Chapter 23

1.8K 47 0
                                    

PAST AND PRESENT
CHAPTER 23

YSSA RAMIREZ POV:

"Tinawagan ka ni Zane?" tanong sa akin ni Zexter, tumango naman ako

"So—ano ang sabi niya sayo?" tanong niya ulit sa akin—ano ba ang sasabihin ko? I need an alibi

"A-ah—nangangamusta lang siya—alam mo naman siya, dalawang taon na diba noong umalis siya ng bansa—then mabibirthday pa si Johan next week" napatango naman si Zexter, sigh—I'm sorry Zexter—pero sasabihin ko rin sayo—pero hindi pa sa ngayon, naghahanap pa ako ng tyempo para sa sabihin sayo.

"Nakalimutan ko pala—birthday na pala ni Johan next week. Hindi ba sila uuwi dito?" umiling naman ako—wala pa talagang balak si Arlyka na umuwi ng pinas.

"Ibig sabihin niyan sa Canada na naman sila magc-celebrate" tumango naman ako, tumingin naman siya sa akin, "You think—pwede tayong pumunta sa Canada next week? Before ng birthday ni Johan?" biglang sabi niya sa akin, nanlaki naman ang mga mata ko

"What? Alam mo naman na hindi pa tapos ang modeling ko, Zex" sabi ko sakanya

"I thought—matatapos na this week?" Sigh, mukhang wala na akong laban sa kanya. Matatapos na kasi ang one week na pananatili naming dito sa isla—it means—tapos na an gang trabaho ko at ang photoshoot. Marami na rin ang nangyari—I've been trying my body to stay calm in front of Kian—dahil ang hirap magpanggap na wala akong maalala—then sumingit pa si Miley, ang girlfriend niya na parating buntot ng buntot sakanya, sigh.

Gusto ko na nga sabihin kay Zexter ang lahat lahat—pero iniisip ko na sa manila ko nalang sasabihin para iwas gulo nalang. Dahil pagkatapos nito—maghihiwalay na naman ang landas namin ni Kian—at babalik na sa normal na ang buhay namin lahat.

Me with Zexter—and him with his girlfriend, Miley—Everything will be fine after we go back in manila.

"Okay, okay—ikaw na ang panalo. I'm fine with your plan to go to Canada—pero sabihin mo naman kay Arlyka ang plano mo, baka mabigla siya—you knew that she hates surprises" I told him, he just gave me smile

"Alright, tatawagan ko na si Zane—para sabihin na ang pagpunta natin sa Canada for the birthday of Johan" at kinuha niya ang phone niya sa bulsa niya at iniwan muna ako sa room ko. I heaved out a sigh.

Tumayo ako sa kama at pumunta muna sa balcony ng room—bawat room dito sa hotel ay mayroon balcony.

Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang makita ko sina Kian ang his girlfriend talking outside. Mukhang nag-aaway silang dalawa..? I dunno.

Napakunot ang nuo ko, habang nakatingin sa kanilang dalawa. I also heard their conversation to each other—nagulat naman ako sa pinag-uusapan nilang dalawa.

"Y-You are b-breaking up with me?!" sigaw sa kanya ni Miley, nakatango lang ang ulo ni Kian—What the hell? Breaking up? Ibig sabihin—Kian wants them to break up, huh? Why?

"S-Sorry Miley—pero 'eto ang tamang oras para itigil na natin ang relasyon natin dalawa" rinig ko naman na sabi sakanya ni Kian—so they will gonna break up because of Kian?

"Then why?! Tell me the reason? Is it because of my possessiveness? I am just possessive because I don't want some girls to be around on you!"

"It's not like that Miley. Oo—nasasakal na ako sa relasyon natin—pero hindi lang 'yun ang dahilan"

"Then tell me—para naman malaman ko at mainitindihan ko kung bakit gusto mo maghiwalay tayong dalawa" singhal sakanya ni Miley ulit

Kian heaved out a big sigh, and looked at Miley directly—at sa sinabi niya sa dalaga ang nagpatigil ng mundo ko.

"I am in love with somebody—and it's Elyssa" tumibok ang puso ko ng napakabilis—hindi ko alam ang gagawin ko. Nanigas ang buong katawan ko—gusto kong pigilan ang luha ko pero tumulo ito sa aking pisngi.

H-He's in love w-with me? H-How? W-Why?


Note: Hanggang 30 chapters lang 'to. Bear with the story.

Past and PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon