Part 1:

371 12 0
                                    

Sa maliit na bayan ng Cheongdo ay may isang grupo ng mga taong lobo ang patagong naninirahan sa magubat na parte nito, at ang grupo ng mga taong lobo na yun ay nasa ilalim ng pamumuno ni Kenji. Si Kenji ang kinikilalang pinakamalakas at pinakabihasa sa pakikipaglaban sa grupo nila, kaya bilang leader ay wala ni isa sa mga kasamahan niya ang sumubok na kalabanin siya, dahil sa takot nilang mamatay sa mga kamay nito. Sa kabila ng pagiging mataas na uri ng taong lobo niya, bukod sa mga kauri niya ay may isang tao siyang itinuturing na matalik na kaibigan, yun ay si Yujiro.

Tulad ni Kenji ay may taglay ding pambihirang galing si Yujiro sa pakikipaglaban, kaya din sila naging matalik na magkaibigan. Naging magaan ang loob ni Kenji sa taga-lupa simula nung tulungan siya nitong patumbahin ang mga taong tumutugis sa kanya. Wala namang kaalam-alam si Yujiro sa tunay na pagkatao ni Kenji, yung tungkol sa pagiging taong lobo nito, ang alam lang niya ay isa din itong ordinaryong tao na nagsasanay din sa pakikipaglaban, at lalo pa silang naging malapit nung madalas na silang sabay na magsanay. Isang araw ay nagkaroon ng magandang oportunidad si Yujiro na makaalis sa lugar nila, yun ay para mag-aral sa Seoul, ngunit tila hindi naging madali ang pagpapaalam niya kay Kenji.

Kenji: ano?? Aalis ka? (paseryoso)

Yujiro: lilipat na kami ng Seoul para dun ko ipagpatuloy ang pag-aaral ko.

Kenji: ah ganun? Iiwan mo ko matapos ng pinagsamahan natin?? (paseryoso)

Yujiro: Wag kang mag-alala, babalik-balik din naman ako dito para bisitahin ka eh. (pakalma)

Kenji: Ayoko!

Tila may matinding emosyon ang gustong kumawala mula kay Kenji ng mga oras na yun, ngunit pilit niya yung pinipigilan, nang mahalata naman yun ni Yujiro...

Yujiro: Kenji, nagagalit ka ba dahil lilisanin ko na ang lugar na 'to??

Kenji: hindi ako payag na umalis ka.

Yujiro: bukas na ang alis namin. Kung gusto mo, sumama ka sa 'kin?

Kenji: hindi pwede! at ayoko! Hindi ako aalis dito! at hindi rin ako papayag na umalis ka sa lugar na 'to!! hindi ka aalis, rinig mo?! Hindi ka aalis!! (sabay talikod)

Hindi na nakakaya pang pigilan ni Kenji ang pagpapakawala sa matinding emosyon niya.

Yujiro: ano bang problema mo Kenji?? Sa ayaw at sa gusto mo aalis ako! Nakapagdisisyon na ko at hindi mo na ko mapipigilan pa.

Tuluyan ng pinakawalan ni Kenji ang matindi niyang emosyon dahilan para lumabas ang tunay niyang anyo. Nang hindi na sumagot si Kenji ay dahan-dahan siyang nilapitan ni Yujiro, at nang makita niya ang panginginig ng katawan nito ay hindi siya nagdalwang-isip na tingnan ang kalagayan niya.

Yujiro: Kenji?.. anong nangyayari sayo ha? Okay ka lang ba?

Sobrang ikinagulat niya nang humarap si Kenji sa kanya.

Yujiro: Ke..Kenji?? paanong...? isa kang....??

Nasa semi-transformation stage palang ang anyo ni Kenji kung saan hindi pa siya totally nasa anyong lobo, ngunit makikita na sa mapupula at nanlilisik niyang mga mata, at sa matatalas niyang ngipin at kuko ang tunay niyang pagkatao. Halatang nasindak si Yujiro sa nasaksihang pagbabago ng anyo ni Kenji, dahilan para hindi siya makalaban sa pag-atake nito sa kanya.

Si Kenji ang tipo ng taong lobo na napakapossessive sa lahat ng bagay, lalo na sa mga nagiging kaibigan niya. Actually, karamihan sa mga kasamahan niyang taong lobo ay dating mga ordinaryong tao lang din na naging kaibigan niya. Ngayon, sa tuwing may magtatangkang umalis sa lugar na yun ay kinakagat niya at ginagawa niyang katulad niya. Once na maging taong lobo na din yung taong kinagat niya ay agad itong sumasailalim sa kapangyarihan niya at nagiging sunud-sunoran niya.

Nang magkamalay si Yujiro ay nasa isang maliit na silid na siya na binabantayan ng dalwang lalaki.

Yujiro: nasan ako? Anong lugar 'to??

Hindi siya sinagot nung dalwang bantay. Bumangon siya at sinubukan niyang lumabas ng silid, ngunit bigla siyang hinarangan ng mga ito.

Yujiro: pwede bang tumabi kayo? Lalabas ako.

Bantay1: pasensya na pero bilin sa 'min ni amo na wag kang palalabasin ng silid na 'to hangga't hindi niya sinasabi.

Yujiro: ano?? Sino bang amo niyo? Palabasin niyo ko!

Nagpumilit siyang lumabas, ngunit matibay ang pagkakaharang sa kanya nung dalwang bantay. Sa pagdating ni Kenji ay hindi na nagdalwang-isip pa si Yujiro na komprontahin siya.

Kenji: buti naman at nagkamalay ka na.

Yujiro: Kenji, anong lugar 'to? bakit ako nandito?

Kenji: simula ngayon, dito ka na titira.. kasama namin.

Yujiro: ano?! Hindi pwede! kelangan ako ng pamilya ko, at malamang hinahanap na nila ko!

Kenji: Yujiro, hindi ka na pwedeng makita pa ng pamilya mo.

Yujiro: at bakit? Bakit hindi ko na sila pwedeng makita pa?!

Kenji: dahil ang alam nila, patay ka na. Kung hindi mo alam, isang linggo kang walang malay kaya sapat ng dahilan yun para isipin nilang patay ka na.

Yujiro: ano? Hindi! Hindi!! Pano ko mamamatay kung buhay ako!

Bigla siyang natigilan nang biglang may maalala. Naalala niyang matapos niyang makita si Kenji sa nakakatakot na pagbabagong anyo nito ay kasabay nun ang biglang pag-atake nito sa kanya.

Yujiro: (napahawak siya sa leeg niya kung saan siya nakagat ni Kenji) Hindi. (pailing) Hindi!! Hindi maaari 'to!! Kenji anong ginawa mo sa 'kin ha?? Anong ginawa mo?!!

Kenji: hindi ka na tao Yujiro. Tulad ko, isa ka na ding nilalang na masbangis, masmatalino, at masmalakas kesa sa mga pangkaraniwang tao sa mundong kinalakihan mo.

Yujiro: hindi kita maintindihan! Ano bang ginawa mo sa 'kin?? ano ka ba talaga?!!

Kenji: alam kong natatakot at naguguluhan ka pa sa ngayon, pero sa una lang yan. Wag kang mag-alala, masasanay ka din sa mga pagbabagong mangyayari sayo, at pagdumating na ang oras na yun, baka pasalamatan mo pa ko, dahil hindi mo aakalaing magiging ganun ka kalakas.

Yujiro: ayokong magbago! Ayoko nito! Ibalik mo ko sa pamilya ko!!

Kenji: hindi ko na pwedeng bawiin pa ang bagay na nagawa ko na. Isa pa nga pala, kung ayaw mong malagay sa panganib ang buhay ng pamilya mo, wag kang gagawa ng bagay na alam mong hindi ko magugustuhan. (lumapit siya kay Yujiro at bumulong) Alam mo naman yun diba? (muli siyang umangat) Sige, maiwan na muna kita, at tandaan mo yung sinabi ko. (sabay alis)

Yujiro: Kenji san ka pupunta?

Susundan niya sana si Kenji nang muli siyang harangan ng mga bantay.

Yujiro: Kenji! Wag na wag mong gagalawin yung pamilya ko! dahil hinding-hindi kita mapapatawad kapag may mangyari sa kanila!! Kenji!!!

Nasa kalagitnaan ng pagsasaya si Kenji nang bigla siyang lapitan ng isa sa mga tauhan niya at ibinalita sa kanya na nakatakas si Yujiro.

Kenji: Ano?? Nakatakas si Yujiro??

Sa galit niya'y ibinato niya yung hawak niyang baso, at sinuntok niya yung isa sa tauhan niya.

Kenji: bakit niyo siya hinayaang makatakas?!! AAAHHH!!!

Natigil ang kasiyahan sa pagwawala niya, ngunit bago pa man siya tuluyang magpalit-anyo ay agad niyang kinalma ang sarili niya at tinipon niya ang lahat.

Kenji: Nakawala si Yujiro, kaya kinakailangan niyo siyang hanapin para ibalik dito. Wag na wag kayong babalik hangga't hindi niyo siya kasama. Sige na, siguradong hindi pa yun nakakalayo.

Matapos nun ay agad ng nagsialisan ang lahat para hanapin si Yujiro.

Kenji: Nagkamali ka ng ginawang desisyon Yujiro, akala mo ba ganun-ganun ka nalang makakatakas sa 'kin? nagkakamali ka, dahil hangga't taglay mo ang tatak ko, nasa ilalim ka ng kapangyarihan ko at pagmamay-ari kita, kaya kahit saan ka pa magpunta, hindi ka makakapagtago sa 'kin at mahahanap din kita.

~oOo~

EXO Thriller [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon