Camilla's POV
"Okay class you Can take your lunch"sabi ng teacher naming matanda habang inaayos ang mga gamit nitong nagkalat sa teacher's table. Agad namang nagsitayuan ang mga kaklase kong mga naka tungo at mga natutulog at nagayos ng sarili. Yung iba eh nagsuklay at yung iba naman eh nag punas ng bibig dahil may laway na tumutulo sa gilit ng mga bibig nito pati na din sa desk nila.
Tumayo na ako at nag ayos ng buhok. Hinagod ko lang ito gamit ng kamay ko at okay na. Nag foundation din ako at nag lagay ng baby pink na lipstick. Ng makuntento na ako sa itsura ko eh nagpabango pa ako ng Bench Strawberry shake at nag lakad palabas ng room na para bang isa akong miss universe.
Pagkalalabas na pagkalabas ko ng room eh automatic namang napalingon sa akin ang lahat. I just let them be. Hindi naman nakakamatay. Nakakatunaw lang naman.
Saan ba ako pupunta? Wala naman kasi akong magawa. Ang gusto ko lang naman eh matulog sa lugar na tahimik. Pero saan? Wala namang library dito. Sa clinic? Pss.. Parang kahit clinic eh wala din. Nag pasikot sikot lang ako sa hallway hanggang makarating ako sa garden ng school. May nakita akong may mga natutulog sa grass at dala nila ang bag nila bilang unan.
Mabilis naman akong pumunta sa may puno para malilim. Umupo ako sa may damuhan at sumandal sa puno. Ipinatong ko ang paa ko sa ibabaw ng paa ko at pumikit na.
Tahimik dito at mahangin. Para bang ang perfect ng lugar nitong gawing isang set ng isang romantic film dahil na din sa ganda ng buong kapaligiran.
Naalala ko nanaman ang nangyari kanina. Napahilamos nalang ako sa muka ko. Kailangan ba talaga naming magpanggap? I mean... Bakit hindi nalang kami magpaliwanag to that Samantha girl. Besides CJ doesn't like me. They need to talk. Seriously... I'm very mixed up. This day is very heavy.
Nag salpak nalang ako ng earphones sa tenga ko at muling ipinikit ang mga mata ko. Finifeel ko lang ang tugtog habang nag hehead bang na kala mo eh Isa akong rock star na nasaniban.
Hindi nag tagal eh may naramdaman akong tumabi sa akin kaya naman eh napamulat ako at tinanggal ang isa kong earphone. Ahh.. Si CJ lang pala.
"Hey"nakangiting bati ni CJ sa akin. Napatingin naman ako sa paligid ko. Tinitingnan ko kung nandito ba sila Luigi or si kuya.
"Don't worry. There not with me"sabi nito.
"Anong... Ginagawa mo dito?"tanong ko sa kanya. Sumandal ito sa puro at ginaya ang posisyon ko. Doon ko lang nakitang nakatingin na pala lahat ng taong nasa garden.
"Nothing. Nakita kita dito kaya naman nilapitan kita. Looks like you need company kaya ito"sabi nya habang nakatingin sa akin.
"Yeah.. Anyway.. Can i question you?"tanong ko. Masyado pa akong naguguluhan. Hindi din naman kasi kapanipaniwala ang gagawin namin. Hindi basta basta ang pag papanggap namin. Pretending to be his girlfriend is like selling your body to a person you don't know.
"Hmm?" Maraming pumapasok sa isip ko na mga tanong. Tanong na mahirap sagutin. Hindi naman maiiwasan yun lalo na kapag ganito ang pinag dadaanan mo. At hindi lang yun. Si kuya ang iniisip ko. Mahirap ang gagawin namin. Si kuya pa naman kung magalit akala mo eh sya si incredible hulk.
"Can you clear the air?"simple kong sagot kay CJ. Siguro naman alam nya na ang ibig kong sabihin. Umayos sya ng upo at medyo lumapit sa akin.
"Ano bang lilinisin ko?"tanong nya sa akin.
"Bakit ba natin...kailangan Gawin ito? I mean... Oo alam ko talaga na kailangan nating gawin ito pero.. Pero bakit kailangan pa nating kailangang magpanggap na tayo?"paliwana ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Si Freak At Si Ako [On Going]
Roman pour AdolescentsMay isang masungit na lalaki Yan si freak Tapos may isang NBSB na babae Yan si Ako Ito ang story naming Si Freak At Si Ako