nagvibrate ang phone ko. Ang phone na ibinigay sa akin ni Arlyka noong umalis siya. It's been years—pero hindi ko pa 'to naiitatapon. Napakunot ang nuo ko habang binuksan ang text na galing sa isang unknown number. Sino naman nakakaalam ng number na 'to? S-Si A-Arlyka b-ba 'to? It's possible.
I opened the message, at tama nga ang hinala ko. It's Arlyka—pero bakit?
"What if you knew that everything is a lie? What would you do? Run away like her or love her much more? Choose before you chase her – Your old bestfriend"
What the hell—anong ibig niyang sabihin? Nilibot ko ang paningin ko, wala naman tao sa paligid ko. Paano niya nalaman na hahabulin ko si Yssa ngayon? Nandito ba siya sa pinas? Pero isa lang ang nakita ng paningin ko.
What if you knew that everything is a lie?
What 'lie' was she talking about?
Goddamn it. Naguguluhan ako lalo, hindi ko alam ang gagawin ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Past and Present
Teen Fiction❝ Forget all the pain. Love me like the way you love me the most before ❞- Kian Mattieu ❝ I want to mend your broken heart, and I can be your rebound all the time. I don't want you to be hurt again, so please love me like the way you love him. ❞...