Chapter 26

1.8K 49 0
                                    

PAST AND PRESENT
CHAPTER 26

YSSA RAMIREZ POV:

"Ano ba kasi ang ginawa mo kagabi, at bakit gusto mo ng umalis?" tanong sa akin ni Zexter, nakasakay na kami sa private plane niya at pabalik na kami sa manila ngayon. Niyuko ko lang ang ulo ko at pinaglaruan ang daliri ko.

"I have something to tell you after we get home"

"huh? Ano naman 'yun?"

"Basta't. Napakaimportante..." mahulugang sabi ko sakanya. 'Eto na ang tamang panahon para itama ang maling desisyon na nagawa ko simula noong nagising ako. Arlyka was right—I really need to tell Zexter the truth, dahil walang kasinungalingan na hindi nabubunyag. Malalaman pa rin ni Zexter sa huli ang kasinungalin na nagawa ko noon—at ayoko ng patigilan 'yun. Hangga't sa maari, masabi ko na ang totoo.

Pumasok bigla sa isipan ko ang narinig ko kaynila Kian at Miley kagabi.

H-He's still in love with me. H-Hindi ako makapaniwala sa oras na 'yun hanggang ngayon, kaya nagdesisyon ako na bumalik na sa manila kasama si Adam. 'Yun na ata ang sign para masabi ko na ang lahat lahat.

K-Kian is still in love with me after 2 years passed, nandoon pa rin ang nararamdaman niya na ipinagtapat niya sa akin. Inayos na niya ang relasyon nila ni Miley, at ako naman ang mag-aayos ng natitirang kailangang ayusin. This is now my time.

ILANG ORAS ANG NAKALIPAS nakauwi na kami dito sa condo ko, at hinatid na ako ni Zexter. Pinaupo ko muna siya sa sofa at binigyan ng juice.

"So—ano ang gusto mong sabihin, Yssa?" tanong niya sa akin at ininom niya ang juice na binigay ko. H-Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, darn.

Umupo ako sa upuan na nasa harapan niya. "Zex—I am sorry" paguumpisa ko, binaba na niya ang baso at tumingin sa akin habang nakakunot ang nuo nito

"What? Anong 'sorry'? Ang pagkakaalam ko wala ka naman nagawa sa akin na ma—"pinutol ko ang sasabihin niya at nagsalita

"M-Marami Z-Zex—hindi ko sinabi sayo. A-Alam kong magagalit ka kapag nalaman mo—pero 'eto na ang tamang panahon para sabihin ko sayo ang lahat lahat" pagsasalita ko sakanya

"S-Simula p-pa lang, w-wala naman talaga akong a-amnesia. S-Sorry" natulala siya sa sinabi ko

"WHAT?! You're kidding me, right?" umiling ako ng mahina

"N-No, Z-Zex... I-I'm s-sorry. H-Hindi ko naman s-sina—"he cut me off by shouting

"You lied to me, Yssa. Pinagkatiwalaan kita—pero ganito din pala ang mangyayari. You knew that I am like my cousin, Arlyka—I don't like liars" ramdam na ramdam ko ang galit sakanyang boses. Hahawakan ko sana ang kamay niya pero lumayo siya sa akin. Naluluha ako dahil alam kong ako ang may dahilan kung bakit nagkakaganito siya ngayon—kung bakit siya ngayon galit sa akin. I lied—yes, pero hindi ko naman talaga sinasadya.

"Z-Zex..."

"Don't call me Zex—nor Zexter. I've been your friend since I saw you broken. You knew that I fell in love and that's you—pero hindi ko alam na isang sinungaling rin pala ang mamahalin ko na babae. I t-thought y-your d-different" sabi niya sa akin at pinatuturo pa niya ako ng hintuturo niya.

"I-I didn't mean to..." maluhang sabi ko sakanya

"Ginawa mo akong tanga, Elyssa. I tried everything just to make you remember everything pero ano?—wala ka naman palang amnesia. Am I too dumb to realize that everything is just a lie? You make me stupid!!" lalo pa akong naluha

"I can't believe this shit. I trusted the wrong person—I also love the wrong girl. I am wrong about you Elyssa" and he left me alone on my unit. Napaupo nalang ako sa sahig at niyakap ang tuhod ko at yumuko. Humagulgol ako sa iyak. H-Hindi ko na alam ang g-gagawin ko. I-I need your help, A-Arlyka...

Past and PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon